Forty Six

13.9K 258 15
                                    


Chapter Forty Six

Adam's POV

"Congratulations!"

Wow!

So this is how it feels.

Mabuti na lang hindi ko hinayaan na sina Brent at Paris ang sumama ngayon.

Yes. Nakabalik na kami sa Manila. Hindi din kami nagtagal sa probinsya. Kailangan na din naming bumalik sa Manila kasi back-to-school na din ang kambal.

Brent invited us to have lunch sa bahy nila. Nagpunta naman kami kasi maluwag ang schedule naming dalawa. I mean, ni Arkisha. Siya pa rin kasi ang namamahala sa Daily Routine dahil kailangan pa ring magpahinga ng Papa niya.

And me?

Well, I'm a full-time husband and father. Okay. Okay. I know what you're thinking. I'm the husband so I'm the one who is supposed to work and Arkisha should be at home. Well boys and girls, that will happen soon because of a good news.

"I cooked you favorite, Arkisha. Spicy buffalo wings," sabi ni Paris at iniabot ang plato na punong puno ng chicken.

Tinanggap ko ang chicken. The smell is so strong. I can still remember when we were abroad, si Arkisha lang ang umuubos ng buffalo wings kapag umoorder kami. She loves every flavor but her favorite is spicy.

Iaabot ko na ang plate kay Arkisha na katabi ko nang takpan niya ang ilong niya.

"Here's your favorite," abot ko.

"No," sabi niya.

Tiningnan siya ni Paris.

"Diba favorite mo ito?"

"I-I dont't know. I just... I---."

Tumayo siya at nagdiretso sa banyo. Agad ko siyang sinundan. Muntik ko ng basagin yung bowl sa banyo kasi parang close na close na sila ng asawa ko. Parang ang higpit ng yakap niya habang patuloy sa pagduwal.

Hinawi ko ang buhok niya and rub her back. Inalalayan siya sa pagtayo.

"What's wrong?" tanong ko.

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa mata ko. May namumuong luha pa nga sa mga mata niya. Dahil siguro sa pagsusuka niya.

Wait. Hindi kaya?

"Are you??"

She closed her eyes na para bang pagod na pagod.

"I don't know. Pero delayed ako," sagot niya when she opened her eyes.

Lumabas kami ng banyo at lumapit ako kina Brent at Paris. Ibinilin ko na bantayan muna ang kambal kasi kailangan naming magpunta sa hospital.

"Sasama ako," sabi ni Brent.

I pat his shoulder.

"Bro, please this time ibigay mo na sa akin to. Nakakadalawa ka na eh. Palagi na lang ikaw ang nandon kapag sinasabi ng doktor na buntis siya. Pa-experience naman, okay?"

Isang malutong na halakhak ang isinagot ni Brent.

"Are you sure kaya nyo?" tanong ni Paris.

"I got this," sagot ko and we headed to the hospital.

"Congratulations!"

Wow!

"You are pregnant," sabi ng OB ni Arkisha.

Niyakap ko si Arkisha. I swear aalagaan ko sila. I will not let anything bad happen to both of them. Hindi ko na kakayanin kapag may nawala pa ulit.

We shared the good news with Brent and Paris nang daanan namin ang mga bata.

"Really? A baby brother?!"

Nanlaki ang mga mata ni Landon when we told him that his mom is pregnant.

"Errr. We are not yet sure if the baby is a girl or a boy," sagot ni Arkisha.

"Narinig mo ba yon, Madi? Magkakababy na ulit si Mommy mo," sabi Paris kay Madison.

"Is it for real this time?"

May halong lungkot sa tono niya. Nilapitan ko siya at binuhat.

"Why? Aren't you happy, Madi?"

"I am happy but you already told me that I will have a baby brother or sister but--."

Hindi tinapos ni Madi ang sinasabi niya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Oh baby. Please, dont be sad. Mommy and Daddy will make sure everything will be alright and next thing you know katabi mo na si baby sa bed. Don't worry, okay?" I assure her.

Finally she smiled. Bumaba siya at tumakbo papalapit sa Mommy niya. Niyakap niya ito and kissed her tummy.

**

Hindi naman naging maselan ang pagbubuntis ni Arkisha nitong mga nakaraang buwan. I always make sure na nasa tamang oras siya kumakain and she's taking her vitamins.

"Ang laki na niya," sabi ko habang hinahaplos ko ang malaki niyang tiyan.

Nakahiga kami sa kama at mukhang inaantok na siya. Tanghaling tapat pero gusto niya matulog.

Dahan-dahan kong hinahaplos ang kamay ko pataas sa katawan niya. Ipinatong ko ito sa kaliwang dibdib niya.

"Ang laki na nila oh!" sabi ko.

At dahil alam niya ang binabalak ko, hinampas niya ang kamay ko.

"Adam Jacob! Tumigil ka nga!" saway niya.

"Isa lang eh," hirit ko.

Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nagsex. Palagi siyang tulog o di kaya busy sa panonood ng movies. Ipinagpalit na ata niya ako.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Baka uubra. Narinig ko kasi si Brent minsan na kausap si Paris at kinukulit niya tapos bigla niyang itinanong yon. Ayun, tumakas na agad sa inuman at mukhang kumagat ang kapatid ko sa pag-iinarte ni Brent.

"Hindi mo na ba ako mahal?" ulit ko kahit pa magkasalubong na at kilay ni Arkisha.

"Pwede ba Adam Jacob! Hindi mo ba nakikita kung gaano kalaki ang tiyan ko? Hindi ka ba maaawa sa anak mo?"

"Ang anak nating yan, magmamana sa akin yan. Understanding. Kaya maiintindihan niya tsaka okay pa naman daw ah?"

"Tumigil ka. Hintayin mo munang makalabas ang anak mo saka mo ituloy yang binabalak mo sa akin."

Hindi ako mananalo sa labang to.

"Ang damot," bulong ko.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bedside table at sinagot ang tawag ni Venice.

"What?!!!"

Nilapitan ako ni Arkisha at hinawakan ang balikat ko.

"What happened?" tanong niya.

"Okay. Papunta na ako," sabi ko kay Paris and I ended the call. Hinarap ko si Arkisha.

"Si Anika, isinugod sa hospital. I have to go."

"Sasama ako," sabi niya.

"No. Stay here."

"Adam, please. Hindi din ako mapapakali kapag naiwan ako rito sa bahay."

Nagbihis kaming dalawa at dumiretso sa hospital.

...to be continued tomorrow (09/15/2019).

Author's Note:

I added a few chapters sa story nina Adam at Arkisha. I hope you like it. If you're having trouble reading the previous chapters or encountered an error, please delete the story on your library and redownload it. Thank you so much.

~youramnesiagirl

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon