Chapter 1

141 3 0
                                    

Still Inlove

--

Two months ago...

Nakatingin lang ako sakanya habang drini'drible niya ang bola, Nahaharangan siya ng mga kalaban.

Simula nang matanggap ko ang 'text' niya ay hindi na siya nagparamdam ulit saakin.

Nung gabing 'yon ay inatake ako ng sakit ko, Buti nalang at nandon si aris para tulungan ako at madala sa ospital, laking pasasalamat ko sakanya dahil hindi lang ito ang unang beses na niligtas niya ako sa sakit ko.

Sabi ko sa sarili ko dati na ikamamatay ko pag nawala siya sa buhay ko, pero sa halip na mangyari sa'akin 'yon ay natabunan ng galit at poot ang puso ko ngayon, Nalaman ko din na niloko niya lang ako.

May laban sila nang basketball ngayon, Ang pagkakaalam ko ay pustahan 'yon. Kapag pumupuntos kami ay malakas ang sigawan ng mga tao.

Nagulat ako nang makita kong tumingin siya saakin pero nakita ko ang pag iwas niya agad, Nanggigilid ang luha ko pero pinipigilan ko lang.

Hindi ito ang oras para umiyak at dapat hindi ako umiiyak dahil lang sakanya.

"Ang galing talaga ni clarence no?" Narinig ko ang bulungan sa likod ko, medyo nairita ako dahil narinig ko na naman ang pangalan niya.

Hindi ko alam pero simula ng iwan niya ako ay sinabi ko na ayoko nang marinig ang pangalan niya.

Tumingin ako kay clark kita ko siyang nagdri'drible ng bola ngayon, nag sign siya kay tristan kaya na'alerto si tristan at pinasa ang bola sakanya.

Sa pagkakaalam ko ay may nililigawan si clark at si tristan naman ay may girlfriend na. Si terrence at ryla ay sila pa din hanggang ngayon, Hanga ako sakanila kaya nilang ipaglaban ang pag ibig nila, kahit marami ang hadlang sakanila. Hindi tulad samin...

Napailing nalang ako sa naiisip ko, Bakit ko ba siya kailangan isipin kung sinaktan at niloko niya na ako? Wala din pala siyang pinagkaiba sa mga lalaki. He's an asshole.

"Balita ko may bagong girlfriend na si clarence ah?"

"O, wala na sila ni coleen?" Narinig kong bulungan sa likod ko. Umiling nalang ako at nagsimulang umalis sa pwesto ko, mga tsismosa.

Lumabas ako para magpahangin, kailangan ko muna ng hangin sa loob ng katawan ko. Totoo ba? Totoo bang may bagong girlfriend kana?

Oo aaminin ko mahal ko pa rin siya, Hindi ko 'yon itatanggi. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal ay pinagsisinungalingan ko lang ang sarili ko dahil ang totoo nahihirapan nakong mag pretend.

Simula nang maghiwalay kami ay naging hobby ko na ang pag iyak at pag pretend na hindi ako nasasaktan, na matatag ako, na kaya kong maging masaya ulit na kahit wala siya sa tabi ko pero kada maiisip ko 'yon ay unti unting naninikip ang dibdib ko.

Kalabas ko ng gymnasium ay rinig ko pa ang sigawan sa loob. Napailing nalang ako, sikat kana ba kaya nakalimutan mo na ako?

Nasan na mga pangako mo? Mga pangakong napapako, sana una palang ay hindi nako naniwala sa mga pangako mo, sana una palang ay hindi nako naniwalang hindi moko kayang lokohin.

Napatawa ako ng bahagya sa'aking naisip at naramdaman ko na din ang pagtulo ng luha ko.

Hubby, hindi mo na ba talaga ako mahal?

Tumawa na naman ako ng mahina, baka isipin nila nababaliw nako, Nanikip ang dibdib ko, hindi niya ba ako naiisip kahit isang araw lang? Isang segundo? Umaasa na naman ako na babalik siya kahit mahirap tanggapin hindi na siya babalik kasi may mahal na siyang iba.

Ginawa ko naman lahat pero bakit nya ko ginanito? Dahil ba ayaw sa'akin ng mama niya kaya niya ako iniwan? Akala ko bang ipaglalaban niya ako? Akala ko lang pala...

May lumapit sa'akin at umupo sa tabi ko, araw araw siya na laging kasama ko. Siya ang tumulong sa'akin na makalimot.

"Dito ka mag aaral?" Alam kong iniiba niya lang ang topic at ayaw niyang isipin ko ulit ang nangyari sa'amin.

"Oo ikaw?" Tanong ko, mabilis siyang tumango. Tumingin siya sa'akin na diretso sa mga mata ko.

"Mahal mo pa no?" Nagulat ako sa tanong niya, hindi ko expect na tatanungin niya ako tungkol dito.

Pagod na din akong magsinungaling, pagod nakong magpretend, ayoko na.

"Mahal na mahal..." bulong ko, humangin ng malakas kaya nagulo buhok ko pero inayos ko 'yon gamit ang mga daliri ko.

Nagulat ako ng hawakan niya mga kamay ko, kaya napatingin ako sakanya.

"Wag kang mag alala coleen, hindi lang siya ang lalaki sa mundo.. wag kang mag pakatanga sa iisang lalaki lang lalo na't alam mong niloko ka." Sabi niya at inayos ang buhok ko.

Tama siya, ito na siguro ang panahon at oras para magmove on nako, Sawang sawa nako sa pag pre'pretend bawat araw na gigising ako iniisip ko na wala na ba akong nararamdaman? Pero bawat naaalala ko ang mga memories namin ay bumabalik ako sa pagiging tanga, siguro ay dahil mahal ko pa siya.

"Tara, pasok na tayo sa loob. Tapos na yata 'yung game." Sabi niya at tumayo na. Inayos niya muna ang buhok niya bago naglakad.

Sinabit ko ang shoulder bag ko sa'aking balikat at sabay kaming pumasok sa loob.

Nakita ko na nabawasan ang mga tao, hindi nako magtataka pag nanalo sila. Lalo na nandun siya kaya imposibleng matalo sila, nakita ko na siyang naglaro kaya alam kong kaya nyang talunin 'yong mga 'yon.

Marami ang bumati sakanila, sabi ko na nga ba at mananalo sila. Lumapit ako sa mga pinsan ko na nasa upuan na nila.

"Pinsan!" Tawag sa'akin ni hillary at mabilis niya akong niyakap.

Tumingin ako sa mga player, kita ko ang pagtingin sa'akin nila clark at tristan. Nung nalaman nila na niloko ako ni clarence ay halos bugbugin at patayin na nila si clarence pero sempre mananaig pa rin ang pagkakaibigan.

"Hi, coleen." Bati sakin ni carlo at inakbayan ako, napatingin ako sa kamay niya na nasa balikat ko.

"Hello.." tumingin ako kay clark at tristan, ngumiti ako sakanila at ngumiti din sila sa'akin.

"Congrats." Sabi ko at nag 'thank you' naman sila. Hindi ako tumitingin sakanya pero ramdam ko ang matatalim na tingin niya sa'akin.

Nakaakbay pa rin pala sa'akin si carlo kaya nakita ko ang matalim niyang tingin, galit ba siya sa'akin? Siya nga 'tong nanloko.

Mula ngayon, kakalimutan na kita.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon