Chapter 18

57 1 0
                                    

Park

--

Hindi ko alam kung linggo na ang nakalipas mula ng tumuntong kami ng college at hindi ko na din alam kung ilan araw na ang nakakalipas mula ng maghiwalay sila jiro at hannah, hindi pa rin sila nag uusap. Bahala sila, masyado silang kinakain ng pride.

Papasok na ako ng school pero nakalimutan ko ang cellphone sa kwarto kaya binalikan ko 'to, hindi ko muna binuksan at agad nakong bumaba, Nadat'nan ko si kuya na umiinom ng kape sa may sala habang nanunuod ng action.

Lumapit ako kay kuya at mabilis na hinalikan sa pisngi. "Bye, kuya." Hindi ko na hinintay ang sagot niya pero bago ako malabas ng bahay ay sinabihan niya akong 'takecare'.

Nagmadali akong sumakay ng jeep dahil wala si aris, Hindi rin ako nagpahatid sa driver ko dahil mas trip ko ang commute ngayon, hindi ko alam pero nagiging busy na siya sa company nila pero namamanage niya ang school at company, He's really amazing.

Habang nasa jeep ay nagsuot muna ako ng earphones sa magkabilang tenga ko at tumingin sa daan, humahawi ang buhok ko sa mukha ko dahil sa hangin na pumapasok sa loob ng jeep kaya sinuklayan ko 'to gamit ang akin mga daliri.

Ilan minuto ang nakalipas ng makita ko na ang st. gerald, mas malayo 'to kumpara sa st. mathew.

"Oh, nandito na tayo." Sabi ng kundoktor ng jeep, mabilis akong tumayo at bumaba ng jeep.

Kung titignan mo ang st. gerald ay parang isang publikong eskwelahan lang siya dahil sa mga maiingay na estudyante at ang mga pasaway. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, aaminin ko na mahirap ang nakuha kong course, minsan sumasakit ang ulo ko dahil sa mga solving pero keri naman.

Bago ako makatungtong ng hagdan ay nakita ko sila clarence at mga kaibigan niya sa isang sulok ng may garden sa labas, may upuan kasi do'on kaya nakaupo sila. Si clarence at jiro ay nakatayo 'yung iba ay nakaupo.

Nakita ako ni cedrick kaya ngumiti siya sakin. "Hi coleen, goodmorning." Bati niya, napatingin silang lahat sakin at binati ako gaya ni cedrick kaya ngumiti ako sakanila. "Good morning din." Napatingin ako sa dalawang nakatayo nakita kong nakatingin lang si clarence sakin, nalunok ako sa itsura niya ngayon na nakablack siya at nakablack jeans nakataas ng konti ang kanyang buhok.

"Ang aga natin ah." Natatawang sabi ni michael kaya napatingin ako sa oras, mag aalas otso na kaya kumunot ang noo ko sakanya.

"Maaga pa sa tingin mo niyan?" Nakakunot kong tanong sakanya, tumawa lang sila kaya napailing ako.

"Kaya nga sabi ko ang aga e. Hahaha. Nahiya naman kami sa'yo coleen." Natatawang sabi ni carlo at ngumiti.

"Ewan ko sainyo, mga abnormal." Sambit ko at tinalikuran ko na sila, pero narinig ko pa ang mga tawa nila.

Nakalimutan kong sabihin pero civilian lang ang uniforme namin dito, walang school uniform ngayon.

Umakyat nako ng hagdan at nag kaliwa dahil sa bandang kaliwa ang kwarto namin, medyo ilan kwarto pa ang lalagpasin bago ang kwarto namin. Nakaramdam ako ng may sumusunod sa likod kaya napalingon ako at nakita kong nakatingin lang siya sakin, napalunok ako kaya binilisan ko ang lakad ko.

Kanina pa ba siya? Kanina pa ba siya nakatingin sa likod ko? Argh. Asar naman!

Pumasok na ako sa room namin at umupo, napahinga ako ng malalim dahil sa mga tingin niya sakin. Naiilang ako lalo na ngayon umupo siya sa tabi ko, hindi na rin pumapasok si jenica. Ano kayang nangyari sakanila?

Inalis ko sa isip ko ang tungkol kay clarence at tinuon ang atensyon ko sa prof. namin na kanina pa pala dumadada. Napatingin ako sa katabi ko napaiwas agad ako ng sabay kaming tumingin sa isa't isa.

Natapos ang klase namin at wala si kuya dahil may ginagawa siya sa computer room, kaya mag isa ko na naman ang uuwi.

Naglakad ako sa palabas ng st. gerald at mabilis na sumakay ng jeep, mabuti nalang at may jeep ngayon kadalasan kasi ay kailangan mo munang maghintay ng mahigit limang minuto o minsan ay wala pang darating.

Habang nasa jeep ay natanaw ko ang park na dati kong pinupuntahan at kung saan naging kami ni clarence.

"Manong,para." Hindi ko alam bakit ko sinabing hihinto niya, Mabilis niyang tinabi sa gilid at bumaba nako. Nakatingin pa rin ako sa park na dati medyo konti ang tao ngayon ay marami na.

May nga couples pa na naglalakad na magkahawak kamay, ang mga mag asawang hawak ang kanilang mga anak. May mga bumibili ng balloons, ice cream at kung ano ano pang mga tinda dito sa loob ng park.

Unang hakbang ko sa park ay napangiti nako at hindi ko na napigilan ang sarili ko na mabilis na lakarin ang patungo kung saan nagpropose si clarence. Umupo ako sa may upuan at tumingin sa langit.

Nagflashback lahat sakin ng alaala namin ni clarence, mula sa pagkakablindfold sakin hangga't sa inalis 'yon at natanaw ko ang magandang paligid na puno ng petals, Napangiti ako ng bahagya at nanggilid ang mga luha ko.

Nagflashback din sa'akin ang mga alaala namin, ang mga pangako niya.

"Walang bibitaw wifey.."

Mga pangakong napapako, Tama nga sila, promises are meant to be broken.. Lahat nalang yata ay magaling lang sa salita pero pagdating sa gawa ay wala na. Hanggang salita lang siya...

Minsan naiisip ko sana ako nalang si jenica, ako nalang 'yung mahal mo.. Sana ako nalang, ako nalang ulit..

Pinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang simoy ng hangin, alas singko y mediya pa lang naman at nakita ko ang langit na medyo dumidilim para bang uulan hindi ko pinansin 'yon at tinignan ang kabuuan ng park at tumgin na naman sa langit, naalala ko 'yung gabing first monthsary namin.

'Yung wish ko... hindi nagkatotoo..

Nagulat ako ng may gumalaw sa tabi ko kaya napatingin ako sa gawing kanan ko, nanlaki agad ang mga mata ko para bang nanigas ako sa kinauupuan ko hindi ko maalis ang tingin ko sakanya.

"Bakit siya nandito?"

Tanong ko sa isip ko na nakatingin pa rin sakanya. Nawala lang ang atensyon ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan doon ako nagpanic pero nagulat ako ng may humawak ng braso ko at mabilis akong hinila sa may isang bodega dito.

What the hell, Clarence Yvonne Roseller!

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon