Move on
--
Matapos ang matatalim niya na tingin sa'akin ay binalewala ko 'yon. Hindi ko dapat siya tinitignan.
T'wing tinitignan ko siya ay bumabalik ako sa pagiging tanga at bumabalik ang nararamdaman ko sakanya.
"Coleen, kailan ka mag enroll?" Tanong sakin ni aze habang nakaupo kami lahat sa isang malaking bilog na upuan na bato.
"Next week siguro." At nagkibit balikat na rin ako, uminom ako ng tubig feeling ko hindi ako makahinga kasi nandito siya.
"Anong kinuha mong course?" Tanong sakin ni xyrile, tumingin naman ako sakanya.
"Accountancy." Maikli kong sagot, tumango naman sila.
"What the fuck! Diko hilig ang math." Naiinis na sabi ni carlo kaya natawa nalang kami.
"So, classmate mo ang magpinsan." Ani michael at tinuro si clarence at aris kaya napalunok ako.
"Ah..." 'yun lang ang nasabi ko, tumingin sa'akin si aris at nginitian niya ako.
"Oo nga pala, diba may girlfriend ka aris?" Tanong ni aze, kasi nung pumunta nga kaming EK kasama niya girlfriend niya.
Umubo nang bahagya si aris at tumaas ang isang kilay niya.
"Wala na kami." Aniya at umiling.
"Bakit?" Narinig kong tanong sakanya ni terrence.
"May mahal ako na iba ..." natahimik ang lahat doon sa sinabi niya.
"Akala ko kasi pag nagmahal ako ng iba makakalimutan ko siya pero hindi mas lalong nahulog ang loob ko sakanya.." at sabay siyang tumingin sa'akin napalunok naman ako.
Bakit siya tumingin sa'akin? Anong ibig sabihin non?
"Naman, pumapag ibig pero 'wag mo siyang masyadong mahalin dahil alam natin na may mahal siyang iba.." Ani gab at nagtaas ng kilay kay aris.
"Alam ko." Sabi niya nakita kong nagsuot ng earphones si clarence. Napailing nalang sila.
Ayaw mo bang marinig boses ko o ang pinag uusapan namin?
Napailing nalang ako sa iniisip ko, imposibleng dahil sa pinag uusapan namin pero posibleng dahil 'yon sa naiinis at ayaw niya na sakin. Nanikip ang dibdib ko, jusko. Wag n'yo naman gawin sakin 'to. Gusto ko nang makalimot katulad niya.
"Honey!" Napalingon kami sa sumigaw at nalaglag ang panga ko nakita ko s'yang papalapit sa kinauupuan namin, nanginig ang buong katawan ko.
Tinapik ni tristan si clarence sa braso para mapamulat ito nakita ko ang pag alis niya sa earphones niya tumayo siya at lumapit siya kay jenica at hinalikan niya ito sa labi.
Nanikip ang dibdib ko, gusto kong maiyak, gusto kong magwala sa sakit na nararamdam ko ngayon.
"Guys, girlfriend ko nga pala." Aniya at tumango naman sila. "Sige may date kami ngayon e." Dugtong niya at tumalikod na sila clarence at jenica.
Tumingin silang lahat sa'akin, sinubukan kong ngumiti pero sana palang hindi nako ngumiti dahil do'n nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
Hinaplos ni hillary ang likod ko at niyakap n'ya ako. Napahagulgol nako, wala na kong pakealam kahit makita nila akong umiiyak.
Nakita ko ang awa sa mga mata ng kaibigan niya at tinignan ko sila tristan at clark na' naka pokerface lang. 'Yung iba ay umiiling.
"Ako ng bahala kay coleen.." ani aris at tinayo niya ako. Tumango naman sila.
Totoo nga, totoo ngang may bago na agad siya. Ang galing mo naman, ang bilis mong nakalimot, turuan mo naman ako o, kasi hirap na hirap nako.
Hindi ko alam pero sinakay ako ni aris sa kotse n'ya. Naalala ko nung panahon na nasa kotse pa niya ako, ngayon iba na ang kasama niya sa kotse niya iba na rin ang mahal niya.
Ang sakit sakit e.
Huminto si aris sa isang lugar na hindi pamilyar sakin, pero nakita kong mataas na lugar 'to.
"Nasan tayo?" Nanginginig kong tanong sakanya. Ngumiti lang siya sa'akin.
"Basta.." aniya at hinawakan ako sa beywang ko para pakaakyat.
Ka'akyat namin ay nakita ko ang tanawin, kitang kita ko ang mga bundok. Ang ganda dito, tumingin ako kay aris.
"Anong gagawin natin dito?" I asked him at narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Isigaw mo lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, 'yung malalabas mo lahat ng sakit." Mabilis akong napatingin sakanya.
"Kaya mo 'yan coleen.." ngumiti siya sa'akin pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kawalan.
"Gago ka clarence! Bakit mo'ko iniwan!"
"Sabi mo mahal mo'ko, sabi mo pareho tayong lalaban! Sabi mo walang bibitaw!" Habol hininga ako katapos kong sumigaw.
Tumulo mga luha ko at napaupo, naramdaman ako ang dibdib ni aris sa mukha ko, medyo nabawasan ang sakit.
"Iiyak mo lang lahat 'yan, bukas wala na 'yan. Tutulungan kitang kalimutan siya coleen.." sabi niya at inakbayan niya ako.
Hindi ko alam kung ilan oras kong iniyakan si aris pero feeling ko ay gumaan ang pakiramdam ko, parang nabawasan 'yong sakit sa nakita ko kanina.
"Guys, girlfriend ko nga pala."
Girlfriend pala ah, akala ko ako lang pero meron pala akong kahati nung panahon na tayo. Magaling clarence, magaling.
Nagulat ako dahil nabanggit ko ang pangalan niya ibig sabihin ay unti unti nakong nakaka'move on sakanya.
Laking pasasalamat ko talaga kay aris dahil siya 'yung nand'yan pag kailangan ko ng tulong, kahit minsan nakakainis nako dahil palagi akong umiiyak, palagi ko siyang iniiyakan pero nandyan pa rin siya at hindi niya ako iniwanan.
Totoo nga, mas mahalaga ang pagkakaibigan kesa sa relationship, na puro pa'sakit lang ang alam. 'Yung masasaktan ka lang, iiwanan ka pero sa pagkakaibigan? Kung totoo siya sa'yo tatagal ang pagkakaibigan n'yo.
"Okay kana?" Tanong niya ng nakasandal kami sa harap ng kotse niya, nakatingin ako sa langit at nakita ko ang mga star namin dalawa.
"Medyo um'okay ang pakiramdam ko.." sabi ko, ngumiti ako sa kawalan.
Dati makita ko pa lang mga star namin ay umiiyak na ko ngayon ay ngumingiti na ako, Hindi ko pa masasabi na nakamove on nako ng tuluyan dahil kanina lang ay nasaktan ako sa nakita.
Siguro dahil ito sa pag sigaw ko kanina at ang pag iyak ko, nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko.
Mabuti na rin siguro 'to, unti unti na kong makakalimot. Ayokong buksan ulit ang puso ko, Hindi dahil duwag ako kundi dahil ayokong maging rebound siya kung sino man 'yon.
Dahil kahit sabihin natin na nababanggit ko na pangalan niya ay okay nako at hindi ko na siya mahal, mahirap siyang kalimutan pero ang kailangan lang natin ay magpakatatag.
"Mabuti 'yon." Sabi ni aris at tinignin niya ako. Ngumiti siya sa'akin kaya napa'ngiti din ako.
"Salamat sa lahat aris ah?" Sambit ko at hinawakan ang kamay niya.
Nagulat siya sa ginawa ko kahit ako nagulat pero binalewala ko nalang 'yon.
"Nandito lang ako coleen. Hindi porket sinaktan ka ng pinsan ko ay magkapareho na kami, magka iba kami, hindi kami sabay lumaki. Blood related lang kami pero pag dating sa buhay pag ibig ay magkaibang magkaiba kami."
Siguro nga, pero patawad dahil hindi ko pa kayang buksan ulit ang puso ko, ayoko na ulit masaktan pa. Sawang sawa nako lagi nalang akong nasasaktan.
Ngayon, kailangan ko nalang ay ang kalimutan siya 'yung wala nakong mararamdaman na kahit ano pa sakanya.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romantizm#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]