Pababa ako ng hagdan sa bahay namin at nakita ko si clarence may kausap sa baba kaya kumunot ang noo ko.
"Gago! Sige, Bilisan nyo!" At binaba nya na ang tawag, napatingin sya sa gawi ko kaya napangiti sya at lumapit agad sakin.
"Goodmorning wifey.." Sabi nya at hinalikan ako sa lips. "Good morning din hubby.."
"Sinong kausap mo?" Tanong ko, huminga sya ng malalim.
"Si Carlo, pupunta daw sila dito, titignan nya daw asawa ko, gago 'yon!" Napailing na lang ako sa sinabi nya.
"Sige hubby, hintayin na lang natin sila..." Tumango lang sya at inupo ako sa sala.
Inikot ko ang paningin ko sa loob mg bahay, sa sofa ay makikita mo sa may bandang gilid sa right side ang lahat ng achievements ko at mga picture, sa left side naman ay ang mga achievements ni clarence, nakakaproud dahil tig isang cabinet ang mga achievements namin, Sa may bandang gilid ay nakita ko ang picture namin na nakadikit sa wall nung kinasal kami, masaya ako na siya ang naging asawa ko at wala akong pinagsisisihan don.
"Wifey, Why are you smiling?" Napatingin ako kay clarence, Tumayo ako at niyakap sya agad.
"Tinitignan ko lang achievements at ang picture natin nung kasal, hubby..." Bulong ko habang nakatingin ako doon.
"I love you wifey, I really do, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sakin... You're my everything..." Nakatingin sya sakin at hinalikan agad ako kaya gumanti ako.
"PUTANGINA SPG TARA LABAS ULIT!" Napahiwalay ako sa sumigaw at nakita namin ang mga tropa nya na nakangiti 'yung iba ay tumatawa pa.
"VELASCO PUTANGINA MO HANGGANG NGAYON BAOG KA PA RIN!" Sigaw ni clarence. Tumawa naman ako at mga kaibigan nya.
"Ako baog? Di lang ako nag aasawa pero ikaw tatlong taon na kayong mag asawa, wala pa kayong anak. Psh." Natatawa nyang sabi. Umirap na lang si clarence sakanila.
"Upo kayo.." Sabi ko sa kanila, inupo ko sila sa sofa at sinabi ko kay manang na ipagdala sila dito ng makakain.
"Coleen, nakita na naman kita. Im--"
"Dead." Sagot agad ni clarence. Mabilis nya akong hinawakan at inupo.
"Kamusta ang pamangkin ko Jiro?" Tanong ko sakanya, ngumiti lang sya.
"Ok lang, madaldal sya parang nanay nya.." Natatawang saad nya kaya napatawa din ako.
"Ikaw tristan, kamusta na asawa mo?" Tanong ko, at gaya kay jiro ngumiti din sya sakin.
"Maganda pa rin at mahal ko pa rin." Natawa naman ako sa sagot nya.
"Cedrick? Si Hillary at anak nyo? Nabalitaan ko ang daming nangyari sainyong masasakit?" Tumango sya sakin, 'di sya ngumiti.
"Okay lang kami ni Hillary at anak namin pero oo, halos mabaliw nga ako nung iniwan nya ako." Umiiling na saad nya.
Tumango na lang ako at tumingin kay michael, na ngayon ay nagcecellphone, siguro girlfriend.
"Kamusta kayo ng girlfriend mo michael?" Napatingin sya sakin at kumunot ang noo.
"Girlfriend?" Nagtatakang tanong nya, "Yes, don't tell me kamukha ka nitong si carlo na wala pa ring girlfriend hanggang ngayon?" Tumawa silang lahat at napailing.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romantizm#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]