Bar
Kinabukasan ay maaga akong nagising, dito natulog 'yung mga kaibigan ni clarence at siya pati na rin sila tristan at clark, then mga kaibigan nila para daw makapag bonding naman kami.
Bumaba ako sa baba, nakita kong may nakatalikod na lalaki sa may malapit sa bintana ng kusina namin, nang lumapit ako ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong siya 'yon.
Nakalagay ang cellphone niya sa tenga niya parang may kausap siya, hindi dapat ako magpakita kaya nagtago ako sa hindi niya dapat makita.
"Nakokonsensya nako." Narinig kong sabi ni clarence, nakokonsensya? Kanino?
"Ayoko muna, basta bahala na. Kita nalang tayo bukas. Ge bye." Bago niya pa ako makita ay nagkunwari akong pababa ako ng hagdan, nagmistulang hangin ako dahil sa sobrang bilis ng lakad ko.
Naramdaman ko ang mga tingin niya sakin, kumuha ako ng tubig sa ref at baso, nilagyan ko 'yon ng tubig ako uminom ako. Napatingin ako sa gawi niya at nakita kong nakatingin siya sakin kaya lalong nanuyo ang lalamunan ko.
Umiwas ako ng tingin at binalik ang baso ko sa lalagyan ng madumi namin pinaggamitan na utensils.
"Ehem." Nagulat ako sa umubo, at nakita ko siyang 'yon kaya napatingin ako sakanya, kumunot ang noo ko ng makita kong nakasmile siya sa kawalan at umiiling.
"Letse." Bulong ko sa sarili ko pero parang narinig niya dahil napatingin siya sakin na nakakunot ang kanyang mga noo.
Bago pa siya sumagot ay nakita ko na nanlalaki ang mga mata ni carlo na nakatingin samin dalawa, siguro dahil nakita niya kaming nagtitinginan.
"Anong ginagawa nyong dalawa dito?" Tanong niya at bigla siyang ngumisi.
"Uminom lang ako." Pagsasabi ko ng totoo, kita ko ang pagpigil ng tawa ni clarence. Anong nakakatawa?
"Kayo ah." Pang aasar samin ni carlo, sinamaan ko siya ng tingin at pumunta na akong sala pero sinundan niya ako at bumulong sa likod ko.
"Kasama na pala sa pag inom ang pagtingin sakin.." Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa balat ng marinig kong boses nya 'yon.
Teka? Ako nakatingin sakanya? Siya nga 'tong nakatingin sakin. Sasagutin ko pa sana siya pero nakita kong pababa na ang mga bagong gising na kaibigan niya.
"Goodmorning coleen." Bati sakin ni michael kaya ngumiti lang ako sakanya. "Goodmorning din."
Sumunod na nakita ko na pababa ay ang mga pinsan ko at si ryla sumunod naman ay sila clark, tristan, gab at terrence at pinakahuling bumaba ay si aris.
Binati nila ako kaya binati ko din sila, umupo kaming lahat sa sahig na nakapaikot. Agad naman tumabi sakin si aris at nginitian ako.
"Goodmorning." Bati niya sakin at ginantihan ko naman siya ng bati niya.
"Coleen okay na pala 'yung nabugbog mo?" Tanong ni aris na nagpukaw ng atensyon ng lahat.
"Nabugbog?"
"Anong nangyari?"
Sunod sunod na tanong ang sumalubong kay aris, ang daldal naman kasi niya e.
"Coleen.." tawag sakin ni xyrile, alam kong ayaw akong nasasaktan nito kaya ngayon siya ang pinakacurious sa nangyari sakin.
"Ahm.. ano.." Nauutal ako, parang may bumara sa lalamunan ko, napatingin ako sakanilang lahat na seryosong naghihintay ng sasabihin ko.
Napatingin ako kay clarence na nakatingin lang sa cellphone niya habang kinagat ang ibabang labi niya wala na talaga siyang pake sakin.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romantizm#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]