Jiro and Hannah
--
Buong araw yata akong nakatulala sa mga nasaksihan ko sa cellphone ni clarence, pinagtataka ko bakit meron pa siyang mga picture ko at bakit niya pa ako pinipicturan? Naguguluhan na talaga ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.Nakatulala lang ako sa may bintana namin, walang pasok bukas kaya ngayon ay para akong zombie dahil wala na nga akong tulog umiyak pa ako kanina.
"Princess, kain na." Napatingin ako kung nasan ang boses na 'yon at nakita ko na nasa may pintuan si kuya.
Umayos ako ng pagkakatayo sa may bintana at pumunta sa harap ni kuya.
"Okay, kuya." Sambit ko at pinilit kong ngumiti, pero alam kong alam ni kuya ang totoong ngiti at peke kong ngiti.
"Mauna kana sa baba." Tumango lang ako kay kuya at bumaba na. Nakita ko agad si mama na nagluluto sa may kusina.
Napaaga ang uwi nila dahil maaga nilang natapos ang busy sa tarlac sabi ni kuya ay ako na daw ang susunod na mag aayos sa company namin sa tarlac at si kuya naman sa states. Nung una hindi ako pumayag dahil malalayo na sakin si kuya pero kailangan. May mga bagay na kahit ayaw mong mawala ay kailangan mo siyang pakawalan.
Nasanay kasi ako na si kuya ang kasama ko sa bahay, nasanay ako na si kuya ang nandyan lagi para sakin, sempre malayo ang states sa pilipinas. Kaya mahirap sa part ko ang umalis si kuya at baka doon na siya makakita ng taong mamahalin niya diba?
Huminga ako ng malalim at lumapit kay mama. "Ma, tulungan ko na po kayo." Sabay ngiti ko kay mama. "Wag na 'nak, kaya ko na 'to mas maganda kung manood ka nalang muna sa sala at hintayin mokong matapos dito." Wala nakong nagawa sa sinabi ni mama kaya pumayag nako.
Pumunta ako ng sala at lumapit ako sa mga picture frame namin ni kuya na yung graduated kami mula kinder, elementary at hanggang sa secondary at 'yung recognition namin. Nakakaproud makita ang mga medalya na nakasabit sa mga picture frame namin at ang mga certificate at diploma. Marami rin na achieved si kuya, pero hindi katulad sakin na naging valedictorian mula secondary.
"Princess." Napatingin ako kay kuya at nakita kong pababa siya sa hagdan. Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko.
"What's wrong?" Agad niyang tanong sakin, nanggilid agad ang luha ko. Iniisip ko pa lang na lalayo na si kuya ay parang kulang na ako.
"Mamimiss lang kita kuya." Sambit ko at tumulo na ang luha ko kaya agad ko 'yon pinunasan. Lumapit si kuya at niyakap ako habang hinaplos ang buhok ko.
"Shh. Tahan na princess, matagal pa naman 'yon. Don't worry babalik din naman ako ng pinas." Kumalas ako ng yakap kay kuya at tumango.
"Kain na!" Sigaw ng nasa kusina kaya inayos ko na ang sarili ko, inalis ko ang mga luha sa mata ko.
Mamimiss ko lang talaga si kuya, hindi ko yata alam kung anong gagawin ko pag wala si kuya sa tabi ko.
--
Matapos ang ilan oras namin na pagdradrama namin ni kuya sa baba ay nagbihis nako dahil may pasok pa ako ng twelve pm hanggang six pm ng hapon.
May sarili na akong driver hindi na si kuya ang naghahatid sakin dahil iba na ang schedule niya sa schedule ko, hindi na katulad nung high school kami na siya lagi ang naghahatid sakin since second year.
Bumaba ako sa st. gerald, namiss ko ang st. mathew parang gusto kong bumisita ulit doon, marami akong naging alaala sa school na 'yon.
Mabilis akong naglakad papuntang kwarto namin pero may napansin ako na umiiyak, at nakita ko na si jiro 'yon. Anong nangyari? Lumapit ako sakanya at hinawakan ang braso niya.
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]