Nagaayos ako ng buhok ko, nagponytail ako dahil baka magulo lang kapag nakalugay dahil ngayon na ang championship, kinakabahan ako para sa st. gerald, hindi ko alam kung bakit pero alam kong kaya nila ang st. ywerler.
Katapos kong ayusin buhok ko tinignan ko ang itsura ko sa salamin, okay na siguro 'to, kinuha ko ang banner at mga pompoms na ginawa at pinagpuyatan ko kagabi, mabilis akong bumaba at nakita kong nakabihis na ang mga pinsan ko.
"Let's go sa st. ywerler! Nandun na daw sila." Ani hannah sakin habang nakaponytail din siya katulad ko. Tumango ako at mabilis na naglakad papuntang labas at sumakay ng kotse.
Medyo malayo ang st. ywerler sa st. gerald, kaya habang nasa kotse ako ay iniisip ko na ang mangyayari. Ito na ang araw na pinakatatakutan ko, umiling na lang ako at nagfocus ng tingin sa daan, natapos ang biyahe ng mahigit fifteen minutes ay nakarating na kami. Napanganga ako sa sobrang laki ng st. ywerler, ang lawak, labas palang 'to. Paano kaya pag loob na?
"Ang laki grabe!" Ani hillary at inikot ang paningin, naglakad kami papunta loob, wow lang, nakatiles ang gym sa may gilid, ang yaman ng may ari nito.
"Ang gandang school na 'to!" Agad na bungad ni hannah at kinuha ang camera niya at nagpicture.
*The will start in five minutes, be ready.*
Announce ng may hawak ng mic, pwumesto kaming magpipinsan sa may taas, gaya dati para makita ka, ang daming tao, hindi na man ako nahihiya dati pero bakit ngayon! Hays.
"Okay, from st. gerald first batch we have, Tristan, Clark, Terrence, Gab, and Clarence!" Naghiyawan kami ng lumabas sila isa isa, pwumesto sa may jumpball ang boyfriend ko, at sinunod na tinawag ang st. ywerler.
"First batch of st. ywerler we have, Gio, Hendry, Luis, Errol and Kylil!" Naghiyawan din ang mga kabilang grupo. Pumunta sa gitna sa may jumpball si kylil, nakita ko na naman ang itsura niya, parang bumalik ang dati, 'yung takot na naramdaman namin.
Tinignan ko si ryla, hinila ko siya malapit sakin, "Don't worry, just trust your partner." Bulong ko sakanya, tumango naman siya. Nakita ko ang mga talim na tingin ng st. ywerler sa mga st. gerald, Binuksan ko ang banner na nakalagay na, "Go my handsome hubby!" Tapos may nakalagay na mukha niya.
Nakita kong pumito na ang referee kaya hinagis na niya ang bola, agad nakuha ng st. gerald 'yon at natakbo ng boyfriend ko, medyo nahirapan siyang pumasok kaya pinasa niya kay clark at na shoot niya dahil walang bantay sakanya, okay two points st. gerald.
Nagdrible ng bola ang st. ywerler, nakita kong ngumisi si kylil kay terrence kaya naramdaman ko ang hawak sa'akin ni ryla, binalewala 'yon ni terrence at siya ngayon ang nag aagaw ng bola kay kylil. Nakakatense 'to!
Tumakbo si kylil papuntang ring pero nakuha ni terrence ang bola at pinasa kay clarence at na shoot niya naman, good job! Lumipas ang ilan minuto ng laro ay lamang kami sempre, pero hindi yata tanggap ng mga st. ywerler kaya naniniko na sila pero hindi man lang sila pinipito ng referee, bwisit.
Nagpito ang referee at pinagrest muna ang mga naglalaro, nandito lang naman kami sa bench nila pero sa taas, hindi nako bumaba dahil third quarter at fourth quarter na niyan at rest lang naman kaya seconds lang ang pahinga nila.
Bumalik sila sa court at nagsimula ulit ang game, nakita kong nakipagsab si gab kay michael, at pumasok naman siya, kanina pa sila nagsasab kaya halos lahat ay nakalaro, forth quarter na at ang score ay STY-67 / STG-65 nakakabwisit, lamang sila dahil sa pandaraya nila, nagseryoso na ang mga st. gerald at kita ko ang pag ngisi ng mga st. ywerler, mga madadaya!
Mabilis na inagaw ni clarence ang bola doon sa lalaking may hawak ng bola at tinakbo ng mabilis ni clarence at pwumesto siya sa three points at mabilis na shinoot, pasok! Nag tie ang game, tumingin ako sa oras at nakita kong segundo nalang ang oras. Kailangan na nito ng cheer.
"Guys cheer na tayo? Segundo nalang oh. Tsaka mukhang pagod na sila, hindi naman kasi siya umalis sa game." Sabi ko sakanila, tumango naman sila. Habang nag aagawan ang captain vs captain ay sampung segundo nalang.
Tinaas ko ang banner at sumigaw na ng sobrang lakas, para din sainyo 'to!
"GO HUBBY! GO HUBBY! I LOVE YOU! GO ST. GERALD!" Katapos kong sumigaw ay naagaw ni clarence ang bola at dineretso pero nahaharangan siya.
5
Jusko kayo na pong bahala.
4
Manalig lang tayo, nakita kong nahihirapan rin siyang pumasok.
3
Pinikit ko na ang mga ko dahil ayokong makita ang mangyayari.
2
Nakalusot si clarence, at mabilis na nag slam dunk.
1
Nag ingay kami dahil kami ang nanalo, mabilis akong bumaba at pumunta sakanya, at niyakap siya ng sobrang higpit, wala na kong pake kung pawis siya basta proud na proud ako sakanya.
"Congrats, hubby! I love you." Ani ko sakanya, ngumiti siya sakin. Sasagot pa sana siya pero tinawag siya, siya pala ang MVP, at sinabit sakanya ang medal.
Lumapit siya sakin at inalis niya ang medal na nakalagay sa leeg niya at sinuot sakin.
"Hindi ko makukuha 'yan, kung wala ka. Kaya ikaw ang MVP ko." Aniya at hinalikan ako sa noo.
"Im so proud of you, hubby!" Saad ko sakanya. Nagpaalam muna ako kay clarence ang sabi ko ay mag ccr muna ako, hindi nako nagpasama dahil malapit lang naman, pumasok ako sa cr at nakita kong glass ang pinto at nakatiles lahat pati dingding, tapos kulay blue ang nasa taas ng kisame.
Inayos ko ang sarili ko dahil pawis na pawis ako, pinunasan ko 'yon gamit ang tissue sa bag ko at inayos ang light na make up sa mukha ko, buti nalang at water proof ang eyeliner at mascarra ko kaya hindi masyadong kumalat. Katapos kong mag ayos ay lumabas nako, tumingin pa ako sa paligid.
Dahil sa sobrang laki siguro ng gym, hindi ko alam kung saan ang labasan, tumingin pa ako sa paligid at nagsimulang maglakad, pero nakita ko 'yon isang members ng st. ywerler na nakatingin ng matalim sakin. Hindi ko pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala akong nakita.
Lumipas ang ilan segundo ay may humawak ng braso ko at hinarap ako sakanya.
"Hi, miss. Luis Delos Reyes." Pagpapakilala niya. Ngumiti lang ako at tatalikod na sana pero hinawakan nya braso ko.
"Ang arte mo pa miss, alam mo bang maling daan ang tinatahak mo?" Nakangisi niyang sabi, biglang nanlaki ang mata ko.
"I know gusto mo 'to." Aniya at bigla akong hinalikan sa leeg, nagpupumiglas ako pero malakas siya kaya wala akong magawa at umiyak na lang.
Tumataas ang halik niya papuntang labi ko nang bigla siyang napahiga sa sahig. Nakita ko si clarence na nanlilisik ang mga mata niya, mabilis akong lumapit sakanya.
"Tangina mo! Gago ka, papatayin kita!" Galit na sigaw ni clarence, lumapit siya kay luis at sinuntok na naman ng paulit ulit, buti na lang at dumating ang mga kaibigan ni clarence at inawat.
Hinawakan ni clarence ang kamay ko at hinila papuntang labas, hinila niya ako papuntang mga braso niya at hinaplos ang buhok ko.
"Shhh..I'm sorry." Aniya at hinalikan ako sa labi. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.
Hindi pa rin ako nagsasalita, tinignan ko lang siya at ngumiti ako sakanya.
"I love you.." Banggit ko, at niyakap siya ng sobrang higpit.
Feeling ko, safe ako kapag kasama ko siya, 'yung walang makakalapit sakin, 'yung may pro'protekta sa'yo. Ngayon ko masasabi na hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, masayang masaya ako na kasama ko siya ulit at buo na ulit ang durog kong puso.
Mahal na mahal ko na siya, parang hindi kompleto ang buhay ko kapag wala siya.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]