Kinabukasan nagising ako, wala naman akong pake sa nanalo gaya ng sabi ko dahil ayokong kalabanin mga pinsan at kaibigan ko. Kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang nanalo.
Bumaba ako sa may sala ay nakita kong nagla'laptop si tyler kaya nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya.
"Uy." Pag agaw ko ng atensyon nya, napatingin sya sakin at kumunot ang noo pero agad din nabawi.
"What?" Ang sungit talaga parang laging dinadalawan ng period e. Tumikhim ako at inirapan sya.
"Ang sungit mo." Agad nya akong sinamaan ng tingin, "Joke lang!" Dagdag ko agad.
"Ano ba 'yan?" Sabay tingin ko sa laptop nya.
"We're having an one week vacation, at naghahanap ako kung saan pwedeng magvacation, ayoko na sa scog, nakakasawa na." Aniya at tumingin ulit sa laptop, tumango na lang ako sakanya.
"Nga pala, anyare sayo nung minsan? Parang-"
"Nothing!" Sagot nya agad at sinarado bigla ang laptop at umakyat.
Nagtatanong lang ako, Masama na ba 'yun? Napailing na lang ako sa naging reaksyon nya, malamang ayaw nyang sabihin samin kaya ganon.
Nakita kong pababa ng hagdan si xyrile at nakapamulsa pa, tahimik nya lang ako tinignan at umupo sa sala katulad ko.
"Ang aga mong nagising?" Tanong nya, tinignan ko ang oras at alas syete pa lang ng umuga at alas nuwebe pa lang ang pasok ko.
"Alam mo naman pinsan na matagal akong gumayak meron na lang akong two hours para mag ayos." Tumango sya at hindi na muling nagsalita, ngumuso sya at kinagat ang lower lip nya.
"Ah, xy.. Sino nga pala 'yung rowella? Sino-" Nakita ko ang pagtayo nya at pumuntang labas.
"Stranger." Yun lang sagot nya at lumabas na.
Stranger? Pero makapag banggit ng 'rowella' parang ayaw ng huminto tapos ngayon sasabihin nya 'stranger' lang daw? Sinong niloloko nito?
Nawala ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko, nakita ko na si kuya ang tumatawag, oo nga pala wala na dito si kuya lumipat sya sa mas malapit sa school nya, agad kong sinagot 'yon at nilagay sa tenga ko.
"Princess, I miss you." Napangiti ako sa sinabi ni kuya, feeling ko gusto kong maiyak, namimiss ko na rin talaga si kuya lalo na sya 'yung tumutulong sakin pag down na down ako.
"I miss you too kuya, sobra. Kamusta ka na dyan?" Tanong ko na medyo napapaos na ang boses ko, huminga sya ng malalim at narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Ok lang ako dito princess, don't worry bibisitahin kita, ikaw kamusta kana? Kayo ni clarence? Inaalagaan ka ba nya? Di ka nya sinasaktan? Sabihin mo agad sakin para makatikim sya." Sa hinaba haba ng sinabi at tanong ni kuya isa lang ang naging reaksyon ko, masaya ako na hanggang ngayon ay ganon pa rin sya sakin.
Ngumiti ako, "Hindi nya ako sinasaktan kuya, ok lang kami at isa pa alagang alaga ya'ta ako sakanya." Kinagat ko ang lower lip ko at huminga ng malalim.
"Maganda kung ganon, sige na princess bababa ko na ang tawag, mag iingat ka ok? I love you." Ang bilis naman parang ayoko pang ibaba gusto ko pa syang kausapin pero parang may importante syang gagawin.
"Ikaw din kuya,mag iingat ka. I love you." Binasa ko ang mga labi ko at binaba na ang tawag.
"Sinong ka i love you han mo ah?" Napahawak ako sa dibdib ko sa ginawa ni aze kaya nasapak ko sya sa braso.
"Bwisit ka! Bat ka ng gugulat?" At tinignan ko sya ng masama. Tumawa lang sya at umalis na sa harap ko.
Napatingin ako sa oras na alas otso na kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na umakyat para mag ayos na.
Habang nasa school ako hindi ko makita si clarence, hindi ko pa rin sya tumatawag, hindi pa rin sya nagpaparamdam, baka may ginagawa lang.
Pumunta na akong kwarto pero nanghina ako ng makita kong wala rin sya dito, sinubukan kong puntahan sila jiro sa may third floor.
"Sinong hinahanap mo miss beautiful?" Tanong ng isa namin classmate, nakita ko sila jiro, cedrick, michael na nagtatawanan sa loob ng classroom nila.
"Pwede kila jiro?" Tanong ko napatingin sa gawi ko si cedrick kaya ngumuso sya at tinuro ako sa mga kasamahan nya kaya napatingin sila sakin at tumayo at mabilis na lumapit sakin.
"Sige kami na." Ani michael dun sa pinagtanungan ko kaya umalis 'yung lalaki.
"Naligaw ka ya'ta?" Natatawang sambit ni cedrick.
"Anong problema, coleen?" Seryosong tanong ni jiro, habang tumaas ng konti ang kilay nya.
"Nakausap nyo na ba si clarence?" Tanong ko, nagkatinginan sila at mabilis na umiling.
"Ah.. sige salamat." Sambit ko, tumango lang sila at umalis na ako. Parang nanghihina ako, tinignan ko ang oras sa relo ko, late nako ng first subject namin, alas onse na.
Mabilis akong umiling at pumasok na lang, baka nga may ginagawa lang sya, napaparanoid lang ako.
--
CLARENCE.
Habang nakadapa ako sa kama mga alas onse y mediya ay tinatamad pa akong bumangon at hindi na ako nakapasok ng first subj. siguradong malalagot ako kay coleen, pero kumakalam na ang sikmura ko kaya napalitan akong tumayo para pindutin ang telephone na nakaconnect sa baba.
"Young master, magandang umaga." Bati ng katulong namin.
"Pagdala nyoko ng makakain nagugutom nako." Sambit ko at binaba na ang tawag.
Pumunta ako sa cabinet para maglabas ng isusuot ko, sigurado akong naghihintay na ng text ko si coleen pero gusto ko syang paggawa ng cake para hindi nya ako pagalitan kung bakit hindi ako nakapasok ng first subject.
Mabilis akong pumuntang banyo para magligo at mabilis akong nag ayos at bumaba na ako, nakalimutan ko na rin kumain. Naligo na pala ako pero ngayon pa ako magba'bake? Di' bale na kailangan kong suyuin si coleen baka magka world war lll na.
Mabilis kong pinindot ang ref. namin na may receipt at cli'nick ang cake para malaman ko kung pano gumawa.
"Master, bakit kayo nasa kusina at anong ginagawa nyo?" Napatingin ako sa nagsalita, nginitian ko sya kaya nagulat sya dahil madalas akong hindi nagsasalita dito sa bahay.
"Nagba'bake manang para kay coleen." May matamis na ngiti sa labi ni manang olive.
"Talagang mahal na mahal mo sya 'no?" Tumingin ako kay manang at mabilis na tumango.
"Sobra.." simpleng sagot ko at binalot na ang cake sa lalagyanan.
"Natutuwa akong makita kang ganyan, sana ay mapaglalaban mo sya sa puntong ito." Parang may gustong iparating si manang.
"Anong ibig sabihin nyo manang?" Tanong ko at inalis na ang apron sa katawan ko at sinabit sa may sambitan nito.
"Hindi pa ba nasasabi sa'yo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manang, naguguluhan ako.
Kinagat ko ang lower lip ko at binasa, tinignan ko si manang na parang ayaw nyang magsalita.
"Manang ano 'yon? Sabihin mo sakin." Nilapitan ko sya at hinawakan sa magkabilang braso.
Nakita kong maluha luha na sya, pumikit sya ng mariin at tinignan ako.
"Babalik na ang reyna."

BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Storie d'amore#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]