(A/N: No coleen and clarence moments here.)
-
TYLER.
Habang tinutupi ko ang diyaryo napatingin ako sa cellphone ko na ilan beses ng tumutunog kaya kinuha ko 'to para tignan kung sino ang tumatawag, Nanliit ang tingin ko ng makita ko ang batch mate ko na nangungulit sakin na pansinin ko sya. I don't know kung kanino nya nakuha number ko. Magpapalit na lang siguro ako ng number, I don't like her, She's annoying and irritating.
Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para magpalit na ng damit dahil may pasok pa ako ng alas nuwebe ng umaga at uwi pa namin ay alas quatro y' mediya, Mabilis akong nagpalit ng damit at nagsapatos na.
Bumaba ako at nadatnan ko don si coleen na nakaupo sa sala, alas dose pa pala pasok nya, mabilis akong pumunta sa direksyon nya.
"Morning pinsan." Bati nya sakin at ngumiti, maganda ang pinsan ko sobra kaya walang hinala na mag pinsan nga kami.
"Morning.." I said then I kissed her forehead. "Oh, nagluto ako kumain ka muna kaya?" Tanong nya at patayo na sana pero pinigilan ko.
"I can manage." I said, tumango lang sya kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain.
Mabait ang mga pinsan kong babae, magaganda sila parang artista na ang itsura, sobrang puti, si coleen lang ya'ta ang morena sa kanila. Mahal na mahal namin ang mga pinsan naming babae, oo gago kami pero ayaw namin nakikita silang nasasaktan, dahil kahit saan lupalop kapa magtago oras na saktan mo isa sa kanila di kami magdadalawang isip na saktan ka.
Natapos akong kumain at kinuha ko na ang susi na nasa bulsa ko para pumunta ng school, Bago ako makalabas ay nakita ko si xyrile na umiinom ng kape sa may duyan sa garden. Napatingin sya sakin at sumenyas kaya dali dali akong pumunta sa parking namin para kunin ang sasakyan ko.
Hininto ko ang sasakyan sa parking lot ng school, I don't want to be famous like this, kababa ko pa lang ng sasakyan ay pinagtititigan nako, sa halip na pansinin ko sila ay umirap lang ako padabog na sinara ang pinto ng kotse ko. Rude? Di nyoko masisisi, ayoko lang talaga na ganon ang tingin nila sakin.
Ginamit ko ang hagdan sa may side para makapunta sa third floor dahil nandon ang kwarto namin pero bago ako makatapak ng isang step sa hagdan ay may tumawag na sakin. Damn.
"Tyler babe!" Hindi ko sya liningon at nagmadali akong umakyat akala ko hindi nya ako susundan pero narinig ko ang mga footsteps nya sa hagdan kaya mas binilisan ko ang lakad ko.
Pero nahawakan nya ang braso ko, Damn it. Pumikit ako ng mariin para makalma ang sarili ko, hindi ko kayang manakit ng babae dahil may mga babae akong pinsan, kung lalaki lang siguro 'to, kanina ko pa sya nasuntok at nakagapos na sa sahig.
"Tyler babe, hihi.." Malambing nyang tawag sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon.
"Stop following me miss, you're annoying." Akala ko sa sinabi ko ay aalis siya pero hindi pumunta sya sa harap ko.
Nakita ko ang pagnguso nya, eye level ko lang sya, matangos ilong, mahabang buhok na hanggang baywang na may curly sa baba na malalaki, nakapowder lang sya at lipstick but damn it.
"Wag mo naman akong talikuran..." Nakatunganga pa rin ako sa itsura nya parang na magnet ang paa ko dito.
"Sabi ko na nga ba di moko matitiis e, hihi.. eto nga pala babe, para sayo.. Sorry medyo sunog ako kasi nagbake.." Napayuko sya habang nilalahad sakin ang nasa kulay pula na box na medyo malaki ang cake.
Hindi naman ako ganon kabastos para tanggihan kaya kinuha ko.
"Wag mo na akong pagluto sa susunod. Tigilan mo na ako miss." Sambit ko at nagsimulang maglakad.
Nadaanan ko pa ang locker ko kaya binuksan ko 'yun at nilagay ang cake doon, ayokong nakikita nilang may tinatanggap ako dahil mas lalo nila akong pagkakaguluhan.
Tatalikod na sana ako at aalis pero nakita ko syang nakangiti sakin pero namumuo ang mga luha nya.
"Alam mo hindi ko susundin ang gusto mo, hindi ko kayang gawin na iwan ka at kalimutan o tigilan ka. Kasi naging parte ka ng buhay ko..." Nakita ko kung paano tumulo ng tuloy tuloy ang kanyang mga luha, umiwas ako ng tingin dahil may something sa puso ko na gusto ko syang yakapin.
"Pero kung 'yun ang gusto mo.... kahit mahirap, masakit kakayanin ko para sa ikaliligaya mo..." Tumawa sya ng mahina at pinunasan ang luha nya sa likod ng kanyang palad.
"Sorry sa paghahabol ko sa'yo ah? Hayaan mo last na 'to, sana maging masaya kana..." Napatulala ako habang tumalikod sya sakin.
Sa sobrang tulala ko hindi ko namamalayan na may mga luha na pa lang tumulo sa mga mata ko.
*
XYRILE.
Nagmamaneho ako papunta pauwi ng bahay pero napadaan ako sa isang masikip na daan kaya naman mabagal ang usad ng mga sasakyan, bat kasi ako napunta dito?
Mabilis kong pinindot gamit ang palad ko ang busina, nagka ingay dahil sa pagbubusina ng mga sasakyan, napatingin ako sa may gilid gilid ng kanto at meron mga nagtitindang karne, gulay at mga prutas. Dahil sa bagal ng usad ay sinindi ko na lang ang stereo at nilakasan dahil naririnig mo ang ingay sa labas.
Nakita kong umabante na ang nasa harap ko akala ko ay titigil pa pero biglang nagtuloy tuloy na kaya mabilis kong ginalaw ang makina at mabilis na nagpatakbo.
Sa gitna ng pagpapatakbo ko ay nakita akong babae na pinagkakaguluhan sa may sulok, parang may hinihinga sakanya, hindi ko alam kung holdap 'yun pero ang lakas ng loob? Sa labas pa talaga siya nag holdap sabagay madalang lang dumadaan na sasakyan dito papunta samin dahil isang subdivision ang amin bahay.
Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang tabi at mabilis na bumaba.
"Hoy!" Sigaw ko sa lalaki, bago pa syang makalingon ay sinuntok ko na sya agad syang napatumba, hinawakan ko ang kwelyo nya at tinaas, sinuntok ko ulit sya ng isa pang beses.
"Ang lakas ng loob mong saktan sya dito pa sa mga may dumadaan na sasakyan, Are you fucking idiot?" Malakas at mariin kong sambit sakanya.
"Oy ano 'yan?" Sigaw ng pulis na dumating dito, agad kong binitiwan ang lalaking putok na ang labi.
"S...sya po... Kinukuha nya po... kinukuha nya po bag ko..." Pagpapaliwanag nung babae, agad na pinosasan ng dalawang pulis ang lalaki at sinakay sa mobil nila.
Nilingon ko ang babae, "Miss okay ka lang?" Tanong ko, mabilis syang tumango sakin.
"Maraming salamat kuya, utang ko po sainyo ang buhay ko.." Aniya at parang nanginginig pa ang katawan.
"Bat ka ba nandito?" Tanong ko, "Pauwi na po ako, wala akong pamasahe sakto lang po papunta samin, lalakarin ko po sana ang terminal." Pagpapaliwanag nya, Tinignan ko sya at nakita ko ang maamo nyang mukha.
"Hatid na kita sainyo?" Nanlaki ang mata nya at mabilis na umiling, "Wag na po.. nakakahiya..." Humakbang ako papalapit sakanya at hinila sya papasok sa kotse ko.
"Saan ka nakatira?" Tanong ko ng nasa loob na siya ng kotse..
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan matapos nyang sabihin ang kanyang address, huminto kami sa isang bahay na rectangle ang pagkakagawa.
Binuksan nya ang pinto pero bago sya bumaba ay lumingon muna sya sakin.
"Marami talagang salamat." Ngumiti ako sakanya at tumango.
Kasarado niya ng pinto ay mabilis kong drinive ang kotse ko, nag red ang stop lights at napatingin ako sa upuan nya kanina napansin kong may naiwan syang kwintas na may pangalan...
'Rowella'
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]