"We were half magic, half mystery.
What remains of us now–
are just the ghost memories."
— thetypewriterdaily
Chapter One
After 8 years...
"BUT Mom!!" she screamed.
"No but's Madison Sydney, when I say get your things, you will get your things!" utos ko sa batang babae na hanggang ngayon ay nakakalat pa din ang mga laruan na kanina ko pa ipinaliligpit. Kagabi ko pa naimpake ang gamit nilang magkapatid. All she needs to do is kunin yon sa kwarto niya. Busy naman ako ngayon sa pagiimpake ng mga iba naming gamit at mga pasalubong.
"Hindi mo ba talaga ako susundin?" nagsasalubong na naman ang dalawa kong kilay. Hindi pa din natitinag sa pagkakaupo si Madison. "Matatapakan na naman ng Kuya mo yang mga Lego na yan!"
"I'm ready!"
Lumingon ako at nakita kong nakatayo ang aking 8-year-old son. Abot hanggang tenga ang ngiti niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong itigil ang ginagawa ko at halikan sa pisngi ang panganay ko.
"Hindi ako sasama!" may himig na tampo si Madison.
Binitiwan ko si Landon at nilapitan ko si Madison.
"And can you please tell me why you don't wanna come, young lady?" tanong ko sa kanya habang nakatungo.
"Because I don't want to," sagot niya.
Yeah. She's like that. Kasi ayaw niya, kasi gusto niya. As simple as that. And I'm really not sure kung sa akin ba niya namana ang pagiging matigas ang ulo.
"Whether you like it or not, sasama ka. You know what, hindi ko talaga makita ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa probinsya?"
Bago ko siya tinalikuran, I asked her again na iligpit ang mga gamit niya thru hand gestures. At kung hindi niya pa rin ako susundin, hindi ko na alam ang magagawa ko. Inayos ko na ulit ang mga pasalubong ko kina Mama. Mahaba haba din ang magiging byahe namin kaya kailangan naming umalis ng maaga.
Paglingon ko, wala na si Madison at wala na din ang mga Lego na nakakalat sa sahig. I'm glad that finally, sinunod na niya rin ako.
"Mom, magtatagal ba tayo kina Lola?" tanong ni Landon.
"I don't know. Ayaw mo din bang tumigil sa kanila?" nag-aalala kong tanong.
"Of course not! Excited na nga akong magbakasyon doon. Excited na akong maligo sa beach! And Tito Ian will be there, right?"
Summer ngayon, so I guess nandoon naman siya. Not unless itinuloy niya ang sinasabi niya sa akin na plano niyang magtake ng summer class.
"I think so," sagot ko na lang sa anak ko.
"Yes!" sigaw niya at agad siyang tumakbo. "Madi, what's taking you so long?! Gusto ko ng umalis!" sigaw niya sa pinto ng kwarto ni Madison na nakasara.
Agad namang iniluwa ng pintong iyon si Madison dala dala ang mga gamit niya.
"Gusto mo ng umalis? Tulungan mo kaya akong magdala ng gamit ko?" mataray niyang sabi.
"No way!" sagot ni Landon at tumakbo na siya pabalik sa akin.
I decided na ako na lang ang magdrive pauwi sa probinsya namin. Iniwan ko ang bahay sa aming caretaker. Sa tingin ko, two to three weeks lang naman kaming mawawala. I just need to breathe.
"Madi, do you want to sit beside Mommy?" lambing ko sa bunso ko. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Landon.
"That's my place!" sigaw ni Landon.
"No," tipid na sagot ni Madison. "You can have 'your place' Kuya," walang gana niyang sabi kay Landon.
I just sighed.
"Okaaay. C'mon guys, get in the car," utos ko at agad naman silang sumunod.
Kalahating oras pa lang kaming nasa byahe, nakatulog na agad si Landon na nakaupo sa passenger's seat. While Madison is at the backseat, alone.. and oh well, talking to the phone. I can see her smiling and I can hear her laughing. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho.
Tinulungan ako nina Mama at ni Jam na maibaba ang mga gamit namin. Nahirapan pa nga akong gisingin si Madison na nakatulog na din pala sa byahe. Gising na si Landon ng makarating kami. It's been eight years kaya naman medyo tumanda na din ang Mama ko, but not that much kasi kapiling naman niya si Papa. Si Papa na naiwan sa Manila para mag-asikaso sa kumpanya.
"You know what, you should take a break," he suggested.
"Pero Pa, and Daily Routine?" pag-aalala ko.
"You can leave it to me for a while."
"Thanks Pa, tama ka I think I really need a break."
"Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Jam at binuhat niya si Madison mula sa backseat. Kahit nagising ko na, ipinikit pa ulit niya ang kanyang mata.
"Where is Tito Ian?" tanong ni Landon kay Mama at hawak hawak pa ang kamay niya.
"May binibili lang."
"Dapat sinama niya ako," nanghihinayang na sabi ni Landon.
"Padating na din yon apo, wag kang mag-alala."
Matapos maihiga ni Jam sa kama si Madison, nagpaalam siyang uuwi muna sandali upang dalhin ang mga pasalubong na bigay ko.
"Madami kang utang sa akin, babae ka!" bulong ni Jam sa akin.
"Utang??" pagtataka ko.
"Utang na kwento!"
Pagkasabi niya noon, tuluyan na siyang umalis. Hinayaan ko naman na manood na lang ng TV si Landon.
So there you go, satisfied with my family members?
No?
Did I miss something?
Even if you start reading again from the top, you won't find what you're looking for.
What?
Did I miss someone?
Ah yeah, Ian.
Well, as from my mother, may binibili lang si Ian so I think we didn't miss that one.
Who?
Jam?
You're kidding me right? Kakaalis lang niya.
"Kamusta naman daw si Adam?"
Now you're satisfied.
"I believe he's fine," sagot ko habang inaayos namin ni Mama sa kusina ang mga pagkain na pasalubong ko.
"Hindi ba kayo madalas mag-usap?"
"S-si Madi ang madalas niyang kausap."
And yes, si Adam ang kausap ni Madison sa phone kanina habang nagmamaneho ako.
"Ayokong makialam sa buhay mo at buhay nyo pero kapag nakikita kong naapektuhan na ang mga bata, hindi ko alam ang magagawa ko, naiintindihan mo?
Hindi na lang ako sumagot.
"Sana lang tama ang naging desisyon nyong dalawa. Mahirap ibalik ang nakaraan, hindi mo na mababawi ang mga nasayang na oras. Kahit gaano pa kadami ang pera ng isang tao, hindi niya kayang bilhin ang oras na nawala. Tandaan mo yan, Arkisha."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung sinabi ni Mama yon, pero isa lang ang sigurado ako, wala akong dapat pagsisihan sa mga naging desisyon namin. We both chose this.
We chose to end up this way.
to be continued...
***
Just like the old times, DEDICATIONS will be based on YOUR COMMENTS. So tell me your thoughts for the first chapter and vote. Thanks! :)
~youramnesiagirl
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.