Chapter 39

42 2 0
                                    

Titig na titig ako kay manang at dumulas ang kamay ko sa mga braso nya, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, nakita ko din na naluluha na si manang kaya mabilis akong umiling.

"Totoo ba?"  Tanong ko ulit, sana mali ako ng narinig, sana nabingi na lang ako, nakita kong tumango sya at tumulo ang luha nya.

"Saksi ako sa pagpapalaki sayo master, hindi ko pa alam na nagkaganito ka sa babae pero kay coleen ka naging ganito, hanga ako sa pagmamahal mo sakanya, alam kong mahal na mahal mo sya..." Napapaos na ang boses ni manang, hindi ako makapagsalita parang may bumara sa lalamunan ko.

"Mahal ko ang pamilyang roseller, malaki ang utang na loob ko sa mama mo pero sa tingin ko sa panahon ngayon dapat mo ng ipaglaban ang pag ibig mo.." Nakikinig lang ako kay manang.

Nanggilid ang mga luha ko, tumango ako kay manang at mabilis na umalis sa harap nya, umakyat ako para gumayak ulit, kailangan kong pumasok para puntahan si coleen hindi ko alam kung kaya ko pang pakawalan sya pero hindi ko 'yun gagawin.

 

Im sorry ma, ayokong suwayin ang mga kagustuhan mo but I think I have to.


*

"Anong balak mo?" Bungad na tanong sakin ng mga tropa ko, nandito lahat ng lalaki wala pa rin sila coleen dito ang sabi ko ay libangin muna sya ni aris, oo, pinapunta ko si aris para makapag isip muna ako..

"Hindi ko alam..." Sagot ko habang nakayuko at pinagdru'drum ang mga daliri ko mesa.

"Kanina hinahanap ka ni coleen, kita namin na ilan oras ka pa lang mawalay sakanya hindi na nya kaya, nanghihina sya nung tinanong ka nya samin tapos sasabihin mo, hindi mo alam? Nahihibang ka na ba!?" Alam kong galit sila sakin kasi diko pa alam kung paano ko haharapin si mama.

"Tama si carlo. Clarence, protektahan mo si coleen.. Wag mong hahayaan masaktan na naman sya." Seryoso ang boses ni clark, nakatingin ako ngayon sakanya.

"Wag mo syang igagaya sakin, gusto ko lang gawin mo ngayon paglaban at protektahan mo sya.. Hindi mahirap gawin 'yun.."

"Kung talagang mahal mo si coleen, makakaya mo syang ipaglaban sa mama mo.." Ani michael, seryoso silang lahat.

"Isipin mo na lang ang naging buhay mo nung nawala sya sayo nung una, isipin mo na hindi mo kaya ang mawala sya.." Seryoso rin ang pagkakasabi ni jiro, ngayon si tristan na lang ang hindi nagsasalita kaya tinignan ko sya at tumingin sya sakin na walang emosyon.

"Ipaglaban mo.." yun lang ang nasabi nya, tumahimik ang buong paligid parang may anghel na dumaan dahil sa sobrang tahimik.

"Ayokong mawala si coleen sakin, hindi ko alam kung anong kayang gawin ni mama para samin pero kahit ganon ipaglalaban ko sya ngayon.." Nakita ko na nag apiran ang mga tropa ko.

"Ayos!" Yun lang ang nasabi nila.

Bahala na, palayasin ako samin wala akong pakealam, kunin nila ang lahat pero di ako papayag malayo ako kay coleen, siya na ang buhay ko, mahal ko pa sya higit sa buhay ko, handa kong talikuran ang lahat para sakanya.

"Nakakabingi ang katahimikan nyo, 'di ako sanay." Isang boses ang narinig ko mula sa likod ko.

"Coleen.. hehehe.." Nilakihan ko ng mata si michael kaya napatahimik siya, nilingon ko si coleen at nakita ko ang amo ng mukha nya, 'yung pilikmata nyang mahahaba, 'yung pisngi nyang mamula mula, 'yung labi nyang may pagkapinkish.

"Tititigan mo lang ba ako hubby?" Nagulat ako sa pagsasalita nya ngayon ay nakanguso syang nakatingin sakin.

 

UL2: Until The End[Villamars Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon