Chapter 40

58 2 0
                                    

Sinabi ko kay coleen na pupunta akong cr pero mabilis akong pumunta sa may parking lot, lumingon lingon pa ako.

Alam ko na kanina may sumusunod samin, alam ko na simula pa lang sa school nakakaramdam na ako, sumandal ako sa may kotse ko.

"Lumabas na kayo, wag na kayong magtago.." Narinig ko ang kaluskos ng mga dahon at nakita kong lumabas ang tatlong tao doon, huminga ako ng malalim.

"Sumama ka na samin, master. Pinag uutos po ng reyna." Napataas agad ang kilay ko.

"Sasama ako basta ipangako nyo sakin na wala kayong gagawin kay coleen kundi makakatikim kayo sakin..." Nakita ko ang paglunok ng mga lalaki. Tumingin ako isang medyo malaki ang katawan.

"Ikaw, balikan mo ang girlfriend ko dun at iuwi mo, wag na wag mong hahawakan kahit anong parte ng katawan nya, binabalaan kita.." Nakita ko ang pagtango nya at mabilis na tumakbo papunta doon.

"Tara na." Sumakay ako sa kotse nya at sinabi ko na iuwi ng isa sakanila ang kotse ko, habang nasa kotse ay hindi ko na maiwasan ang mapaluha, nakita ko ang mga mata nya kanina na maaamo, alam kong masasaktan kita ngayon wifey.. Patawarin moko.

Huminto na ang kotse sa tapat ng bahay namin, hinawakan agad ako ng lalaking sumusunod pa kanina samin.

 

"Don't touch me. Im warning you." Agad nyang inalis ang pagkakahawak sakin.

 

Nagtuloy tuloy ako sa pagpasok at sinalubong ako ni manang na naluluha na kaya agad ko syang niyakap at pinatahan.

"Don't worry manang, akong bahala." Nilagpasan ko na si manang, pumunta akong sala at nakita ko dun si mama na may galit sa mga mata at nakita ko ang mga mata niyang nanlilisik pero wala akong pake.

"Hindi kana talaga nadala!" Agad nyang bungad, kita ko ang matatalim nyang tingin.

"Sinagad mo ang pasensya ko!" Sigaw nya at lumapit sakin. "Mula ngayon ayusin mo ang gamit mo at sumama ka sakin sa states!" Nagulat ako sa sinabi nya at kinalma ko ang sarili ko.

"Hindi ako sasama sainyo!" Mariin kong sabi, nakita ko ang pagtaas ng kilay nya.

"Mas pipiliin mo ang babaeng 'yon kesa sa sarili mong mga magulang!"

"Hindi lang sya basta babae! Girlfriend ko sya!" Sigaw ko, huminga ako ng malalim.

"Ikaw ang mamamahala ng kumpanya natin, hindi ako papayag na ganong klaseng babae lang ang makakatuluyan mo!"

"Alam kong hindi tungkol sa kumpanya kung bakit ka nagkakaganyan!" Hindi ko na maiwasan ang mapataas ng boses ko. Nanginginig nako dahil sa galit.

"Alam ko na ang lahat ma, alam ko na nagkagusto ka sa papa ni coleen pero alam mong may gusto ang papa nya kay tita kaya ka nagkakaganyan ngayon dahil hindi nyo matanggap na hindi kayo ang pinili ng papa nya!" Mabilis ang pangyayari at di ko namamalayan na nasampal na nya ako.

"Wala kang karapatan diktahan ako ng ganyan! Mama mo ko kaya ako ang nakakaalam kung sino at ano ang babagay sayo."

"Wala akong pakealam, mahal ko si coleen, mahal ko ang babaeng minamaliit nyo, siya ang buhay ko! Oo, mama nga kita pero bakit diko maramdaman!? Bakit pati buhay pag ibig ko pinakekealaman nyo!" Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko.

"Wala na kayong ibang inisip kundi ang sarili nyo at mga kumpanya! Minsan ba naisip nyo na hinahangad ko din ang alaga ng isang ina? Minsan ba naisip nyo na kung ok lang ba ako dito? Hindi diba dahil busy ka sa ibang bansa,busy ka sa pagpapalago ng kumpanya di bale ng maiwan mo ang sarili mong anak dito. Ganon ba 'yun ma?"

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon