Chapter Thirteen
"Ate, I don't understand. Sabihin mo nga sa akin, do you know her? Do you know Ellaine personally?" sunod sunod ang tanong sa akin ni Ian hanggang papasok na kami ng elavator. Actually kanina pa paulit-ulit ang mga tanong niya mula ng umalis kami sa restaurant.
I crossed my arms habang nakaharap sa pinto ng elavator. Hinahayaan ko lang na magsalita ng magsalita si Ian. I'll just cherish the moment na may alam ako na hindi niya alam. I was trying to suppress the smile in my face but I couldn't hide it.
"Ate naman, please tell me. Do you know—."
The ding of the elevator made Ian stopped from talking. The door opened and I stepped inside at walang nagawa si Ian kundi ang sumunod. Walang nagsasalita sa aming tatlo.
"Hi Ellaine!" bati ko sa babaeng nakasakay ng sa elevator bago pa man kami makasakay ni Ian.
"Good afternoon, Miss Aragon," sagot niya at nginitian niya ako.
I always find this girl really charming lalo na kapag ngumingiti siya. And Ian was right, hazel nga ang kulay ng mga mata nito. How come I didn't notice?
"I'm glad pumasok ka na ngayon. Kamusta ka na?"
Absent kasi siya kahapon kaya nga ako ang nagtrain kay Ian.
"O-okay na po ako, Miss Aragon."
Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa boses ni Ellaine. Kabisadong kabisado ko ang mga ganyang reaksyon. Sus. Ako pa ba?!
Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti and I know kanina pa ako gustong patayin ng kapatid ko for not telling him that Ellaine is working here at my office.
"Oh by the way, Ellaine. I want you to meet my brother, Ian." Bumaling naman ako kay Ian. "Ian, this is Ellaine. Siya ang bunsong anak ni Mr. Carbonel. Just like you, mas pinili niya din na magtrabaho ngayong summer. She is the one who trains the newbies."
Tinapunan ng tingin ni Ellaine si Ian at ngumiti ng pilit. More like nahihiyang ngiti, yung pang first time.
"Don't worry, darling, He doesn't bite. Mabait naman yan, may pagkasuplado nga lang minsan."
And it's official. I know at the back of my brother's mind, nahukay na niya ang paglilibingan ko. But I don't care, minsan lang ako makabawi sa pang-aasar sa kanya. Might as well, lubus-lubusin ko na diba?
At sa wakas, sa sobrang taas ng floor kung nasaan ang office ko, nakarating din kami. Nagpaalam na sa aming dalawa si Ellaine at nagdiretso na ito sa office ng Daddy niya.
"She can't be here!" sabi ni Ian nang makapasok kami sa loob.
"Well, sorry but she's here and there is nothing you can do about it. Every year na niyang ginagawa ang magtrabaho rito tuwing summer, just so you know."
Pabalik balik si Ian sa paglalakad sa loob ng office ko at sa totoo lang ha, nahihilo ako sa ginagawa niya.
"You know what, pinagsisisihan ko na nagkwento pa ako ng tungkol sa kanya. Kung bakit ba naman kasi sa dinami daming babae, eh si Ellaine pa ang naikwento ko sayo! Ate, anong gagawin ko?"
"Umuwi ka na sa probinsya," I suggested.
"No way! Eh di lalo mo akong pinagtawanan."
"Exactly, Ian babae lang yan. Bakit ka ba natatakot sa kanya? Ano ng nangyari sa mga "Da Moves" na itinuro ni Adam sayo noon?" tanong ko na may kahalong tawa.
"Ate, iba si Ellaine. Hindi siya katulad ni Nikki. Ibang iba. Sobrang magkaiba sila. Isa pa, ang awkward kaya nun."
"Bakit? Dahil ba iniisip mo na may gusto pa din siya sayo?"
Humarap ako sa laptop ko and read my emails habang hinihintay kong sumagot si Ian sa tanong ko. Nakadalawang bukas na ako sa mga unread messages ko ay wala pa din sagot si Ian. Inilipat ko ang tingin ko sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya.
"God, Ian. What made you think na until now eh may gusto pa din sayo si Ellaine? Wake up, little brother! Diba sabi ko sa'yo hindi lang si Nikki ang babae sa mundo. Pwes, gusto ko ding malaman mo na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Ellaine is really pretty and charming. Who knows, may boyfriend na pala siya ngayon diba?"
"Tingin mo?"
I'm just not sure kung purong lungkot ang nahimigan ko sa kanya pero alam ko may touch of sadness ang boses niya nang tanungin niya iyon. Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop ko.
"Well, that's just my opinion and besides pakialam mo naman diba?"
"Ang harsh mo, Ate. Nahahawa ka na dun sa isang kapatid ni Kuya Adam, si Paris."
"I'm not being harsh. I'm just being.. ahmm.. being realistic."
"Ah gusto mo pala ng ganyang usapan ha, fine with me."
Umupo si Ian sa isa sa upuan sa harap ng table ko.
"Ano ang gagawin mo kapag may bago na si Kuya Adam?" matapang niyang tanong.
Nawala ang ngiti sa mukha ko. He really knows how to play this game.
"Should I even do something?" cool kong sagot.
"Wala. Wala nga. Kasi kapag nangyari yon, wala ka ng magagawa Ate. Kapag nangyari yon, tapos na tapos na talaga kayong dalawa."
"Pwede ba Ian, akala ko pa naman magaling at matalino ka. Matagal na kaming tapos, okay. Paulit ulit lang tayo eh. Wala ka na bang ibang alam?"
Tinitigan niya ako. Tumunog ang intercom.
"Miss Aragon, your meeting with Mrs. Galvantes starts at 3pm."
"Okay, I'll be there," sagot ko sa secretary ko. Binalingan ko naman si Ian pagkatapos. "Game over, little brother. Next time, choose your cards very very carefully," payo ko sa kanya then I smiled at him. Sinundan niya ako ng tingin hanggang papalabas na ako ng opisina.
"You have to deal with Ellaine because whether you like it or not siya ang magtetrain sayo rito. Yun ay kung gusto mo pang ipagpatuloy ang summer job mo rito," pahabol ko then I left him.
Halos tatlong oras din ang itinagal ng meeting. Medyo nahirapan din kasi akong kumbinsihin si Mrs. Galvantes sa mga kondisyon ko but at the end pumayag din siya. Kasabay ko si Ian pauwi sa bahay. Mamaya ko na siya tatanungin kung ano ang nangyari sa training niya. Inutusan ko kasi si Honey na papuntahin si Ian sa training room kung saan naghihintay na si Ellaine.
Tahimik lang si Ian sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay. Hinayaan ko na lang siya. Pagod din naman kasi ako. Papasok pa lang ako ng bahay ay naririnig ko na ang sigaw ni Madison at tawa ni Landon. Nawala tuloy ang pagod ko at napalitan ng ngiti.
Pagpasok ko ay may nakita akong malalaking bag na nakalagay sa sala.
"Manang kaninong--?" naputol ang pagsasalita ko nang makita ko si Adam na karga si Madison habang tawa ng tawa ang huli.
"Mommy!" bumaba si Madison at sinalubong ako ng yakap. Hinalikan ko naman siya sa pisngi.
"Look o, dinala na ni Daddy ang mga damit niya rito. Dito na ulit siya titira!" masayang kwento ng bunso ko.
Tinitigan ko si Adam. Inutusan ko si Ian na dalhin muna sa itaas ang kambal.
"Adam, anong ibig sabihin nito? Akala ko ba malinaw na sa ating dalawa ang lahat?"
"Masyado kang matigas, Arkisha. Maaaring hiwalay na tayo pero sa mata ng batas mag-asawa pa din tayo kaya ibig sabihin conjugal property pa din natin ang bahay na ito. Titira ako rito kung gusto ko." Unti unti siyang lumapit sa akin. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan pa niya ang mga braso ko. "Don't worry I won't sleep in your bed, unless you want me to."
I can still feel his breath kahit wala na siya sa harapan ko ngayon matapos niyang bitiwan ang mga salitang yon. I can still feel his hands on my arms. I need to call my lawyer. Conjugal property niyang mukha niya! Adam Jacob Castrences, kung hindi pa kita kilala!
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.