Chapter 3

78 2 0
                                    

Memories

--

Nandito ako sa bahay naiinip ako habang nanonood ng movie, Ilan beses na rin akong nagpalit palit ng CD's minsan tumitingin ako sa disney chanel pero kahit anong gawin ko naiinip pa rin ako, parang kulang ako.

Tumayo ako para patayin ang tv at umakyat ako sa kwarto.

Kapasok ko ay nakita ko ang malaking picture frame na picture namin dalawa ni clarence 'yung sa beach na naka back hug siya sa'akin, kinuha ko ang frame at mabilis na inalis ito sa frame tinago sa mga album ko.

Dumiretso ako ng tingin sa kwarto at nakita ko nung panahon na tulog ako at nagising ako na nakalapit mukha niya sa'akin.

"Kasi ginigising ko ang asawa ko, At kahit bagong gising kapa, ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko."

Napapikit ako pero walang luhang tumulo, napagod na siguro ang mga mata ko sa kakaiyak, halos gabi gabi ay umiiyak ako dahil sa naaalala ko mga memories namin.

At 'yong huling natulog siya dito, dito mismo sa kwarto ko. Ngayon wala na siya masaya na siya sa feeling ng iba.

Inalis ko ang tingin ko sa kama dahil naninikip ang dibdib ko.

Nakita ko 'yong bracelet na binigay niya sa'akin nung graduation namin. Nakalagay ito sa taas ng cabinet ko.

"Wifey may regalo ako sayo."

"Talaga hubby ano 'yon?"

"Sabay tayong magbukas."

"Osge! Isa, dalawa, tatlo!"

"Bracelet..hubby.." ginaya ko 'yung sinabi ko sakanya nung mga panahon na 'yon.

Mabilis akong umiling at nilagay ang bracelet na 'yon sa lalagyan na puso ang shape parang nang aasar pa dahil doon ko 'yon nailagay.

Tumingin ako sa may salamin. Nakita ko 'yung kwintas na binigay niya sa'akin nung debut ko na nakasuot sa'akin buti nalang at hindi niya nakikitang suot ko.

Hinawakan ko 'yon at tinitigan sa may salamin.

"Clarence..." banggit ko nang pangalan niya. Napailing nalang ako, tinignan ko ulit sa salamin 'yong kwintas.

"Wifey wag mong aalisin 'to sa leeg mo ah?"

"Ano? Bakit?"

"Pag inalis mo 'yan ibig sabihin ay inaalis mo na din ang pagmamahl mo sakin."

Napangiti ako ng mapakla at mabilis na inalis 'to sa leeg ko. Nilagay ko 'to sa isang lalagyan kung saan kasama niya do'n 'yong bracelet na binigay niya sa'akin.

Inaalis ko na ang pagmamahal ko sayo, clarence.

--

"Pinsan, hindi ka magpapalit ng course?" Ani hannah ng nasa baba kami para kumain.

Mabilis akong umiling, bakit ko papalitan ang course ko? Dahil nandun siya wala naman sakin 'yun as long as hindi ko siya mapapansin.

"It's up to you kung anong gusto mo, pero awkward 'yun pinsan lalo na ex mo siya nandun din ang girlfriend niya." Mabilis kong binaling ang tingin ko kay hillary.

"Wala akong pake pinsan, nandun ako para mag aral hindi para tinignan ang nasa paligid." Seryoso kong sambit sakanya.

Tumango silang dalawa sunod kong tinignan si aze.

"Hindi ka na yata masyadong namamansin ngayon? Busy kana aze?" Tanong ko at bumaling ako ng tingin sa pagkain.

"Busy 'yan kay claudette." Ani xyrile agad naman siyang nabatukan ng pinsan ko na si aze.

"Gago." Pagmumura niya narinig ko nalang ang halakhak nila.

"Hindi nga, bakit mukhang busy kana ngayon?" Bumaling siya ng tingin sa'akin tumaas ang isang kilay ko sa asal niya.

May tinatago kaya 'to?

"Oo na, may pinopormahan ako." Napa 'woo' kaming magpipinsan nag high five naman sila tyler at xyrile kami naman ay humalakhak.

Minura niya kaming lahat kaya natapos ang lunch naman na tawa ng tawa dahil kay aze.

Kahit papano nakakatawa nako, hindi nako 'yong dating tahimik at laging umiiyak, wala naman kasi akong mapapala, kung di na ako mahal ni clarence then go. Bakit ako magpapakatanga sakanya?

Bakit pag umiyak ba ako araw araw, babalik siya?

"Alam mo bestie, hanga din ako d'yan sa lalaki na 'yan e." Naka taas na kilay na sabi ni ryla.

Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang cellphone ko sa bag dahil nag vibrate 'to.

"At bakit?" Taas kilay kong tanong sakanya tumingin siya sa'akin na nakakunot ang noo, buti naman at hindi niya kasama si terrence ngayon.

"Ang bilis makamove on, dapat ganern ka din." Aniya, muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya pero mas pinili ko nalang umiling. Kinagat ko ang labi ko at ngumiti.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito, nakita ko ang pangalan ni aris.

Aris:

Pwede ba tayong mag dinner tonight?

Nagulat ako sa text niya pero wala naman masama diba? Dinner lang naman hindi naman sinabi na date.

Me:

Sure, anong oras?

Katapos kong i'send ay bumaling ako nang tingin kay ryla na nakatingin pala saakin.

"Sinong ka'text mo?" Tamang duda talaga siya.

"Si Aris." Pagsasabi ko ng totoo, ayoko naman magsinungaling sawang sawa nako sa mga kasinungalingan.

Siguro wala naman masama kung magsasabi ko ng totoo, wala naman mawawala, kesa pagsinungalingan mo kakainin ka pa ng guilt sa katawan mo.

"May gusto pa ba sayo 'yon bestie?" Tanong niya, agad akong umiling.

"Hindi ko alam, at ako magugustuhan niya? We're just friend at hanggang doon lang 'yon." Sabi ko at kinagat ko ang ibabang labi ko.

Wala naman gusto sa'akin si aris, kung meron man maaga ko na siyang pagmo'move onin kasi wala siyang pag asa.

Oo, dahil ayoko munang mag mahal ulit, hangga't hindi humihilom ang sakit dito sa puso ko hindi ako agad magmamahal. Natuto nako, tama na siguro 'yong masaktan ako ng hindi lang unang beses kundi pangalawang beses ko na 'yon.

"Bestie advice ko lang, wag mo siyang bigyan ng motibo para mahalin ka a?" Seryoso niyang sabi, ngumiti ako ng mapait sakanya.

"Oo naman, alam ko 'yon bestie. At isa pa ayoko munang magmahal ulit, hindi ko muna bubuksan ang puso ko hangga't hindi pa umuhupa ang sugat nito."

Tumayo siya sa upuan at mabilis n'ya akong niyakap kaya niyakap ko siya na pabalik.

"Una nako, bestie may pupuntahan daw kami ni terrence e, bye!" At tumakbo siya ng mabilis.

Nakita kong may reply sa cellphone kaya mabilis ko 'tong binuksan.

Aris:

Six in the evening.

Me:

O'sge, See you tomorrow!

Ito na siguro ang hudyat para ibaon sa limot lahat ng memories namin ni clarence, malabong babalik pa siya sa'akin kung siya nakaya niyang mag move on nang ganon kadali, what if ako pa?

Bahala na, hindi ko na dapat siya iniisip lalo na malapit na pasukan.

Mare'ready nalang ako sa dinner namin tonight ni aris.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon