Chapter 13

54 2 0
                                    

Deep secret


--

Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko 'yung status ni clarence. Walang nagbago, anong wala? Baka naman kay jenica hindi nagbago pagmamahal niya sakanya. Niloko nga lang ako diba? Kaya siguro ganon ang post niya dahil mahal niya pa si jenica.

Huminga ako ng malalim at may kinuha sa cabinet ko, nakita kong isang lumang photo album. Kinuha ko 'yon at binuksan ng dahan dahan dahil luma na siguro ay medyo mahirap na siyang buksan.

Kabukas ko ay nakita ko ang mga picture ko nung bata ako, simula kapapanganak ko hanggang sa grumaduate ako ng grade six. Kabukas ko ng next page may nakita akong isang pamilyar na picture.

Si clarence 'yung lalaki at 'yung babae ay ako. Unti unting nagflashback lahat sakin, mula nung pumunta ako sa bahay nila clarence at nakita ko na itong picture na 'yon.

Bakit may picture kaming dalawa ni clarence nung bata pa kami? Anong connection ko sakanya? Bakit ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to? Bakit itong picture sa'akin hindi blurd ang mukha ko?

Kinuha ko ang picture na 'yon at nilagay sa bag ko, itatanong ko nalang ito kay mama bukas dahil uuwi daw si mama may kukunin lang pero next week pa sila uuwi.

Anong kayang ibig sabihin ng picture na 'yon?

--

Pumasok ako sa room namin, hindi ko kasabay ngayon si aris nagkaroon daw siya ng problema doon sa taong kaibigan niya.

Umupo agad ako sa may upuan ko at kinuha ang picture na nilagay ko sa bag ko kagabi. Pinakatutukan ko 'to, hindi ako pwedeng magkamali si clarence 'tong lalaki na 'to.

Nagtataka ako bakit meron akong picture niya, i mean-- kaming dalawa bakit magkasama sa isang picture? Bata pa kami dito kaya hindi ko na matandaan marami na rin kasi akong napagdaanan at hindi ko na alam ang mga nakaraan ko.

May gumalaw sa tabi ko at napalingon ako ng dahan dahan don, nakita ko si clarence na nakapikit at naka earphones as usual naka max volume ang phone niya kasi rinig na rinig ko.

Inalis ko ang tingin ko sakanya at binaling ulit sa picture, napailing nalang ako nilagay sa bag ko ang picture, kinuha ko ang cellphone ko dahil wala pa naman ang prof. namin susulitin ko na muna.

Kabukas ko ng cellphone ko ay nakalimutan kong wallpaper ko pala 'yung kaming dalawa ni clarence agad akong napalingon sakanya at nakita kong hindi naman siya nakatingin kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya at mabilis na binuksan messages.

Aris: Yeah, baka bukas nako makakapasok.

Unknown: I love you..

Nanliit ang mata ko sa nagtext na 'i love you'yung number doon sa number na nagtext non sakin sa tarlac ay parehong pareho, sino kaya 'to? Agad akong nagreply sakanya.

Me: Stop texting me, hindi kita kilala.

Saktong ka send ko ay nakita kong umilaw ang cellphone ni clarence, nanlaki agad ang mga mata ko hindi ko gusto ang naiisip ko, hindi talaga dahil malabo.

Tinignan nya lang 'yon at agad niyang binaba at umalis sa tabi ko umalis muna siya at lumabas.

Napahawak ako sa dibdib ko na nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa nakita ko, malay ba natin kung napindot niya lang diba? Hindi dapat ako nag iisip ng ganito dahil malabo.

Natapos ang second day ng class namin na wala akong nakita maski isa sa mga kaibigan ni clarence at clark pero si tristan ay nakita ko kanina sa hallway may kausap sa cellphone.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin, at binuksan din ang ilaw dahil hindi pa ito nakasindi, nandito na kaya si mama?

"Anak." Nakita ko si mama na pababa ng hagdan nakabihis pa si mama siguro ay kararating lang niya.

"Ma." Banggit ko ng pangalan niya at niyakap siya. Kumalas ako ng yakap at tinignan siya.

"Teka lang, magbibihis lang ako. Nagluto na rin ako kung sakaling gutumin ka sabihin mo lang sakin." Sabi ni mama, tumango lang ako sakanya at umakyat na siya sa taas.

Bigla akong may naalala kinuha kong mabilis ang bag ko at kinalkal ang picture kanina. Nakita ko si mama na pababa ng hagdan at pumunta sa harap ko.

"Ma.." tumingin siya sakin at umupo sa sala kaya umupo din ako. "Ano 'yon anak?" Tanong ni mama na nakatingin lang sakin.

"Ma, itatanong ko lang bakit may picture kami ni clarence nung bata kami?" Katapos kong sabihin 'yan ay pinakita ko ang picture sakanya, agad niyang kinuha 'yon at tinignan.

"Si clarence itong bata anak, magkababata kayo." Nagulat ako sa sinabi ni mama, hindi ko alam kung paano niya nalaman.

"Ano? Bakit hindi ko alam?" Naguguluhang tanong ko kay mama, huminga siya ng malalim at nilapag ang picture namin ni clarence sa mesa at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Magkaibigan kami ng mama niya, naging magkaibigan kami ng mama niya nung college kami. Mabait si lucy kaya kinaibigan ko siya, nung mga panahon na wala akong mahingan ng tulong ay siya ang unaalay sakin, siya ang nandyan lagi para sakin, kahit nung sinaktan ako ng papa nung teenager pa kami ay siya ang nasa tabi ko para icomport ako, hindi siya umalis sa tabi ko." Nanggigilid ang luha ni mama habang nagkwe'kwento.

"Hanggang isang araw non ay nalaman kong may gusto siya sa papa mo, hindi ko alam kung paano nangyari 'yon dahil nung high school palang ay kami na ng papa mo at hindi ko pa nun kilala ang tita lucy mo pero akala ko nung una ay tinutulungan niya ako sa papa mo pero habang tumatagal ay nalaman ko na may gusto pala ang tita lucy mo sa papa mo." Nagulat ako sa sinabi ni mama, ilan taon ding tinago sakin hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon.

Magkaibigan sila mama at tita lucy dati pero 'yung pagkakaibigan na 'yon ay para pala sa papa ko, tumulo ang mga luha ni mama ko.

"Pero nagawa ko siyang patawarin, hindi ko siya masisisi kung bakit niya minahal ang papa mo at doon nagtapos ang pagkakaibigan namin, umalis nun siya ng bansa hindi na siya nag abalang magpaalam sakin at hanggang ngayon ay wala nakong balita sakanya."

Ito na ang matagal sinekreto sakin, napatingin ako kay mama at tumulo na ang mga luha ko.

"Ibig sabihin, kilala nyo po si clarence?" Tanong ko kay mama. Tumango lang siya sakin. "Alam nyo ma na ayaw ako ni tita." Malungkot kong sabi kay mama, nagulat si mama sa sinabi ko pero mas nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Im sorry anak, hindi ko alam na mangyayari 'to sainyo ni clarence. Kundi dahil sakin sana magugustuhan ka ni lucy." Niyakap ko pabalik si mama.

"Hindi nyo po kasalanan ma, wala po kayong kasalanan."

Ngayon alam ko na kababata ko si clarence magkaibigan before ang parents namin kaya pala ayaw ako ng mama niya, ngayon naiintindihan ko na lahat.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon