'Happy birthday hubby'
Habang nag alarm ang phone ko ay nakita 'yan sa screen ng phone ko kaya agad kong inalis ang pagkaka alarm, mabilis akong tumayo para supresahin siya, nagpatulong din ako sa mga kaibigan niya.
Habang nagluluto ako sa kusina ay kumakanta pa ako, hanggang sa matapos ko na ang bina'bake ko, excited nako para mamaya.
Mabilis lang akong nagluto at nagbake, at nagpalit na ako agad ng school uniform. Bumaba ako ng school at nilagay ko ang niluto at binake ko sa tambayan nila dahil doon ko gagawin.
Nakita ko agad ang mga kaibigan niya na nakaupo sa may mahahabang upuan, lumapit ako sa kanila, wala pa siya at balak ko talaga hindi siya batiin sa text, at balak ko din na wag siyang pansinin ng mga kaibigan niya, corny right? Pero alam natin na pagdating sa taong mahal natin nagiging corny tayo mapasaya lang siya.
"Hey, okay na ba ang arrangement? Okay na rin ang mga sinabi ko sainyo?" Tanong ko sakanila, para akong matanda na nag utos sakanila pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nandyan sila para tumulong sa kaartehan ko.
"Yes, madame!" Masiglang saad ni carlo habang humahalakhak, napailing nalang ako, "Okay wala munang babati sakanya ah?" Tumango sila, hinihintay lang namin si clarence. Tinext ko na din siya pero hindi siya nagrereply.
"Nandyan na siya!" Sigaw sakin ni cedrick siya ang nasa may pintuan kasi siya, mabilis akong nagtago sa may tambayan nila pumasok siya ng dire'diretso at nakakunot ang noo niya, hindi rin siya binati ng mga kaibigan niya.
"Practice na tayo!" Sigaw ni michael, habang tinatalbog ang bola, "Kayo nalang, wala akong gana." Yes, effective ang plano ko, nainis nga siya.
"Bakit!?" Galing naman nila, pwede na silang maging best actor, "Pati ba naman kayo hindi maalala!? Damn it." Sigaw niya at kumunot ang noo niya, ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko, parang ang perfect niya para sakin.
"Ang alin?" Nagkukunwaring sambit ni carlo, habang kinunot niya ang noo, mabilis na tumayo si clarence.
"Wala!" Sigaw niya at naglakad papunta dito, nagready nako at nakita kong nagready na rin sila, nagpwesto ako sa may side ng cake na binake ko at hinintay na buksan niya ang ilaw.
Wala pang ilan minuto ay bumukas ang pinto at pinindot niya ang switch ng ilaw at kasabay non ang pagbati sakanya ng mga kaibigan niya, Hindi niya pa ako nakikita dahil nakatago ako at hawak ko na ang cake.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya, alam kong mas manlalaki ang mata mo pag lumabas ako.
"HAPPY BIRTHDAY SA NAPAKA GWAPONG YUMMY AT MAY ABS KONG BOYFRIENDDD!" Sigaw ko nang makalabas ako sa kinatataguan ko, nakita kong nakanganga lang siya.
"Hubby, hello? Blow your candle but don't forget to make a wish." I said to him, ngumiti siya sakin at blinow ang candle.
"Yehey." Saad ko at binaba ko ang cake sa may mesa at niyakap siya, niyakap din niya ako pabalik.
"Damn, wifey.. Ikaw gumawa nito? Fuck, akala ko nakalimutan nyo na!" Nauutal na sabi niya at may saya sa mga mata niya, alam kong hindi sanay sa mga surprise si clarence, first time nya ba 'to?
"Maari ba 'yon? Kaibigan ka namin 'tol, kalimutan na lahat wag lang ang araw mo." Sweet na sabi ni cedrick. Nag thumbs up ako sakanila. Tumingin sakin si clarence at mabilis akong niyakap.
"Thankyou wifey, thankyou. I love you so much. I've never expect this." Sabi niya, hinalikan niya ako sa labi.
"Happy birthday ulit, hubby." Bati ko sakanya. Bumitaw ako ng yakap at mabilis na pumunta sa may cabinet niya dito at kinuha ko ang box doon.

BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]