My saviour
Hindi ko nalang nireplayan 'yung nagtext sakin, hinayaan ko nalang baka trip na naman kasi 'yon, hindi dapat bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi dapat kasi trip lang 'yon, wala lang 'yon diba?
Aris:
Pupunta ako diyan.
Nalaglag ang panga ko matapos kong mabasa ang text ni aris, seryoso ba siyang pupunta dito?
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang may tumawag at nakita kong si aris 'yon kaya agad kong sinagot.
"Hello?"
"Pupunta ako diyan, okay? I won't let you go without me." Nagulat naman ako sa sinabi niya, para akong nasakal sa sinabi niya, bakit hindi niya ako papaalisin ng hindi siya kasama?
"No.. aris, one week lang naman ako dito at alam ko din na busy ka sa company nyo." Sabi ko, nagkaroon ng konting katahimikan.
"No, pupunta pa rin ako.. text me your address or kailangan ko pa ng private investigator?"
Napanguso naman ako sa sinabi niya wala nakong magagawa kaya tumango nalanga ko kahit hindi niya makita.
"O-okay.." katapos kong binaba ang cellphone ay tinext ko na sakanya ang address pero mali yata ang na'sendan ko kasi dun ko na send sa unknown.
Paktay..
Bakit ang tanga mo kahit kailan coleen? Bakit dika nag iisip? Hindi ka muna tumitingin?
Me to unknown (dapat kay aris)
Aris, here's my address aquino subdivision then magtanong ka nalang kung nasan ang bahay namin dito, take care okay? Mag gagabi na.
Napahawak ako sa ulo ko, Ahhh! Ang tanga tanga ko! Sobra na talaga ang kabobohan ko kahit kailan.
Bumaba ako sa kusina at nakita ko doon si manang lising, nagluluto.
"Hi manang!" Masayang bati ko sakanya, napatingin naman siya sa'akin at ngumiti siya.
"Iha.. Bakit ang aga mong bumaba? Nagluluto palang ako oh." Sambit niya at pinatay ang rice cooker at bumalik sa may stove.
"Wala lang po, nakakaboring po kasi sa taas e, wala po akong makausap." Umupo ako sa may kitchen na upuan habang pinapanuod ko siya.
"Nakong bata ka.." Iiling iling na sabi ni manang at pinatay na ang stove.
"Oh, kumain na kana iha. Tawagin ko lang sila sir at madame." Sabi ni manang habang nilalapag ang ulam at nakita kong adobo 'yon, tumango ako sakanya at nakita kong umalis na siya sa harap ko at mabilis na umakyat sa taas.
Wow! My favorite! \ *0* / parang kumislap ang mga mata ko sa ulam ngayon, hindi kaya manaba ako dito sa tarlac?
May narinig akong mga footsteps, at nakita kong sila lolo at lola 'yon nakangiti sila nang makita ako na nandito sa upuan sa may kusina.
"Apo.." ani lola at mabilis akong nagmano sakanila, pinaupo ko sila sa upuan at umupo na rin ako.
Naging tahimik ang pagkakain namin, nang matapos kami ay doon tumingin sakin si lola.
"May boyfriend kana ba iha?" Tanong sakin ni lola, mabilis akong umiling.
Meron lola.. kaso iniwan niya ko.
"Mabuti naman kung ganon dapat mag aral ka muna ng mabuti." Mabilis akong tumango kay lola at tumingin ako kay lolo na katatapos lang uminom.
"Si luvi pala kamusta?" He's asking my mom.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]