Chapter 33

44 3 0
                                    

ARISTOTLE.

Napahawak ako sa may ulo ko at sumandal sa may upuan ko, masakit na talaga ang ulo ko sa mga problema sa company, nakapagstop ako ng college ko pero ang sabi ko babalik din ako kapag naayos na, mahirap pero kailangan ko munang huminto dahil kailangan ako sa company, si dad kasi medyo may sakit na sa puso at lagi ng pagod kaya hindi na niya kaya.

Ilan araw na rin nung nalaman ko na sila na ulit ni clarence, masaya ako para sakanila, masaya ako basta masaya si coleen, kahit masakit.. kailangan ko din munang umiwas dahil bawat kasama ko siya ay hindi ako makapag move on ng maayos at hindi mawala ang pagmamahal ko sakanya.

May kumatok sa pintuan ng office ko at napatingin ako nang makita kong si venice 'yon, laking pasasalamat ko din kay venice siya ang nandyan sakin, tinupad niya ang sinabi niya na hindi niya ako iiwan, akalain nyo 'yon nag stop din siya para daw magkasabay kami at ganon daw talaga kapag kaibigan, nagdadamayan.

"Aris, nagdala akong pagkain." She said, umupo siya sa may harap ko at binuksan ang pagkain. Ngumiti ako sakanya at umalis sa pagkakasandal ko sa upuan at tumango ako sakanya.

"Okay." I said, tinulungan ko siyang mag ayos ng kakainin namin, nang matapos ay kumain na kami hanggang sa matapos.

Habang nililigpit niya ang pinagkainan namin ay nakatingin lang ako sakanya, parang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya, parang nakakalimutan ko si coleen kapag siya ang kasama ko, at parang pinapagaan niya ang loob ko.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya, agad akong umiling at ngumiti sakanya.

"May muta ka." Biro ko sakanya, dahil ang totoo wala naman, agad niyang hinawakan ang mga gilid ng mata niya at tumawa lang ako kasi ang epic ng mukha niya.

"Wala naman e." Aniya, tumawa lang ako ng tumawa. Agad niya naman akong hinampas.

Simula ng mangyari ang pagcomfort niya sakin siya nalang ngayon ang nakakapag pangiti sakin. Siguro oras na para magmahal ako ulit sa tamang tao nga lang.

--

COLEEN.

Ilan days na ang nakakalipas mula nung nangyari sa st. ywerler, may trauma pa rin ako sa nangyari pero buti na lang dumating si clarence non kundi baka wala na ang pinakaiingatan kong 18 years.

Dumaan ako sa may hallway papuntang gym pansin ko din lagi naman kami dito parang nanibago agad ako kasi bagong pintura ang dingding ng gym at inayos ang mga gamit sa loob pati ang arrangement ng mga upuan.

Tumigil muna ako dahil nahuhulog ang shoulder bag ko kaya inayos ko muna, nadadaanan na ko ng mga ilan estudyante dito kaya binilisan ko ang pag aayos.

"Ate coleen?" Napatingin ako tumawag sakin ng 'ate' ang sarap pala sa feeling, parang may gumagalang sakin.

"Hmm..." tanong ko habang iniikot paningin ko.

"Nakita nyo po ba si kuya carlo?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya, bata siyang babae mga nasa 16 years old siya, maliit sakin hanggang shoulder ko yata siya.

"Hm.. Carlo Velasco?" Tanong ko agad at tumango lang siya.

"Hindi ko alam e, pero alam ko nasan tambayan yata nila." Sabi ko, tumango siya at mabilis na umalis sa harap ko.

Wow thankyou!!

Magsisimula sana akong maglakad ulit pero may lumapit na naman sakin, ngayon naman lalaki, medyo matanda sakin 19 years old?

"Did you see adriano?" Napangiwi ako sa pag eenglish niya, nasan ba kami? Nasa states?

"Yes..." Sabi ko. "There!" Tinuro ko 'yung lalagyan ng mga bola dahil nandun siya kasama si michael mukhang kukuha ng bola.

"Salamat." At umalis na siya.

Marunong naman palang magtagalog! Hmp, pero teka? Tanungan ba ako ng nawawala?

Dumiretso na ko sa tambayan nila at nakita kong medyo may mga kulang, wala sila aris, terrence, gab at ryla.

"Wifey...." parang may kumuryente sa likod ko, napaharap ako at nakita kong pawis na pawis siya.

"Wet look? Anong ginawa mo?"

"Hmm.." Kumunot ang noo sa sinasabi niya, buti na lang medyo 'di siya naririnig ng mga kasama namin kundi lagot baka ano pang isipin.

"Hubby?" Doon niya ako tinignan sa mukha at nilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Hmm.." Pagpapatuloy niya. Kinikilabutan na talaga ako. Darn!

"HUBBY!!!" Pero parang wala lang sakanya ang sigaw ko, napatingin na nga sila samin.

"Ang bango mo wifey." Sabi niya, bigla akong kinilabutan sa sinabi nya kaya hinampas ko agad sya kasi feeling ko pulang pula na ang mukha ko.

"Just kidding wifey, let's go." Humalakhak siya at inalalayan nya ako papuntang upuan na nasa baywang ko ang kamay niya. Pero damn it, ninerbyos ako 'don, what if? Ugh!

"Epic wifey!" Sabi niya at humalakhak na naman kaya siniko ko sya.

Nakita namin na padating na sila michael at cedrick habang may hawak na bola, minsan ay dini'drible pa ni cedrick, parang baliw talaga 'to!

"Uy chicks!" Sambit niya ng makadating dito at sabay tingin kay hillary, nakashabu ba tao ngayon? Kahit si clarence parang baliw na amuyin ako?

"Shut up, adriano." Saway ni clarence at kinagat ang labi nya.

"Chill bro, malapit na matapos ulit ang klase..." He said. Tumango kami dahil three months or two months na lang wala na naman pasok, feeling ko na naman ang inip sa bahay buti na lang talaga at nandito lagi si clarence sa tabi ko.

"Okay na pala si jiro at hannah." Sambit ko at ngayon ko lang napansin na wala sila dito, nasan kaya 'yung dalawang 'yun? Pansin ko ang pagiging private nung dalawa.

"Yes nagbalikan sila." Sambit ni hillary habang nakatabi kay cedrick, may chance 'tong dalawa na 'to.

"Baliw kasi si jiro eh, ginawa nya pa 'yun." Sumang ayon ang lahat at biglang tumahimik, nakita kong paparating na sila jiro at hannah, speaking of...

"Hello! Tahimik?" Agad nyang bungad samin, inalalayan siya ni jiro na umupo.

"Nga pala, sabi ni sir, isang representative bawat room ang kakanta, so sa tingin ko sa business manager, ikaw na lang coleen?" Nagulat ako ng ituro ako ni michael.

"Why me? Marami pa naman sigurong mas magaling sakin at isa pa--"

"Join wifey." Bulong sakin ni clarence kaya napatingin ako sakanya. "Ikaw lang naman ang pinakamagaling para sakin." Namula na naman ako sa sinabi niya.

"I'll try." Sagot ko at tumango lang sila. Ngayon hinarap ni michael sila hillary at hannah.

"Sainyo." Sabay na sabi nila carlo at michael.

"Pakshit par, ako na lang!" Ani michael at inirapan si carlo.

"Ako na lang!" Sambit naman ni carlo ngayon ay sya ang umirap kay michael.

"Ako!"

"Me not you."

"Me and me!"

"Stop!" Awat ni cedrick sakanilang dalawa. "Para kayong bata. Ako na lang!" Sambit nya at tumingin kila hillary at hannah.

"Kayo na lang sa fashion designer, isa lang sainyo ang pwede, its either hannah or hillary..." medyo humina ang boses nya nung binanggit na nya ang pangalan ni hillary.

"Pero mas maganda kung si... hillary.." kahit sobrang hina pa nun ay narinig ko. Kaya humagikgik ako dito.

"Okay! Got it. Pasok na tayo?" Sabi ni tristan na kanina pa walang kibo, himala wala si clark? Kasama siguro girlfriend.

Tumayo na sila at umalis na isa isa, naiwan kami dito ni clarence na nakatitig sya sakin.

"Let's go hubby?" Tanong ko sakanya, tumango siya at tumayo aalis na sana ako pero hinila nya kamay ko at mabilis niya akong hinalikan.

"Mine now." Sambit niya, "Nandito sila kanina kaya di kita nahalikan, I know ayaw mo nun." Sambit niya at hinalikan ako ulit sobrang tagal, naghahabol hininga na ko.

"Ooppsss. SPG!"

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon