Chapter 8

67 2 0
                                    

Broken hearted


Tatlong araw ang nakalipas ng mangyari 'yon at hindi ko pa rin maiwasan hindi matakot.

"Coleen, bihis ka. Punta tayong sm tarlac gusto mo?" Tanong sakin ni aris habang hawak hawak ang kanyang cellphone.

"Oo naman, tara." Masaya kong sabi sakanya, mabilis siyang tumango at tumayo.

Tumakbo ako papunta sa may kwarto ko at mabilis na nagbihis, hindi nako masyadong nag ayos pa, nag shorts lang ako at isang hanging blouse at nag ponytail ng buhok.

Bumaba ako at nadatnan ko don si aris na nagsasapatos, ngumiti ako sakanya ng mapatingin siya sakin.

"Let's go?" Aya niya ng matapos na niyang itali ang mga sintas ng sapatos niya. Tumango ako sakanya.

Lumabas kami ng gate at mabilis na binuksan niya ang front seat, aangal pa sana pero naisip ko baka masayang lang ang oras. Wala nakong magawa kundi pumasok ganon din siya.

Hindi malayo ang sm samin, halos five minutes lang yata ang biyahe, napatingin ako kay aris.

We're getting closer..

Nang makita na namin ang sm ay mabilis niyang pinark ang kotse niya at binuksan ang pinto ng kotse niya at umikot papunta sakin.

Naglakad kami papasok sa sm, medyo nagbago na ang sm tarlac ngayon, marami ang nagbago dito sa tarlac.

"Saan mo gusto?" Tanong niya, at patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Laro tayo ano?" Tanong ko sakanya, mabilis siyang tumango at hinila ako sa may fun world sa third floor pa 'yon.

Pumasok kami doon at halos pinagtitinginan kami ay si aris pala sa loob, naiilang naman ako lalo na nang marinig ko mga bulungan nila.

"Girlfriend niya?"

"Baka.."

"Bagay sila."

Umiling nalang ako sa mga narinig ko, hinintay ko si aris kasi bumili siya ng tokens, nang makabalik na siya ay ngumiti pa siya sakin.

"Basketball tayo?" Masayang tanong niya, mabilis akong tumango. Hinila niya ako papunta sa may basketball.

"Padamihan ng na'shoot?" Hamon niya sakin, kinabahan naman ako pero tumango ako sakanya hindi naman ako kill joy.

Hinulog ko na ang token at nagsimulang bumaba ang bola. Tinignan ko muna si aris at nakita kong isang bola palang na shoot niya na. Kinuha ko ang isang bola at shinoot ko pero hindi ito pumasok kaya tinawanan ako ng kasama ko.

Natapos ang laro, sempre sino bang mananalo matic na siya na ang nanalo. Nakasimangot tuloy ako ngayon habang naglalakad kami.

"Hey.. okay lang 'yan." Natatawang sambit niya kaya agad ko siyang inirapan.

"Hmp!" Pagtataray ko sakanya. Tumawa naman siya ng mahina kaya lalo ko siyang inirapan.

"Saan tayo next?" Tanong niya, habang nakatingin sakin. Inikot ko ang paningin ko.

"Kain na tayo?" Tanong ko sakanya. "Gutom ka na ba?" Mabilis akong tumango sakanya. "Alright." Aniya at hinila niya sa isang resto dito.

Tahimik kaming kumakain, sobrang nagutom ako kaya hindi ko alam kung nakailan akong subo.

"Gutom na gutom." Ani aris at natawa. Sinamaan ko agad siya ng tingin at tumawa lang siya.

Pinagtitinginan tuloy kami dito, 'yung iba nagbubulungan pero 'yung iba naririnig na namin mga pinag uusapan nila. Tumingin ako kay aris na tapos na sa pagkain.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon