Nasa may cafeteria kami ngayon, kaming lahat, Pero nalang kay aris na wala dito. Hindi ko nga siya gets bakit kailangan niya pang umiwas e, hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin.
"Talaga pare?! Buntis si jenica?!" Gulat na tanong ni michael, gulat na gulat rin lahat dito dahil wala naman silang alam tungkol kay jenica.
"Oo nga!" Naiinis na sabi ni clarence, Napakainit talaga ng ulo nito.
"Ahm, boys?" Napatingin kami sa tumawag, nakita namin na parang teacher siya dito.
"Yes po?" Magalang na sabi ni carlo, Ngumiti 'yung babae.
"Gusto ko lang ibalita na may laban ang school na 'to, next week." Aniya, kumunot naman ang noo namin, anong laban?
"Ano pong laban?" Si jiro na ang nagtanong. Ngayon ko lang napansin na magkatabi sila at magkahawak ng kamay ni hannah.
"Basketball." Maikling sabi nung babae at nakangiti pa rin, ang bait niya naman. Naghigh five naman sila cedrick at michael.
"Sa wakas! Ang tagal ko na din hindi nakakalaro." Ani nila.
Pero teka? Basketball? Sino ang kalaban?
"Okay." Maikling saad ni tristan, buti naman nakapagsalita pa siya.
"Gusto ko lang kayong iremind na hindi basta basta ang kalaban nyo, ang kalaban nyo ay isang university din, hindi tulad ng dati na academy, 'yung st. mathew right? Pero ngayon, Ywerler University kalaban nyo pero alam kong kaya nyo 'yan." Pagche'cheer ng babae sa amin, st. ywerler? Alam ko 'yun pero ang alam ko maraming maaangas don.
"Kayang kaya." Ani ng mga lalaki, ngumiti ulit ang babae sakanila.
"Oops, may nakalimutan ako, Excuse pala kayo ng one week boys kasi one week nalang ang practice nyo." Ani ng babae at umalis na.
"St. Ywerler?" Nabanggit ko, parang pamilyar kasi sakin, parang may nangyari dati doon.
Napatingin naman sila sakin, nakakunot ang noo ko, naramdaman ko nalang na hinawakan ni clarence ang kamay ko.
"Kaya namin 'yun coleen don't worry, boyfriend mo pa!" Ani michael habang natatawa. Alam ko naman na kaya nila 'yon pero parang pamilyar e.
"Wifey, what's wrong?" Napatingin ako sakanya, at tinignan ko ang mga kasama namin isa isa nakita ko si ryla na parang namumutla, nanlaki ang mata ko ng maalala ko na.
"Ohmygod. Bestie, remember kylil?" Napatingin sakin si bestie at tumango siya.
"Kylil Ivan Jimenez?" Tumango ako sakanya, nakita ko ang kaba niya.
"Diba siya 'yung captain ng ywerler?" Tanong ko sakanya, umayos siya ng upo at nakita ko ang mga kasama namin na nakikinig lang samin.
"Pagkakaalam ko, hindi na yata dahil sa nangyari dati." Tumango nalang ako, alam ko lahat ng nangyari dahil kasama ako don. Natatakot sa pwedeng mangyari sa championship parang gusto kong magback out pero hindi naman pala ako ang lalaban.
"Wow, gets namin kayo. Promise!" Sarcastic na saad ni hillary.
"Oo nga, hindi kami op." Saad naman ni cedrick, nagkatinginan 'yung dalawa at nag irapan ng mata.
Tama bang malaman ni terrence 'yung nangyari dati? Kinuha ko ang cellphone ko tinext si ryla.
Me:
Sa tingin ko, kailangan malaman ni terrence.
SENT.
Hinintay kong kunin nya ang cellphone niya, at kinuha niya naman binasa niya at tumingin sakin parang nagdadalawang isip pa siya.
Ryla:
Natatakot ako bestie.
Magrereply pa sana ako kaya lang biglang nagsalita si terrence.
"Anong dapat kong malaman?" Nanlaki ang mga mata ko, tumingin ako kay bestie, parang nakakita siya ng multo sa laki ng mata niya. Kilala nila si Kylil pero hindi nila alam 'yung mismong nangyari.
"A..ano.." Nauutal na sabi ni ryla, lumunok siya, tumango ako sakanya.
"Kilala namin ni coleen si Kylil simula palang yatang third year kami... tayo.." Alam kong kinakabahan si bestie, nagsign ako sakanya na 'go kaya mo 'yan.'
"Nagkagusto 'yon kay coleen---"
"Bestie hindi sakin, sayo siya nagkagusto. Naalala mo pa nung magkasama kami? Sinabi niya lahat na sayo siya nagkagusto, lumapit lang sayo at sinabi na sakin siya may gusto para mapalapit siya sayo.. tapos.. tapos... bestie ikaw nalang magtuloy please.." Hindi ko kayang magsalita, parang gustong maglaho ngayon dito sa kinauupuan ko, natatakot ako para kay bestie.
"Tapos, sinabi sakin ni coleen na binantahan ang buhay niya at buhay mo..." Nagulat lahat ng tao dito pati si terrence gulat din, humigpit ang pagkakahawak ni clarence sa kamay ko.
"What the fuck?" Sigaw ni terrence, hinawakan agad ni ryla ang kamay ni terrence para pakalmahin.
"Kasi... ang sabi niya pag hindi ako pumayag sa gusto niya gagawin niya talaga 'yon, natakot ako kaya pumayag ako na maging kami... kaya nakipaghiwalay ako sayo.." Nakita ko agad ang pagkayukom at pagkagulat sa mukha ni terrence, nag iba ang awra niya.
"Damn it! Ryla! Bat dimo sinabi sakin?!" Galit na galit si terrence, nakita kong napahilamos siya ng mukha.
"Na..natakot ako.." Hindi natuloy ni bestie ang sasabihin niya ng tumayo si terrence. Nakita kong umiyak na si ryla, tumayo din siya at sumunod kay terrence. Napailing nalang ako.
"Masakit para sa lalaki 'yun coleen." Seryosong sabi ni gab, tumango ako sakanya. "I know."
"Hindi ko rin masisisi si ryla, kung akong nandon baka 'yun din ang gagawin ko." Ani hillary. Kahit naman siguro ako.
"Psh." Ani cedrick, aso't pusa na naman niyan itong dalawa.
"I ship you two!" Tumatawang saad ko sa dalawa agad nila akong sinamaan ng tingin.
"Me too." Ani hannah, nakitawa na rin siya.
"Eww, no way. Over my dead gorgeous body!" Ani hillary at inirapan si cedrick. Kung titignan mo ang dalawa makikita mo talagang may something pero wala nauuna ang pang aasaran e.
"Gorgeous body? Saan?" Sambit ni ced habang nakakunot ang noo.
"Ito oh!" Ani hillary at parang shinape ang katawan niya. Tumawa lang si cedrick.
"Hindi ko makita." Birong sabi ni cedrick kaya lalong kumunot ang noo ni hillary!
"China'chansingan mo lang ako!" At nagwalk out si hillary, bagay na bagay talaga 'tong dalawang 'to.
Nagbell na at ito na naman ang ayaw ko dahil nagkakahiwa' hiwalay na naman kami. Kasama ko ngayon naglalakad si clarence at nakahawak lang siya sa kamay ko.
"May practice kayo?" Tanong ko sakanya ng makaupo kami. "Hmm, yeah." Aniya, parang hindi siya gaanon kumikibo ngayon, may problema kaya sya.
"May problema ka?" Tanong ko, kita kong umiling siya. Hindi nako nagtanong dahil mukhang wala naman siya sa mood na mag kwento.
Habang walang prof. ay inaayos niya ang buhok ko, nakatalikod kasi ako sakanya tapos sinuklayan niya buhok ko at parang may ginagawa. Hindi ko alam kung ano 'yon pero titignan ko nalang mamaya, natapos siya sa buhok ko at hinarap ako sakanya, ngumiti siya kaya ngumiti din ako.
"You're so damn beautiful." Bulong niya sa tenga ko at hinalikan ang noo ko. Nakita ko nalang na nakaipit pala ako na nakatarintas, ang galing niya.
"Thankyou hubby." Sabi ko sakanya.
"I love you so much." Sambit ko sakanya at niyakap siya.
"I love you 'til death." At niyakap niya ako pabalik. Kahit maraming problema ang dumating alam kong malalagpasan nyo din 'yan kung pareho kayong lalaban.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]