Chapter 34

37 2 0
                                    

Namumula akong humiwalay sa pagkakahalik kay clarence dahil may pumasok bigla, nakita ko ang mukha ni clarence na parang namumula.. sa hiya o galit?

"Fuck you velasco!" Sigaw nya, narinig ko ang pagtawa ni carlo.

"Get a room please. Maawa kayo gym 'to!" Humahagikgik na sambit ni carlo.

Hindi ako makatingin dahil sa hiya, napapayuko ako dahil hindi ako sanay na nakikita nila kaming naghahalikan, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa hiya.

"Damn you! Get out!" Sigaw ulit ni clarence kita kong napahawak na sya sakin, nag middle finger si carlo kay clarence.

"Get out my ass..Lul.." Aniya at mabilis na umalis.

Humarap sakin si clarence at kita ko na nawala ang pula sa mukha nya napalitan 'yong ng ngisi.

"Face me wifey.." Parang nang aasar pa ang boses nya kaya tinulak ko sya ng mahina at narinig ko ang sexy nyang tawa, damn this guy!

"Clarence..." Mabilis na lumapat ang labi nya sa labi ko, "Stop calling me by my name.." Aniya hindi tinitigil ang paghahalik nya sakin.

"Hubby..." Banggit ko.. Tinignan nya ako mata sa mata. Kitang kita ko ang diamond earring na nasa kaliwang tainga nya.

"I love you.." Sasagot pa sana ako pero bigla na naman nya akong hinalikan. "Sobra sobra..." Sambit sa gitna ng halikan namin.

"I love--"

"Oopss, dipa tapos!" Kita namin ang ngisi ni carlo, habang tumatawa na nakahawak sa tiyan.

"Putangina mo, velasco!"




**
Kinabukasan ay pagod na pagod ako sa paglalakad dahil inuutusan akong ibigay ang mga papers sa office.

Kabukas ko ng office ay nakita si tita marie na nasa pwesto nya at palipat lipat ang tingin sa papers at calculator habang may hawak na ballpen.

"Tita marie.." Bigkas ko ng pangalan nya, nagulat ko yata sya kasi napatalon sya sa kinauupuan nya.

"Oh, coleen? Bakit?" Tanong nya at binitiwan nya ang kanyang ballpen na hawak hawak.

"Pinabibigay po ni sir gelo, naka signed na daw po lahat 'yan, pag may tanong daw po kaya just call him." Tumango sya at nilapag ko ang mga papers sa mesa nya at inusog nya ang mga papel na nakakalat sa mesa nya kanina.

"Osige, I'll check them." Tumango ako at ngumiti, "Salamat po." At lumabas na ako ng office, 'yung lamig ng office at kwarto namin ay doble yata dahil sobrang nakakaginaw sa office.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad at nakita kong si clarence ang nagtext.

Hubby:

Where are you wifey? Diretso ka na lang sa gym.

Hindi na ako nag abalang sumagot bagkus nagdiretso akong pumunta sa gym gamit ang shortcut na daan buti na lang at hindi nakalock ang gate madalas kasing nakalock 'to pag wala si manong pero salamat naman kahit wala sya ay nakabukas pa rin.

Pumasok ako at lumabas ako sa may tambayan na nila nakita ko na nagtatawanan pa sila kaya nagtuloy tuloy na lang ako.

Umupo ako sa tabi ni clarence na ngayon ay parang pinagsuklaban ng langit at lupa ang itsura nya kaya kumunot ang noo ko.

"What's wrong..." tanong ko na bigla nya akong tinignan, kinapa nya ang bulsa nya at nilabas ang panyo at pinunasan ang pawis sa noo ko at leeg.

"Saan ka galing? Bat pawis na pawis ka?" Umayos muna ako ng upo bago sya sagutin.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon