Sick
--
Tahimik lang kami sa loob ng kotse, Nakayakap lang ako sa sarili ko. Nasa likod kaming dalawa ni clarence at ang nagdri' drive ay si carlo.
Siya pala ang tinawagan ni clarence kanina dahil tulog na daw ang iba niyang kaibigan at si carlo ay nasa isang bar kaya siya ang mabilis niyang na'contact.
Sira na pala 'yong bodega na 'yon dahil 19's pa daw 'yun, mukha naman luma na, Buti nalang at nakita ni carlo 'yung manong doon na nakabantay.
"Kayong dalawa talaga!" Natatawang sabi ni carlo habang busy sa pagmamaneho. Tumingin ako sakanya sa may salamin at inirapan siya.
Dahil siguro sa sobrang basa ko at inaantok pa kaya nakatulog ako sa kotse, Hindi ko na alam kung ano pa ang pinag usapan ng dalawa.
"Coleen.." May tumatapik sa pisngi ko, hindi ko masyadong mamulat mata ko dahil sa antok na antok na talaga ko.
"Were here, wifey.." Doon ako napamulat kahit nanliliit pa rin ang mga mata ko, narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko namalayan na nakahiga pala ako sa may legs niya. Mabilis akong tumayo at lumabas, tinignan ko muna siya bago ako aalis.
"Thankyou, carlo.." Sambit ko at bumaling ng tingin kay clarence. "Thankyou din." At mabilis kong sinarado ang pinto ng kotse ni carlo.
Habang naglalakad ako papasok samin ay naisip ko na alam ko na ang totoo, hindi niya ako niloko, mahal niya pa ako, natakot lang siya, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko.
Bahala na, give me a sign please?
Kapasok ko ng bahay namin ay patay ang mga ilaw at wala ng tao sa baba, alam kong tulog na sila kaya dumiretso na ako papuntang kwarto ko, pero bago ako makapuntang kwarto ko ay dinaanan ko muna ang kwarto ni hannah.
Sinubukan kong buksan pero nakalock kaya hinayaan ko nalang at bumalik sa kwarto ko, Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan.
Humiga ako ng kama kahit hindi na nagpapalit dahil antok na antok nako, Nanghihina na rin ang mga mata ko gusto ng pumikit.
"Goodnight, Clarence." Bulong ko sa isip ko at natulog na.
Nagising ako na kumikirot ang ulo ko at nanghihina ako, parang akong nasa mainit na tubig sa init ng mga balat ko.
Pinilit kong tumayo pero hindi ako makatayo dahil talagang nanghihina mga tuhod ko, may pasok kami ngayon hindi ko alam kung makaka attend pa ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko, "Come in." Mahina kong sabi at nagbukas naman ang pinto at nakita kong si xyrile 'yon.
"Hindi kapa gumagayak? May pasok pa tayo." Tanong niya at lumapit sakin, Nanliliit ang mga mata ko at nakabalot pa ako sa kumot. "What's wrong?" Dugtong niya at nagsimula ng kumunot noo niya.
"Masama pakiramdam ko." Malumay kong sambit sakanya, agad niyang hinawakan ang balat ko sa mukha.
"Fuck, ang init mo." Tarantang sambit niya. "Wag ka na munang pumasok, Hindi ko nalang papapasukin si hillary." Nagulat naman ako.
"No.. no pinsan, Im okay.. Papasok ako no, kaya ko naman." At ngumiti ako ng bahagya.
Paano si hillary kapag hindi nakapasok? May mamimiss siya na lesson.
"No you're not okay." Pagpupumilit niya. "Im okay!" Tumayo ako kahit hirap na hirap ako. "I told you." At tumawa ako ng bahagya. Napailing nalang siya.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]