Flashback
--
Nakatulala lang ako sa garden, hindi ko na nakita si aris dahil nakalayo na siya sa kinaroroonan ko.
Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita parang walang gustong lumabas sa bibig ko na kahit anong salita.
"Coleen?" Hindi ko napansin na may tumatawag sakin, Nilingon ko ng dahan dahan 'yung tumawag sakin at nakita kong isang babae ang nakita ko.
Hindi siya pamilyar sakin, dito ba siya nag aaral bat parang hindi ko siya nakikita? Baka transferee?
"Hi?" Patanong kong sabi, nakita kong ngumiti siya, ang ganda niya,sobrang puti at kulot pa ang buhok pero sa dulo lang, mukha siyang barbie.
"Kilala moko?" Dugtong ko, mabilis siyang tumango at umupo sa tapat ko.
"Kaibigan ka ni aris diba?" Nagulat ako sa tanong niya kaya natawa naman siya ng konti. "How.. did you know?" Nauutal kong tanong sakanya.
Nagkibit balikat lang siya at ngumiti na naman siya sakin, ang weird niya ah. "Kababata ko si aris." Aniya kaya doon ako mas lalong nagulat.
"Magkaibigan na kami simula bata pa lang, hindi kami nagkakahiwalay kasama ko siya hanggang pagtanda..." Nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ito ng kalungkutan.
Childhood friend? As in kababata?
"Muntikan lang kaming maghiwalay noon maghi'high school na kami kasi sa manila siya mag aaral, sa bouldrige academy at walang wala kami noon pero sa tulong niya hanggang ngayon kasama ko pa siya.." Ngumiti siya pero binawi niya rin agad.
Nakikinig lang ako sakanya, nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya.
"Alam mo, wala pang nagiging girlfriend si aris..." Na'kwento nga sakin ni aris na ayaw niya munang mag girlfriend dahil may hinihintay daw siya.
"Never ko pa siyang nakitang nainlove, never ko pa siyang nakitang umiiyak, malakas siya coleen.. pero nalang kapag pinapagalitan siya ng mga parents niya.." Ito 'yon, ito 'yung nangyari noon sa'amin.
"Lagi na siyang naglalasing non, lagi na siyang nakikipagbasag ng ulo, tapos naging casanova din siya noon dahil sa mga parents niya..." Doon ko napansin may namumuong luha sa mga mata niya.
Sino ba 'to? Kilalang kilala niya si aris. Hindi naman nakwento sakin ni aris na may kababata siya.
"Katapos non, bago siya grumaduate ay nagbago na siya, naging mas maloko siya, hindi na siya madalas umuuwi ng bahay, ang sabi nila nagpupunta daw ng hotel at nagdadala.. nagdadala ng... babae sa condo niya.." Nakita kong tumulo na ang mga luha niya. Habang ako ay nagulat, hindi ko alam na ganon si aris dati.
"Hindi ko alam pero mula ng pumupunta na siya ng st. mathew ay nagbago na siya, nung una sabi niya sakin ay may gusto daw siyang pagtripan sa st. mathew, kahit nga ako nakuha niya pang saktan noon e." Mas nagulat ako sa sinabi niya, ngumiti lang siya sa kawalan siguro ay naaalala niya si aris.
"Pero bigla siyang nagbago, hindi na siya 'yong dating barumbado, nananakit ng babae, umiinom at nag uuwi ng babae sa condo niya, lagi nalang siyang pumupunta ng st. mathew, hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon pero kapag uuwi siya ay lagi siyang nakangiti."
"Nung nabaril siya, hindi ko alam kung ano ang dahilan pero 'yung pinsan niya... si clarence, sinabi lahat sakin ng nangyari.. Sinabi niya na gusto niyang gumanti sa pinsan niya at mas masaklap pa doon ay may gusto siyang babae sa st. mathew..." Pinunasan niya ang mga luha at humarap sakin.
"Lumipas ang mga araw, tuluyan na talaga siyang nagbago, naging mag girlfriend at boyfriend din kami.. Nung nagpunta tayong enchanted kingdom, lagi siyang tumitingin sa paligid.. hindi ko siya maintindihan pero hinayaan ko nalang, sinubukan ko siyang lambingin pero parang wala siya sa sarili niya..."
"Nagsimula na akong magtaka, nung tumingin siya sa paligid ay nakitingin na din ako, at nakita kita kasama boyfriend mo.. Tatalikod na sana si aris noon ay nakita kong may luhang pumatak sa mga mata niya..."
"Nalaman ko na ikaw pala ang babaeng gusto niya.. ang sakit lang, akala ko noon mahal niya talaga ako.. pero ginawa niya lang akong rebound para mawala pagmamahal niya sayo pero wala e, mas lalo siyang nahulog sayo.."
Lahat ng sinabi niya ay ngayon lang nag sink sa utak ko, gulat na gulat ako dahil ito 'yung girlfriend ni aris nun pumunta kaming EK.. Siya si... Venice? Oo venice racquel..
"Sa kabila noon dahil mahal ko siya ay nagawa ko siyang patawarin, nagawa ko pa rin na lapitan siya kahit ginamit niya lang ako, kinaibigan ko pa rin siya dahil... mahal ko siya..." Napatakip ako ng bibig ko dahil sa sinabi niya, kita ko ang sakit sa mga mata niya..
"Ngayon nakita kong papunta siya dito kaya sinundan ko siya, nagtago ako.. Narinig ko lahat ng napag usapan nyo, narinig ko lahat kung gaano siya nasasaktan sa bawat pagsalita niya..."
"At ngayon ko na naman ulit siya nakitang umiyak, panigurado akong marami na naman 'yon sugat sa kamay.... Hindi kita masisisi coleen.." Ngumiti siya sakin kahit alam kong nasasaktan din siya para kay aris.
"Ngayon lang nagmahal si aris ng sobra sobra, parang mas mahal ka pa nga niya kesa sa sarili niya e..."
"Hindi ko maintindihan, akong nandyan sa tabi niya, akong kasama niya buhat pagkabata hanggang paglaki, ako 'yong laging tumutulong sakanya pero bakit hindi niya ako minahal? Bakit ikaw pa na wala pa yatang ilan araw ay minahal ka na niya.." Natawa siya sa sinabi niya, tumingin lang siya sa langit para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya.
"Don't worry coleen, akong bahala sakanya..Gusto ko lang makatulong.. Wag mong mamasamahin ang sasabihin ko a?" Mabilis akong tumango sakanya, hinawakan niya ang mga kamay ko and she smile, a weak smile..
"Lahat tayo nagkakamali coleen, minsan nga sobra sobra na ang nagagawa nilang pagkakamali pero pinapatawad pa rin sila, dahil lahat ng tao deserved ang second chance..."
"Hindi sa nangingialam ako pero sana bigyan mo ng pangalawang pagkakataon si clarence dahil parang ako lang siya, mahal na mahal ka niya.. Hindi niya ginusto ang ginawa niya sayo.."
"By the way, thankyou sa pakikinig sakin.. Im Venice Racquel. Nice to meet you.." At ngumiti siya, tumayo siya at inayos ang damit niya.
"Aalis nako ah?" Tanong niya, mabilis akong tumango sakanya at umalis na siya.
Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya, lahat ng tao deserved ang second chance... Nagkamali lang si clarence..
Siya na ba ang binigay nyong sign sakin? Dahil kung oo, nagpapasalamat ako dahil nalaman ko na lahat lahat ng nakaraan ni aris at ang second chance kay clarence.
Ito na ba ang tamang panahon para bigyan ng pangalawang pagkakataon si clarence at alisin na ang sakit na nararamdaman ko sakanya? Magsisimula na ba ako ulit kasama siya?
Isa pang sign lord, bibigyan ko na siya ng second chance...

BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]