Chapter 24

55 2 0
                                    

Right decision

-

Nakatingin lang ako sa salamin habang tinitignan ang suot kong cocktail dress at nakasuot ako heels na two inches, kinakabahan ako. Okay lang kaya ang itsura ko? Hindi kaya pangit ang ayos ko?

May kumatok sa pintuan ko, huminga ako ng malalim at mabilis na pumunta sa may pinto para buksan 'yon. Nakita ko si tyler na nasa harap.

"Yes?" Sagot ko agad, "Clarence is here." Mabilis akong tumango at tumalikod na siya, mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at nagsimulang bumaba, para akong tangang dalawang segundo bago ako bumaba ng isang step. After kong makababa ay nakita ko siya, napalunok ako dahil sa taglay niyang kagwapuhan.

He's wearing plain t-shirt color black and jeans, nakataas ng konti ang buhok niya dahil sa sobrang titig ko sakanya ay hindi ko na namamalayan nasa harapan na niya pala ako, Jusmee! He smiled, at nginitian ko rin siya.

"Let's go?" He asked me, I nodded my head as my answer, He started to walk and I followed him. Nakapunta kami ng harap ng kotse niya, mabilis niyang pinuntahan ang front seat at binuksan, "Hop in." He said, I hopped in and he closed the door at umikot siya papuntang driver seat.

I really want to shout dahil sa sobrang katahimikan, I want to speak up pero pinipigilan ako ng hininga ko, Hanggang sa makapunta kami ng isang resto, hindi pamilyar sakin 'to, Bago lang ba 'to?

"Pagmamay ari ito namin 'to, bagong bukas lang." He said nang mabuksan niya ang pinto ng front seat, Tumango ako sakanya. "Sasama sana kita dito, kaya lang..."

"Kaya lang? Yeah I know, because of your mom, Its okay clarence, no worries." I said and I sighed. "Sorry.." he said.

"Good evening sir, maam." Bati sa'amin ng guard at isang waiter sa may tabi ng pinto.

Nagdire'diretso nalang kami sa loob, ang ganda ng resto nila, ang lawak sa loob, marami ang tao ah, halos mapuno ang labas sabagay kabubukas e, umupo kami sa isang mesang may dalawang upuan na may sandalan, parang mga lovers ang nandito.

Pinindot niya ang buzzer sa may mesa namin, hangga't wala pang one minute may dumating na waiter. Nagpitik lang siya ng daliri at lumabas na ang tatlong lalaki na may hawak na tray, nagulat naman ako, ang taray talaga ng resto na 'to, tinignan ko ang menu at nakasulat 'Restoller', Nice name.

Binalik ko ang tingin ko sa mesa halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang mga pagkain, "Tayong dalawa lang diyan?" Gulat kong tanong sakanya, He nodded his head.

"Yes.." He said, Napalunok ako sa dami, ayan na naman siya. Pinapataba ba talaga ako nito? Paano nalang pag tumaba ako? Psh.

"Pinapataba mo ba ako?" I asked him at ngumuso ako.. "Hell no, I just want to..." He paused for a while, "To?"

"Gusto ko lang bumawi." Kaya pala ang daming pagkain sa mesa kasi tatlong buwan din kaming hindi kumain ng sabay.

Kumain lang kami ng kumain, hindi ko alam pero parang naubos ko ang kanin na dalawang cup sa plato ko, ang sarap ng mga pagkain grabe!

"Yummy, yummier, Delicious!" I said, nakita kong napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin, "Hehe, sorry.. continue." Nahiya naman ako kaya kinuha ko nalang ang tissue at pinunasan ang bibig ko at mga daliri ko, "Its okay, bytheway, thankyou." I nodded my head to him.

Sa sobrang dami ng kinain ko ay napasandal ako sa upuan at hinawakan ang tiyan ko, "Are you okay?" Tanong niya agad, "Oo naman! Napasobra lang yata sa kain, ang sarap kasi e." And I pouted my lips. He chuckled then I glared at him.

"I see." He said, Nagpahinga muna kami ng mga sampung minuto sa resto bago umalis.

Dinala niya ako kung saan una kaming nag monthsary, kung saan kami nangako, kung saan kami humiling sa shooting star, kung saan niya ako kinantahan. Nakatingin lang ako sa langit habang nakasandal sa may harap ng kotse niya, napabaling ang tingin ko sakanya.

"I remembered our first monthsary.." He said, Naaalala niya rin pala, akala ko ako lang ang nakakaalala, gaya din sakin na nakatingin lang siya sa langit pero nakangiti siya.

"Damn, halos mabaliw ako nung gabing nakipaghiwalay ako sayo, parang ayoko ng imulat ang mga mata ko dahil kagising ko alam kong hindi na kita makakasama." Pinigilan ko ang mga luha ko na nagbabagyang tumulo, ayokong umiyak sa harap niya, mahal ko siya sobra pero hindi ko alam kung ano talagang susundin ko dahil nagtatalo pa ang isip at puso ko.

"Nagpapasalamat ako kay aris na siya ang tumulong sayo, siya 'yung nandyan para sayo, siya ang pumalit sa pwesto ko na dapat ako ang gumagawa." He said, Kita ko ang pagkagat niya ng labi, pinipigilan niya din ang umiyak.

"Ilan beses kong gustong yakapin ka at halikan pero hindi ko magawa dahil wala nakong karapatan sayo, na kahit anong gawin ko hinding hindi ko magagawa dahil wala na tayo." Napakagat ako sa labi ko, naalala ko 'yung mga araw na lagi kaming magkasama, nagyayakapan, pero ngayon nagbago na ang lahat.

"Ngayon alam mo na lahat ng totoo, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito." Aniya at bumaling ng tingin sakin, nakatingin lang ako sakanya na walang emosyon dahil hindi ko alam ang ire'react ko.

"Coleen, will you give me another chance to prove na nagsisisi ako na iniwan kita?" Doon ako napalunok ng ilan beses.

Ito ang pinakaisipan ko buong araw, ano nga ba? Puso o isip? Ang sabi sakin ng pinsan ko na, 'Follow your heart' at si venice na, 'We deserve second chance', ano nga ba ang susundin ko? Ang tamang desisyon? Ang puso ko na sinasabi na balikan siya at ang isip ko na sinasabi na wag dahil baka masaktan ka lang ulit.

Isip: No, coleen. Wag mong kakalimutan na sinaktan ka niya.

Puso: Lahat ng tao nasasaktan, paano ka matututo kung dika masasaktan?

Isip: Pag ikaw nasaktan ulit, iiyak ka na naman.

Puso: Part ng pag ibig ang masaktan na kahit anong gawin mo pagdadaanan mo 'yan.

Isip: Wag mong kakalimutan na pag nasaktan ang puso buong pagkatao mo apektado.

"Coleen?" Napatigil sa pagde' debate ang puso at isip ko ng tawagin niya ako ulit, tinignan ko siya at pinakaisipan ko ang isasagot ko sakanya, ano nga ba? Tama ba kaya itong magiging desisyon ko? Tama bang piliin 'to kahit alam kong masasaktan ako?

"Clarence..." Banggit ko ng pangalan niya, tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya, lumunok ako ng dalawang beses bago ako sumagot.

Tama na siguro itong desisyon ko, para din naman sakin 'to.

"Yes, clarence.. Im giving you a second chance.." Bahala na kung masaktan ako kung alam ko naman na dito ako sasaya, na ang tagal ko na itong hinintay na kahit anong pagkakamali ng tao ay dapat mo pa rin pakinggan ang side niya.

Isip lang ang nagbibigay ng gulo sa desisyon mo dahil siya ang nag iisip nito pero ang puso ang nagsasabi kung ano ang tama mong gagawin, Tama naman na part ng buhay ang masaktan, pero china'challenge ka lang naman ng pagsubok kung hanggang saan nyo kaya.

"Damn, coleen really?!" Gulat na tanong niya, mabilis akong tumango sakanya, nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at inikot. "Ohmygod clarence!" Saway ko sakanya pero kahit ganon alam kong masaya kaming dalawa ngayon.

Ito na ang pinakahihintay kong araw, ang araw na bumalik ang taong mahal ko.

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon