Sixteen

42.8K 975 35
                                    

Chapter Sixteen

VENICE'S POV

"You can't," sagot ko kay Paris.

Oh God, she won't stop. She will do anything para lang magbalikan sina Adam at Arkisha kahit na alam kong most of the time ay hindi niya ipinapakita na hindi na siya affected.

"There will always a way. I will find a way," pilit niya.

"Matanda na silang dalawa para magdesisyon sa mga sarili nila. Nagbreak sila at desisyon nilang dalawa yon. They should be responsible enough for their decisions and it's been two years. I think okay naman si Arkisha--."

"But Adam is not okay."

I can't argue with that one. I somehow find that true. Akala ko hindi niya napapansin. Akala ko ako lang ang nakakapansin.

"He'll be okay."

"Sabagay, nasa bahay na siya nina Arkisha. He will be okay there. He will be okay when his kids are around. He will be more okay if Arkisha--."

"Enough, Paris. Pansamantala lang ang pagpayag ko na tumira ulit si Adam kina Arkisha. I know this is hard for Arkisha's part. She's trying to move on for Pete's sake and how will she be able to move on if Adam is around?"

Nilapitan ako ni Paris sa table ko.

"Wait, wait, wait. Akala ko pa naman pumayag ka na tumira si Adam kina Arkisha para magkabalikan sila? Why are you talking about moving on? Who the hell should move on?!"

Ramdam na ramdam ko ang irate sa boses ni Paris.

"Ikaw sana," sagot ko.

Ipa-ban ko na kaya si Paris sa opisina ko? Teka, nasaan ba ang asawa nito at maipasundo na? Ang ingay eh.

"You're ridiculous, Venice!"

"Paris, noon pa man hobby ko na talaga ang turuan ng leksyon si Adam kaya ginagawa ko lang ang part ko. Now what I need is your cooperation, okay?"

She crossed her arms.

"No. Ayoko ng way mo. Tinotorture mo ang bunso natin. Naaalala mo pa ba noong halos maubos ang pera natin para lang ipahanap si Arkisha, yun pala itinatago mo lang pala?"

FYI, pera ko naman ata ang mauubos noong mga panahon na iyon.

"I will never ever forget that and do you still remember the result? Adam learned his lessons."

"The hard way," sagot ni Paris.

"Sometimes learning the hard way is the only way people learn."

"Adam had sacrificed and suffered a lot. He doesn't deserve any more pain."

Naiintindihan ko ang point ni Paris. It's just that ako ang hindi niya maintindihan.

"You see, Paris. Adam is the type of person na walang pinapakinggan. He will do what he wants that's why I am giving him what he wants right now."

"You are giving Adam what he wants yet you are letting Arkisha move on with her life?" tanong niya habang naniningkit ang mga mata.

I was just about to answer her question nang biglang pumasok si Adam sa loob ng opisina kasama ang dalawang anak niya. Niyakap kami ng kambal.

"So kailan pa nakapag hire ng tagapag-alaga si Arkisha?" Paris asked sarcastically.

"Dumaan lang ako para pirmahan ang mga dapat kong pirmahan," sagot ni Adam.

"Aalis ka din kaagad?" tanong ko at iniabot ko sa kanya yung mga files na dapat niyang pirmahan.

"Yup! Kukuhanin ko na din ang mga gamit ko rito and then I will spend my whole day with my kids," sagot niya na abot tenga ang ngiti. Umupo sa lap niya si Madison.

"I still can't believe you're doing this, Adam. This is your life. This is what you want," sabi ni Paris.

"Was and wanted," sagot ni Adam. "We have to go," paalam niya at tinawag na niya ang mga bata.

"Really, Venice? Si Adam ba talaga yon?" tanong ni Paris nang makaalis ang mga ito.

"Iyon ang Adam na kilala ko," sagot ko at nginitian ko si Paris.

She nodded and then she smiled too.

"By the way, nagkita kami ni Patrick."

"So it's true then," sagot niya.

"How did you know?"

"We just know."

"We?"

"Nakita ka kasi namin minsan ni Arkisha, noong hindi pa umuuwi si Adam dito. And then I told her na ex mo si Patrick."

So all this time, alam naman pala ni Arkisha na ex ko ang kasama ko noong nakita niya kami ng kapatid niya sa restaurant.

"In other words, pinagtsitsismisan ninyo ako ni Arkisha?"

"Hindi naman pinagtsitsismisan kasi, ang tsismis hindi totoo. Eh totoo naman na nakita namin kayong dalawa so the answer is no. Hindi ka namin pinagtsitsismisan. Napagkwentuhan lang."

"Pinaganda mo pa! Actually, noong nagkita kami ni Patrick eh nakita din namin sina Arkisha at yung kapatid niya."

"So kayo na ulit?"

"Yes."

"Finally! Alam ko naman na ever since eh malaki ang pagmamahal mo dyan kay Patrick. So kelan ang kasal?"

She's right. Patrick is my great love.

"Pinagpaplanuhan pa namin."

"Kailangan mo ng magka-anak, Venice. You are not getting any younger. Dapat magpakasal na kayo next month, or better yet next week."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Oh? Bakit ka tumatawa? Don't tell me papaabutin nyo pa next year? Hindi pwede. Ako mismo mag-aayos ng kasal mo."

Isang malutong na "Fine" ang isinagot ko sa kanya dahil alam ko na hindi siya titigil hangga't di naririnig ang sagot na gusto niya.

"Hi sweetie!"

Great. Finally, dumating din ang asawa niya.

"Hi Venice!" bati sa akin ni Brent.

"Hi," sagot ko.

"Venice is getting married," balita agad ni Paris kay Brent.

"Really? Congratulations! Who is the lucky guy?"

"Yung kinekwento ko sayo," bulong ni Paris dito.

Tinitigan ko si Paris. So hindi lang pala sila ni Arkisha ang nagtsitsismisan saken. What will I do to my twin sister?

"Oh right, I remember," sagot naman ni Brent. "By the way, Paris we have to go. Magkikita pa kami ni Adam."

"Why? Ano namang kalokohan ang gagawin nyong dalawa?" tanong ko.

"Kalokohan? Wala. Good boy kaya kami ni Adam."

"Right. Kaya pala kinasabwat ka niya sa pag-uwi niya rito sa bansa."

"Kasabwat doon at sa marami pang iba," sagot niya habang nakangiti and then umalis na sila ni Paris. 

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon