Truth
--Ilan buwan na nga ba ang nakakalipas? Ilan buwan na nga bang wala siya sa tabi ko. Ilan buwan na akong nagtitiis dahil miss na miss ko na siya.
Her laugh, her smile, pagnagblu' blush siya, at pag kinikilig sakin.. I miss you wifey.. Sana lang natupad ko 'yong wish ko, at ang pinangako ko sayo na walang bibitaw, na matibay tayo.. walang makakapaghiwalay satin.
Ilan buwan na kitang gustong balikan, yakapin, halikan at maging akin ulit kaya lang ay hindi na pwede. Hindi na pwede dahil masaya kana sa iba, mahal mo pa ako alam ko 'yon.
Ako kasi 'yung humalik sayo sa bar. Ako 'yung naghatid sayo sa kwarto mo, ako 'yung nagbuhat sayo.
Ako pa rin 'yung nagmamahal sayo ng sobra sobra, gusto kitang maging masaya coleen. Patawarin moko dahil tinago ko sayo 'to. Gusto kong lumaban pero hindi ko kaya.. mahina ako.. naging mahina ako, akala ko kaya kitang ipaglaban pero hindi dahil magulang ko ang kalaban ko dito.
Alam ko minsan ka na rin nasaktan dahil sa mga magulang niya, ako 'yung sumaklolo sayo, 'yung nagpabangon ulit sayo, at nagbukas ulit ng puso mo at nangakong hinding hindi kita bibitawan, pero ang tanga ko.. umulit lang pala sa dati ang naranasan mo kay clark.
Wifey, Ilan buwan na kitang gustong makasama ulit.. Ilan buwan na rin akong umaasang mapatawad moko sa nagawa ko sayo. Ako na ang gumagawa ng moves para mapansin moko, para makausap kita kahit sungitan mo pa ako, kahit isang segundo lang, isang salita lang.. Kahit minsan lang makasama ulit kita.. kuntento nako don.
Wala nakong ibang hinihiling kundi ang maging masaya ka at mapatawad moko, dahil hindi kaya nang konsensya ko na araw araw kang pinapatay sa sakit. 'Yung araw araw na nakikita mo kong kasama niya, nakikita ko ang mga sakit sa mata mo.. nakikita kong sobra sobra kang nasasaktan.
Sa loob ng ilang buwan naging mahina ako, ngayon malakas ulit ako ay hindi ko na alam kung paano pa ako babalik sayo at paano ka mababalik sakin.
Miss na miss ko na ang pagtawag mo sakin ng hubby, wifey.. miss na miss na kita. Sana lang lumaban ako, sana.
Pinunasan ko ang mga luha ko na dumadaloy sa dalawang mata ko nagmistulang gripo ang mga mata ko dahil sa mga luhang walang tigil sa pagtulo.
Sinimulan kong ini'strum ang gitara ko at tumingin ako sa langit at nakita kong maggagabi na. Naalala ko nung gabi na pumunta akong tarlac at nakatanggap ako ng text galing kay coleen, oo ako 'yung unknown number na nagtetext sakanya, ako rin ang nagligtas sakanya nung gabing hinoldap siya.
Pinatakbo ko na siya dahil ayokong makita niyang ako 'yon, iniba ko ang boses ko kahit nagboses kung ano nako dun para makalusot lang sakanya, galit na galit ako sa lalaking nagholdap sakanya halos mawalan na siya ng mukha dahil sa pagkakasuntok ko sakanya.
Tanginang lalaki na 'yon, uunahan pa niya akong maka score sa future wife ko.
Natapos ang pagstrum ko sa gitara at nagpasya nakong tumayo at umalis na ng school, wala na rin gaanong tao dito kaya dapat na kong umalis. Siguro kung kasama ko dito si coleen paniguradong takot na takot 'yon.
Umuwi ako ng bahay at nakita agad si jenica na nakaupo sa sala agad siyang tumingin sakin at tumayo, kinuha niya ang gitara sa likod ko at nilagay sa music room ko.
"Musta?" Tanong niya sakin, umupo ako at bumaling ng tingin sa tv.
"Ikaw dapat tinatanong ko niyan. Kamusta kana? Kamusta pakiramdam mo ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Okay nako." Sambit niya tumango ako sakanya at nananatiling nasa tv ang focus ko.
Si jenica ang nandyan sakin nung time na lagi akong naglalasing, ang nagpalakas ng loob ko, isang araw nga naisipan ko ng mag suicide dahil sa sobrang sakit pero pinigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]