Simula bata pa lang ako hindi ko na nagagawa ang gusto ko, laging may pumipigil sakin, at bata pa lang ako hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ng isang ina.
"Yvonne! Dali na paalam kana kay mama aalis na sya." Sigaw ni papa.
Mabilis akong lumabas sa kwarto ko habang hawak hawak ang robot kong laruan, nakita ko si mama na may dalang dalawang malaki maleta.
"Papa, san pupunta si mama?" Tanong ko, lumuhod si papa ko para magkapantay kami. Hinawakan nya ang dalawang braso ko.
"Aalis na si mama yvonne, pupunta muna syang states para sa business namin.." Napatitig ako kay papa at mabilis na ngumuso.
Tinignan ko si mama na nakatingin sakin kaya nilapitan ko sya at niyakap ko ang legs nya.
"Aalis nako." Yun lang ang sinabi nya sakin, "Bantayan mo si yvonne." Aniya kay papa tumango lang si papa at umalis na si mama.
Lumipas ang limang taon wala akong balita kay mama, Im now 11 years old, grade five nako, pero ang height ko ay 5'2, minsan napagkakamalyan nila akong high school student.
Umuwi ako ng bahay at hawak hawak ko ang bag ko na nakasabit sa likod ko, pumasok ako ng bahay at nakita kong may maleta sa may sala, nagulat ako kaya binitawan ko ang bag ko dahil nandito na si mama.
"Papa!" Sigaw ko, nakita ko si papa na nakaayos, nagmamadaling suotin ang kanyang gold na relo, mabilis akong lumapit sakanya.
"Yvonne, binilin na kita kay manang, siya na ang bahala sayo dito, kailangan kong sundan ang mama mo sa states, mag iingat ka dito." Sambit nya at hinila ang maleta nya, napaupo ako at doon nag simulang tumulo ng sunod sunod ang luha ko.
"Clarence." Tawag ni manang, tumingin sya sakin na may awa sa mata, nilapitan nya ako at doon nya ako niyakap.
Grade five ako, eleven years old simula ng iwan ako ng magulang ko.
Habang sinusuot ko ang relo ko at inayos ko ang buhok sa may salamin ay tinawag ako ni manang.
"Clarence, kumain ka muna bago ka pumasok ng st. gerald." Sambit nya, tumango lang ako at hindi na sya nagsalita.
Mula nung iwan ako ng mga magulang ko ay hindi na ako marunong magsalita, hindi na ako maingay, hindi na rin ako 'yung batang libro ang tuon. Ako na ngayon 'yung puro babae ang inaatupag kundi babae puro basketball at pag iinom. Tumungtong nako ng third year pero walang umuuwing magulang sakin.
Nagkagirlfriend ako sineryoso ko sya pero iniwan nya din ako, kaya mas dumoble ang pagbabae ko, hindi rin ako masaya na kahit napalago nila ang kumpanya namin na nasa una ang aming kumpanya, limpak limpak na salapi, wala akong pakealam.
"Tara mag chicks tayo?" Tanong ng nagdri'drible ng bola na si carlo.
Tumango lang ako at nagpatuloy kami sa pagbobola, nang matapos ay umupo kami sa tambayan, kung di ako nagsasalita at minsan lang 'yung isa samin ay hindi talaga nagsasalita, ilan words lang binabanggit wala man yata sa lima.
Lumipas ang pagkathird year ko at ngayon ay graduating nako dahil fourth year nako.
Papunta ako ngayon sa mall namin, gusto kong tignan kung ayos pa ba, kilala na rin ako sa buong pilipinas, marami rin ang humahanga sakin pero wala akong pinapansin.
May nakita ako sa national book store na babaeng kanina pa nagtitingin tingin, napangisi ako sa naisip at mabilis na pumunta sakanya, nakita kong kukunin na nya libro kaya sinandya kong mauna doon, nakita ko ang pagkunot ng noo nya.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]