Cellphone
--Nagulat ako sa pagdating ni clarence pero agad din siyang umalis, anong meron dun? Parang ang weird niya ah. Napatingin ako sa mesa niya at nakita ko dun ang cellphone niya.
Teka? Nakalimutan niya ang cellphone niya, ibibigay ko nalang mamaya wala naman mawawala diba?
Dumating ang prof. namin at pinass ko ang pinagawa niya sakin, after one hour ay pinalabas na rin kami agad kong hinanap si clarence para ibalik ang cellphone niya pero hindi ko siya nakita.
Pumunta muna akong locker, ang locker namin ngayon dito ay may susi at padlock na para maiwasan ko ang nangyari samin dati.
Napaupo ako sa hagdan at nilabas ang cellphone ni clarence sa bag ko, binuksan ko ang cellphone niya, lumingon lingon pa ako baka nandiyan lang siya sa tabi at makita niya ang ginagawa ko sa cellphone niya.
Bumungad sakin ang lockscreen niya kinagulat ko, nakalagay dun ay 'wifey'.. Walang password ang phone niya ngayon pero dati meron, talagang niloloko niya lang ako dati.
Katapos kong i swipe ang phone niya ay bumungad sakin ang wallpaper niya na kaming dalawa, 'yung nakaback hug, 'yung nakakiss ako sa pisngi niya, 'yung nakadikit ang noo naman at iba pang pose namin. Nagulat ako sa nakita ko, bakit kaming dalawa pa rin ang wallpaper niya?
Sinunod ko ang gallery niya at nakita kong iba iba ang albums nito, pero nakita kong puro picture ko at picture niya.
Mas nagulat ako nung nakita ko ang mga stolen shots ko, 'yung kausap ko nun si bestie totoo ngang nagflash ang cellphone niya, totoo nga lahat ng picture ko dito.
Bakit hindi niya pa rin dinedelete? Pumunta ako sa may videos niya at nakita ko ang mga videos namin, nakavideo pala kami? Ang dami kong nalaman ngayon.
In'open ko ang isang video at bumungad sa'akin 'yun first monthsary namin, 'yung mga ginawa namin. Kung saan kami nangako na walang bibitaw, na lalaban kaming pareho.
Naramdaman ko ang luha sa gilid ng mata ko, naiiyak ako kasi nakikita ko 'yung mga saya ng mata ko dati na hindi mo na makikita ngayon. Sinunod ko 'yung isang video at nakita ko 'yung time na naglalakad ako sa school, teka? Bakit hindi ko alam lahat ng 'to?
Anong ibig sabihin nito clarence? Ipaintindi mo naman sakin. Sinunod ko ang video niya nakita ko pang medyo namamaga ang mga mata niya parang galing sa pag iyak at ang lalim ng mga eyebags niya.
"Wifey sorry ang pangit ko dito." Inayos niya ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri at ngumiti sa camera pero kita mo sa mga mata niya ang lungkot.
"Wifey, mahal na mahal kita. Maniwala ka man o hindi pero mahal talaga kita, hindi kita iniwan dahil hindi na kita mahal ang totoo niyan mahal na mahal pa rin kita." Napatakip ako sa bibig ko. Totoo ba lahat 'tong napapanood ko?
"Maniniwala ka ba kaya wifey kung sabihin ko sayong may dahilan lahat ng 'to?" Hindi ko talaga siya maintindihan masyadong komplikado lahat.
"Ganito nalang wifey.. natatandaan mo pa ba 'yung mga pangako natin sa isa't isa? 'Yung sinabi kong walang bibitaw.." kita kong napatigil siya sa pag sasalita at pinunasan ang mga luha niya.
"Damn, Im crying wifey but Im not a gay. Im hurt wifey.. Really.." At doon tumulo ang mga luha ko, kahit hindi pa rin magsink lahat sa utak ko ang mga nasa videos at ang mga pictures ay naiiyak ako.
"I love you so much wifey, malalaman mo din lahat. Malilinaw din ang lahat sayo sana 'yun 'yung panahon na hindi pa huli ang lahat." At biglang nawala ang video. Napahawak ako sa dibdib ko habang hawak hawak ang cellphone niya.
Sinunod ko ang last na video na nandito, medyo maayos siya dito kumpara sa una.
"Wifey, pagkakanta kita ah?" Aniya at inayos ang suot niyang polo at nagsimulang mag strum ng gitara.
I never dream
'Cause I always thought that
dreaming was for kids
Just a childish thing...
Naiyak ako sa kinanta niya, ito 'yung kinanta ko sa st. mathew. Nakangiti siya sa video pero nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.
And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game...
Ang ganda ganda ng boses niya kahit medyo nanginginig na dahil sa pag iyak niya.
Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow
more everydayI love you more each day..
Pinunasan ko ang mga luha ko pero makulit sila at nagpatuloy sa pag agos ng mga luha ko hanggang sa may narinig akong isang familiar na boses. Pinikit ko ang mga mata ko at mabilis na pinunasan ang mga luha ko at hinarap siya tumayo din ako sa hagdan.
"Coleen?" Pagtawag niya sa pangalan ko, nakita kong kasama niya mga barkada niya mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.
Hindi niya dapat ako nakikitang umiiyak, at ayokong malaman niya na pinakealaman ko ang cellphone niya.
"Ahm.. nakalimutan mo sa room kanina. Bye." At bago ako makatalikod ay tumulo ang luha ko at alam kong nakita nila 'yon, agad akong tumalikod at tumakbo palayo sakanila.
--
CLARENCE.
"Wala na dito si coleen, nasan kaya 'yon?" Tanong ko kay michael.
"Malay ko, baka kayo ang mag kaklase." Pilosopo niyang sagot, sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Baka naman umalis na?" Ani carlo at tumango naman sila cedrick at jiro.
"Baka nga.." sambit nilang pareho, hindi namin kasama si tristan ngayon dahil may pupuntahan daw siya.
"Teka si coleen 'yun diba?" Tanong ni michael at nakaturo sa may hagdan, nagulat ako na siya nga 'yon.
"Anong ginagawa niya diyan?" Nagtatakang tanong ni cedrick. "Shh. Wag kayong maingay." Mas lalo kaming lumapit 'yung hindi niya kami makikita.Nakita kong tumulo ang nga luha niya, ano kayang nangyari nakayuko lang siya.
"Lapitan kaya natin?" Ani carlo at sumang ayon naman ang dalawa.
"Oo nga, wala naman mawawala." Ani cedrick, at nagsimulang maglakad patungo kay coleen.
"Coleen.." bigkas ko ng pangalan niya nakita kong nagulat siya at mabilis na pinunasan ang nga luha niya. Tumayo siya at pumunta sa harap ko.
"Ahm.. nakalimutan mo sa room kanina. Bye." At bago siya tumalikod ay tumulo na naman ang mga luha niya pero tumakbo na siya ng mabilis.
Nagulat ang mga kaibigan ko sa ginawa ni coleen, binalik niya ang cellphone ko at umiiyak siya, ibig sabihin ba ay alam niya na lahat? Nakita niya na ang mga nandito?
"Pre ano 'yon?" Walang ideang tanong ni jiro. Nagkibit balikat lang ako.
Alam na ni coleen lahat ng nandito, ang tanong ko lang sa sarili kung maniniwala pa ba siya sakin? Binuksan ko ang phone ko at bumungad sakin ang video ko nung kumanta ako, totoo ngang nabasa at nakita niya na lahat.
Sa kabila ba ng nakita mo wifey, babalik ka pa ba sakin?
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romantizm#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]