Twenty

46.5K 845 75
                                    

Chapter Twenty

Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Adam. Hinanap siya ng mga mata ko sa kwarto and I saw him standing in front of the closet. Bihis na bihis siya. Binalot ko ng kumot ang katawan ko sa ginaw na nagmumula sa aircon. Nakidikit pa din sa unan ang amoy niya. Niyakap ko ito.

"Adam, may lakad ka ba?" tanong ko.

Tinapunan naman niya ako ng tingin bago siya sumagot.

"I need to go back to Manila. Your Dad called and nagkaroon ata ng problema with the Chua's."

Hindi na ako sumagot. Pagdating sa usapang Chua at Daily Routine ay sobrang hands on si Adam. In fact, gustong gusto nga niya na siya na lang magpunta sa China instead of Papa pero hindi pumayag si Papa. Ilang taon daw ang hinintay ni Papa para lang makipagdeal sa Mga Chua kaya hindi raw niya papalampasin ang pagkakataong ito.

"Ano naman ang magagawa mo kung babalik ka ngayon sa Manila? It's not as if andito na sa bansa sina Mr. Norberto Chua?" I asked him sarcastically.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako.

Napatayo ako mula sa kama. No way!

"Adam.."

Nagsuot na siya ng sapatos.

"Gusto mo bang sumama na kami sayo ng mga bata?" tanong ko sa kanya. Inayos ko ang necktie niya matapos niyang magsuot ng sapatos. Diretso na kasi siya sa office.

"No," matigas niyang sagot. "We can deal with them. Wala ka naman maitutulong doon, Arkisha."

Tinitigan ko ang mga mata niya. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Look, babe. I didn't mean to offend you. I just don't want you around with the Chua's. Nandito na sila sa bansa. Buong pamilya nila so you better stay here with the kids."

Umupo ako sa kama at inilayo ko ang tingin mula sa kanya. Hindi naman kasi maaari ang gusto niya. Imposible na hindi ko makasalamuha ang mga Chua dahil tinutulungan ko si Papa sa pagpapatakbo ng Daily Routine. Ibinalik ko na ang tingin ko sa kanya.

"One week. After one week, babalik kami sa Manila. After one week, magtatrabaho na ulit ako."

Kinuha niya ang bag niya sa upuan and he started acting like hindi niya ako narinig.

"You know what, I have a better idea," sabi niya at tumabi siya sa kinauupuan ko. Hinawi niya ang buhok ko.

"What?"

"Magresign ka na sa Daily Routine and mag-apply ka na lang bilang secretary ko," bulong niya sa tenga ko.

"Sounds exciting," bulong ko na may halong tawa.

I felt his lips touched my ears down to my neck.

"Magresign ka na next week ha."

Hinawakan ko ang gwapo niyang mukha.

"Don't push your luck Mr. Castrences. The position you're offering is really tempting but I am afraid I will decline it."

"Why?"

"Kung magiging secretary mo ako, malulugi ang mga kumpanya natin. One, wala ng magpapatakbo ng Daily Routine. Nag-aaral pa si Ian at malayo sa kurso na kukunin niya ang pagpapatakbo ng kumpanya. Two, nakakaawa naman kung papaalisin mo ang secretary mo ngayon para lang ipalit ako. Matagal na siya sa kumpanya nyo and she deserves a loyalty award and three, Babe mauuna malugi ang CGC kesa sa Daily Routine kasi kapag kasama mo ako 24/7 ay wala ka ng trabahong magagawa. Sigurado ako lang ng ako ang tatrabahuhin mo."

Lumapad ang ngiti niya at hinalikan ako sa labi.

"Huwag ka na munang umalis," pakiusap ko sa kanya at niyakap ko pa siya sa bewang.

"Babe, I have to."

Tumunog ang cellphone niya at nabasa ko ang pangalan ni Venice.

"See? Kinukulit na ako ng kapatid ko. I really have to go. I love you," paalam niya at hinalikan niya ako sa labi.

Nagpaalam din siya sa mga bata at kina Mama.

"Gusto mo bang pag-usapan natin ang tungkol kay Nikki?" tanong ko kay Ian nang makaalis si Adam.

"Ate, bakit ganun? Matagal na naman kaming tapos ni Nikki pero bakit pakiramdam ko may feelings pa din ako sa kanya? Diba kapag EX na, tapos na? Dapat wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya? Pero bakit nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba?"

"Minahal mo siya noon so there will always be a part of you that will always be in love with her pero dapat alam mo ang limitasyon. Hindi mo pwedeng ikulong ang sarili mo sa parte na yon."

"Eh bakit ikaw, kay Kuya Adam? Mag-ex na kayo noon pero patuloy mo pa din siyang minamahal? Bakit ka nagpakatanga? Bakit hindi ka huminto? Bakit mo ikinulong ang sarili mo sa idea na mahal mo pa din siya kahit wala na kayong dalawa?"

"Kasi choice ko yun. Pinili kong patuloy na mahalin siya noon kahit tapos na kaming dalawa kasi naniwala ako na mapapagod din ako. Mapapagod din akong mahalin siya at kapag pagod na ako, magsasawa ang puso ko. Magsasawa na itong mahalin siya."

"You mean minamahal mo siya pero hindi ka naasa na magkakabalikan kayo?"

"Magiging impokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako umaasa. Syempre umasa ako. Tanga nga eh. Pero ganun talaga. Kakambal ng pagmamahal ang pagiging tanga."

Tumango siya.

"Pero hindi lahat ng mag-ex nagkakabalikan, tandaan mo yan. Kumapit lang ako sa katiting na pag-asa noon dahil sa kabila ng paghihiwalay namin eh hindi naman siya nawala. Palagi pa rin siyang nasa tabi ko. Pero hindi palaging ganun. Katulad ng sa inyo ni Nikki. May bago na siya diba?"

Tumango ulit siya.

"Pero hindi naman ako katulad niya."

"I know what you mean. Hindi mo kailangan maghanap agad ng iba para lang makamove on sa kanya. Walang short cut sa pagmomove on. Maaaring ang gamot sa lumang pag-ibig ay bagong pag-ibig pero huwag naman agad agad."

Ngumiti siya sa akin.

Makalipas nga ang dalawang linggo ay bumalik na din kami ng Manila. Hindi ko na hinayaan na maiwan si Landon sa probinsya. Baka hindi siya maasikaso ng ayos ni Ian. Nangako ako na next time na lang. Pero pagkatapos ng ilang linggo ay naisip ko na sana iniwan ko na lang ang mga bata sa probinsya dahil ilang araw na akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Wala pa naman si Adam sa tabi ko. Umalis siya kahapon papunta sa Singapore. May inaasikaso na naman siya tungkol sa kumpanya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang kalagayan mo?"

Nagpapanic na si Paris nang dumating siya sa bahay. Kasama niya si Brent. Balot na balot ang katawan ni Paris dahil malakas ang ulan sa labas. May bagyo kasi. Nalaman nila na dalawang araw na akong hindi pumapasok sa opisina. Nakahiga lang ako sa kama. Kasama ko naman dito sa bahay ang mga bata at ang mga katulong.

"Alam na ba ni Adam ang nangyayari sayo? Nagpacheck up ka na ba?" tanong ni Paris.

"Hindi pa ako nakakapagpacheck up. Alam na ni Adam ang kalagayan ko. Alam kong gustong gusto na niyang umuwi kasi natatakot siya sa maaaring mangyari sa akin. Hindi nga lang siya makauwi dahil sa bagyo."

Bakas sa boses ko ang pagiging matamlay ko. Nang humina ang ulan nang araw na yon ay sinamahan nila ako sa doktor para magpacheck up.

"Congratulations Mrs. Castrences. You are pregnant!" bati ng doktor.

For the record, this is the second time na mukha ni Brent ang makikita ko sa harapan ko everytime na malalaman kong buntis ako.

I can't wait to tell Adam the good news. 

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon