Habang nasa sofa ako at nanunuod ng TV, biglang pumasok si xyrile, himala ginabi yata sya?
"Bat ngayon ka lang?" Tanong ko, pero parang lutang sya at hindi nya ako napansin kaya kumunot ang noo ko.
Anong nangyari sakanila ni tyler? Kanina din ganyan si tyler, wala syang ganang kumain at hindi man lang bumaba buhat kaninang uwian.
"Rowella?"
"Rowella?"
"Rowella?"
Mas lalo akong naweirdu'han sa paulit ulit nyang bigkas ng pangalang 'rowella' sino ba yon? Girlfriend? Friend? Bestfriend? Special someone? Or whatever.
"Oy!" Ginulat ko na sya at nabitawan nya ang isang kwintas na nakalagay doon ang pangalan na kanyang binabanggit.
"What?" Masungit nyang tanong kaya napanguso ako.
"Kanina pa kita tinatanong pero di moko pinapakinggan, puro ka na lang 'rowella' sino ba 'yan?" Seryoso kong tanong, kita ko ang paghinga nya ng malalim.
"Nothing.." At umakyat na sya, nothing daw? Asus, nothing my ass!
Kinuha ko ang remote at pinatay ang television at binunot ang saksakan neto, mabilis kong kinuha ang cellphone ko na kanina pa nagri'ring at kita kong si clarence ang tumatawag.
"Wifey..." Sa boses pa lang nya nakakalasing na, sobrang lambing ng boses nya.
"Yes hubby?"
"Matutulog kana?"
"Yup, ikaw? Matulog ka na rin." Habang nakikipag usap ako ay umakyat nako sa taas para mag ayos na at magpalit ng damit na panjama at t-shirt.
"Hmm, yes, tatapusin ko lang 'tong pagty'type ko ng pinagawa sakin. Matulog kana wifey.." Napangiti ako dahil sa boses nyang malambing.
"Yes hubby.." Sagot ko. Narinig ko ang mga tunog ng keyboard dito sa kabilang linya, so, nagty' type nga sya, ano naman pinagawa?
"Gusto mo bang wag kong ibaba ang tawag kahit natutulog kana?" Nagulat naman ako sa sinabi nya, ano 'yon? Hanggang bukas na paggising ko?
"Hubby..." Hindi ko makapagsalita, "Gusto ko lang ako ang unang bubungad sa'yo tuwing umaga.." Ramdam ko na malalim nyang paghinga..
"Kakantahan kita hanggang sa makatulog ka wifey." Dagdag nya.
Humiga ako sa kama at pinatay ang ilaw tanging lamp shade na lang ang nakasindi, magrereklamo pa sana ako pero narinig ko na syang nagstrum ng guitar at kumanta.
'It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say...
Napapapikit nako sa pagkanta nya, ang sarap sa pakiramdam na may kumakanta sayo, ang lamig ng boses nya..
'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again.'
**
Nagising ako na nasa tenga pa ang cellphone ko at kita ko na 9:54:03 na ang tawag, ibig sabihin hindi nya nga binaba ang tawag?
May narinig akong boses sa kabilang linya.
"Wifey? Gising kana? Kakagising ko lang.." Sa boses nya pa lang alam mong kakagising nya nga lang.
Huminga ako ng malalim bago sya sagutin, "Yes hubby, kakagising ko lang din." Sambit ko sakanya.
"Oras na wifey, malalate na tayo, mag ayos kana, I love you..." Tumayo ako sa kama habang kinukusot ang mga mata ko.
"Sige hubby, ikaw din po.. I love you too." At binaba ko na ang tawag.
Mabilis akong nag ayos, nag maong jeans ako at tinernuhan ko ng croptop na isang dangkal lang ang haba from my breast at nag rubber shoes na kulay itim may puti sa gilid.
Bumaba ako sa baba at nakita ko si aze na nagsisintas ng sapatos, nakita nya akong pababa kaya tumayo sya at mabilis akong hinalikan sa noo.
"Goodmorning." Bati nya.
"Goodmorning, bat dika pa pumapasok?" Kita ko ang pag ngisi nya at biglang umiling.
"Masyadong excited 'yung dalawa ang aga aga pa lang, mas mauuna pa yata sila sa guard." At humalakhak sya, napailing na lang ako nilagpasan na sya.
Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko na si clarence 'yun.
Hubby:
Im here wifey, labas kana.
Mabilis pa sa alas quatro akong lumabas at nakita kong nakasandal sya sa sasakyan nya, kitang kita mo ang pag kinang ng hikaw sa tenga nya, ang kwintas nyang mahahaba na kulay itim, ang suot nyang kulay grey na nagfit sa katawan nya at naka maong jeans sya.
"Tititigan mo lang ba ako wifey? O papasok na tayo?" Agad akong napatingin sakanya, namula agad ang mga pisngi ko sa sinabi nya kaya inirapan ko sya.
"Di kita tinititigan ah!" Pag depensa ko sa sarili ko.
Nagkibit balikat sya, "Sabi mo eh." At nakita kong kinagat nya ang lower lip nya.
Nagulat ako ng hininto nya ang sasakyan at tumingin sakin ng diretso, napalunok agad ako ng bumaba ang tingin nya sa labi ko. Alam ko na kung saan ang kapupuntahan nito, mabilis na lumapat ang labi nya sa labi ko..
"I love you.." Banggit nya sa gitna ng halikan namin, tumigil sya at lumapit sya sa tainga ko..
"Ang ganda mo wifey..." Isang malambing na boses ang narinig ko, bigla syang humiwalay at in' start ulit ang sasakyan.
Ngayon ay nagsama sama kami sa iisang malaki at mahabang lamesa, hindi ko alam kung bakit nila kami pinapunta dito.
"Kailan balik ng kuya mo?" Tanong sakin ni clarence, napatingin ako sakanya.
"Diko alam.." Sambit ko at tumango naman sya.
Si kuya ay nakapagmove na ng isang level dahil sa age nya, mabuti na rin 'yon at sa isang buwan ay aalis na sya at pupunta ng states, iniisip ko palang 'yun ay naiiyak nako, parang gusto kong nasa tabi ko lang sya pero di ako selfish.
"Ok ka lang wifey?" Tanong nya, mabilis akong tumango at tinignan sya.
"Tama na muna 'yan." Natatawang sambit ni carlo kaya agad syang tumahimik ng tignan sya ng masama ni clarence.
"May mga kanta na ba kayo? Bukas na ang 'singing contest'." Oo nga pala bukas na agad, hindi ako kinakabahan dahil hindi ko naman seseryosohin ang pagkanta ko lalo na kalaban ko ba mga pinsan ko.
"Yes!" Sagot nila.
"Ayusin nyo!" Natatawang sambit ni clarence kaya napatingin ako sakanya.
Bahala na siguro bukas kung ano ang makakanta ko basta 'yung galing na lang sa puso, ayokong makipaglaban sa mga pinsan ko.

BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]