Chapter 10

63 2 0
                                    

Venice Racquel

Nagising ako dahil sa kung anong masakit sa ulo ko, napahawak ako sa ulo para akong pinapatay sa sakit dahil first time ko sigurong uminom, masakit din ang mga mata ko hindi ko alam kung saan galing. Hindi ko nga din alam kung paano ako nakauwi dito at nakapunta sa kwarto ko.

Tumayo ako sa higaan ko at dumiretso sa banyo nakita kong namamaga ang mga mata ko at bigla akong napahawak sa labi ko.

Nanlaki agad ang mga mata ko ng maalala ko 'yung nangyari sa kagabi na parang may lalaking kasama ko kagabi at parang may humalik sakin. Hindi ko alam kung totoo 'yon o baka dahil lang 'yon sa kalasingan ko.

Dalawang araw nang ma'broken hearted si aze, umuwi muna siyang tarlac dahil gusto niyang mapag isa at makapag isip muna.

Nandito kami ngayon sa school ng st. gerald dahil ngayon na kami magpapa enroll, kasama ko ngayon si aris never pa naman siyang umalis sa tabi ko.

"Coleen?" Napalingon ako sa tumawag. Nakita ko ang nakangiting mukha ni aris.

"Bakit?" Tanong ko sakanya at lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

Kami palang ang nandito, hinihintay namin ang iba. Ang mga pinsan ko ay pinauna na kami ni aris dahil may dadaanan pa daw sila. Sino naman kaya?

Ilan buwan na rin nasa tabi ko si aris, hindi niya ako iniwan kahit alam kong nakakasawa akong kasama. Nandito pa rin siya, inaalagaan ako, inaasikaso, pag may lakad ako siya ang nandiyan na sumasama sakin. Kahit may mga importante siyang lakad ay kina'cancel niya makasama lang sakin.

Hindi ko siya maintindihan, kaibigan lang ba talaga tingin niya sakin? baka naman may nararamdaman pa siya sakin?

Napailing nalang ako sa naiisip ko. Nakita ko si aris na nakakunot ang noo na nakatingin sa cellphone niya.

"Hey.." tawag ko sakanya, napatingin naman siya sakin at naalis ang kunot sa noo niya.

"H-huh? Bakit coleen? May problema ba?" Sunod sunod niyang tanong, umiling ako sakanya.

"Nakakunot na kasi noo mo, ikaw yatang may problema." Sambit ko sakanya at sinuklayan ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Wala.." Aniya, tumango nalang ako kahit alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo dahil kitang kita ko 'yun sa mga mata niya.

Si aris ang nandyan para sakin pag may problema ako, hindi niya ako iniiwan pag may malaki akong problema, siya 'yung sumasaklolo sakin pag kailangan ko ng tulong. Mabait si aris, hindi siya 'yung masama dati na nagbalak na paghiwalayan kami ni clarence. Nagawa niya lang 'yun dahil sa galit niya sa mga magulang niya at kay clarence.

Nakita kong padating na ang mga pinsan ko at si ryla kasama 'yung apat--terrence, gab, clark and tristan. Nakita nila ako kaya lumakad sila papunta dito at umupo.


"Kanina pa kayo?" Tanong ni hillary at umupo sa tabi ko, Kasunod nun ang pag upo nila xyrile at tyler. Wala si hannah?

Nakita kong wala naman silang kasama, pinagloloko ba ako ng mga 'to? Napailing nalang ako sa mga kalokohan ng pinsan ko.

"Nasan si hannah?" Tanong ko sakanila, kita kong huminga sila ng malalim.

"Kasama si jiro." Sambit ni hillary at saktong dumating sila kasunod nun ang mga kaibigan ni jiro.

Umupo sila sa mga vacant seats, naghintay pa kami nang mga darating.

Lumipas ang ilan minuto ay nagsidatingan na rin sila.

"Tara sabay sabay na tayong pumunta sa cashier." Ani carlo at inayos ang kanyang buhok.

"Oo nga, para sabay na tayong matapos." Tumango naman ang lahat kaya naglakad kami papunta sa loob ng st. gerald. Nauuna sila clarence at si jenica.

Hindi ko pa rin sila matignan kaya pumunta ako sa pinakalikod, Nasa tabi ko si aris at nasa harap naman ang mga pinsan ko.

"Baby.." Narinig kong tawag ni jiro kay hannah. Napatingin ako sa dalawa, Wala akong balita sa dalawa na 'to. Sila na ba?

"Yes baby?" Narinig kong sambit ni hannah, nagulat ako dahil sila na nga. Ode sila na.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nang makapunta na kami sa isang office ay pumasok na kami. Nagulat ako kasi nandito yung babae na pinagtanungan non namin.

"Good morning." Bati namin, pero yung taga dito ay hindi na sila bumati dire'diretso lang silang umupo. Malaki kasi ang st. gerald kaya nakakasakit nga ng paa ang maglakad dito malayo layo kasi ang office sa gym kaya sumakit ang mga paa ko.

Napatingin samin ang babae, nagulat ako ng kumunot ang noo niya ng makita ako pero agad din 'yon nawala. What's on her mind?

"Ikaw ba 'yung pumunta dito dati?" Tanong niya, tumango lang ako sakanya.

"Nice to meet you again, ms. villamar.." Nakangiting sambit sakin ng principal dito. Ngumiti ako pabalik sakanya. "Nice to meet you too."

Nakapagenroll na kami sa st. gerald, 'yung mga taga dito dati ay hinihintay nalang kami sa labas dahil dito din naman sila magco'college.

Napatingin ako kay clarence at jenica. Nakita kong hindi nag uusap 'yong dalawa umiling nalang ako at iniwas ang tingin ko sakanila.

--

VENICE ELOIZA,RACQUEL.

Ibinaba ko ang bag ko sa may kama ko at mabilis na humiga, medyo masakit ang ulo ko dahil kanina pa ako may ginagawa sa company namin dahil iniwan ni aris ang company dahil magpapa enroll daw sila at siya nalang mag eenroll sakin.

Kababata ko si aris, bata palang kami nung una akong humanga sakanya, siya 'yung laging nagtatanggol sakin at laging nandyan sa tabi ko. Sabay din kaming lumaki, at sabay kaming nagtapos ng elementary at secondary.

Pero mula nong pumunta siyang manila ay nag iba na ang ugali niya, parang nagiging iba na siya sakin.. parang may mali.

Until one day, nakita kong mag isa siya sa may office niya at mabilis ako naglakad malapit sakanya. Magsasalita sana ako pero narinig ko siyang nagsalita.

"I love you coleen..."

"Sana mahalin mo rin ako.. Mahal na mahal na talaga kita."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa narinig ko, kung iiyak pa ako o magsasaya. Pero parang may kung anong nagpasikip ng dibdib ko non at pinili ko nalang umalis.

Ilan linggo din akong nagmasid bago ko makilala si coleen, at nung pumunta kaming enchanted kingdom ay doon ko nahuli si aris na nakatingin sa isang babae. Titig na titig siya siguro ay 'yun si coleen pero bago non kami tumalikod ay nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

Mahal na mahal niya nga talaga si coleen, wala akong magagawa dahil isang hamak na kaibigan niya lang ako. Kahit masakit ay kailangan kong magsakripisyo para sa ikakasaya ng mahal ko. Kahit na masakit basta makita lang siyang masaya okay nako.

Narinig ko ang cellphone ko na nagvibrate at mabilis kong kinuha sa bag ko ang cellphone ko.

Aris:

Pauwi nako, thankyou pala sa pag aasikaso ng company.

'Yun ang natanggap ko galing sakanya, huminga ako ng malalim at nireplayan siya ng 'no problem'. Humiga ulit ako sa kama ko nanggilid agad ang mga luha ko.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan si coleen, kahit magbigti ako sa harapan niya ay si coleen pa rin ang mahal niya at walang wala akong laban doon.

Paano mo ipaglalaban ang taong may pinaglalaban na iba?

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon