Chapter 29

47 2 0
                                    

Bigla akong napabangon sa kama dahil next week na birthday ni clarence kasabay ng championship, mauuna ang birthday niya kesa sa championship, ano kayang magandang iregalo?

Tumingin ako sa orasan na nasa wall, alas onse na pala ng gabi malapit ng mag alas dose, bigla akong nakaramdam ng gutom. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may text si clarence sakin. Paktay, Nakalimutan ko siyang replyan.

Hubby:

Susunduin kita bukas.

Hey.

Wifey? Tulog kana?

Okay, I love you wifey, dream of me.

Nakita ko 'yung last message niya na 10:56 niya sinend ibig sabihin gising pa siya? Bakit pa siya gising baka wala siyang lakas bukas pag nagpractice sila.

Me:

Hubby, Im sorry, nakatulog ako. Ye, I love you too, bat gising kapa? Baka hindi ka makapagpractice dahil puyat ka.

SENT.

Ka'send ng text ko ay kinuha ko ang bottle water sa may harap ng mirror ng cabinet ko at uminom, gusto ko mang bumaba kaso medyo gabi na kaya natatakot ako, madilim pa naman sa baba.

Wala pang ilan minuto nag vibrate agad ang cellphone ko, mabilis kong binuksan 'yon.

Hubby:

Hinihintay ko ang reply mo, matutulog na sana ako pero nagtext ka kaya nagreply ako, Don't worry wifey, kaya ko naman basta nandyan ka lang sa tabi ko. Goodnight, sleepwell, I love you♡

Ang haba ng text niya ah, masyado na niyang pinamumula ang mga pisngi ko. May emoticon pa, clarence talaga.

Me:

Yes hubby, hindi ako mawawala sa tabi mo. I love you too. Goodnight :)

Katapos kong i'send ay natulog nako hindi ko na hinintay ang reply niya dahil inaantok na talaga ako. Nanghihina na ang mga mata ko.

Habang nakikinig ako sa prof. iniisip ko rin ang ireregalo ko kay clarence, gusto ko 'yung effort talaga, 'yung matutuwa siya. 'Yung memorable dahil first time kong mag celebrate ng birthday niya, gusto ko bonggang bongga.

"And we need to divided this into two. Bring down the zero and multiply it by itself." Natapos ang klase namin na puro lesson at discussion lang ang ginawa namin, medyo dinudugo na rin ang ulo ko sa math.

May naisip na ako na plano ko sa birthday ni clarence, sana magustuhan niya. Sobrang saya ko ng magkaroon ako ng idea sa gagawin ko sa birthday niya, kahit hindi niya pa debut gusto ko lang talagang maging memorable sakanya ang birthday niya.

Pumasok ako ng gym akala ko nagpra'practice sila pero nakaupo muna sila siguro ay para magpahinga, nakita ko din na down na down si clarence, Oo nga pala puyat siya.

"Clarence, girlfriend mo." Saad sakanya ng kumakain na chips na si cedrick, napatong kasi ang mukha ni clarence sa mesa.

Napaangat ang tingin ni clarence at tinignan ako, kita ko ang mga mata niya na nanliliit, sabi ko naman sakanya na wag siyang nagpupuyat, lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Hubby, down na down ka oh. Matulog ka muna kaya? Alam kong napuyat ka kagabi." Sambit ko sakanya habang pinunasan ang natitirang pawis sa noo niya gamit ang mga daliri ko.

"No wifey, Im okay. Nandito kana kaya may lakas na ulit ako." Parang biglang umakyat na naman ang dugo ko mukha dahil sa sinabi niya, kahit kailan talaga ang galing niyang magpakilig.

"Sigurado ka ba?" Paninigurado ko, baka mamaya matumba pa siya dahil hindi naman niya kaya ang puyat kapag walang alak.

"Yes wifey, don't mind me. I love you." Aniya at hinalikan ako sa noo, sa tip ng ilong ko at sa labi. Damn, he's really sweet.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon