Eight

50.9K 1K 74
                                    

Chapter Eight

Arkisha's POV

"Wala ka bang tiwala sa akin, kaya ka sasama pagbalik ko sa Manila?" tanong ko kay Ian.

Mas nauna pa siya magimpake ng gamit kesa sa akin. Sabagay konti lang naman ang gamit ko kaya ngayon lang ako nagsisimulang magimpake.

"At talagang yan ang iniisip mong dahilan kung bakit ako sasama ha? Mukhang dapat nga ata kitang hindi pagkatiwalaan ah," sagot niya at dumapa pa siya sa kama ko.

I rolled my eyes.

"Masyado kang judgmental, Ate. Hindi ba pwedeng kaya ako sasama kasi gusto kong makabonding ang kambal?!"

"Sina Venice at Paris?" biro ko.

"Tatawa na ba ako?"

Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng gamit sa bag ko. May mga naiwan pa palang damit ang mga anak ko kaya naman isinama ko na rin. Lumabas na kami ng bahay.

"Babantayan mo ang kapatid mo ha?" paalala ni Mama.

Take note, hindi sa akin sinasabi ni Mama yan. Kay Ian.

"Ma?!" depensa ko. Wala ba talaga silang tiwala sa akin?

Eh ano naman ngayon kung andito na sa bansa si Adam at malaki ang chance na magkikita kami? Kaya ko ang sarili ko.

Ngingisi ngisi naman si Ian na nakasandal sa kotse ko. Papalapit na ako sa kotse nang sabihin ni Mama yon. Lumingon naman si Mama.

"Ahh basta. Aalagaan at babantayan nyo ang isa't isa ha," sabi na lang niya. "Umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan," taboy niya sa amin.

"Wag kang mag-alala Ma, ako ang bahala kay Kuya Adam, este kay Ate Arkisha pala," pahabol ni Ian bago ko simulang magmaneho.

"Magseatbelt ka!" singhal ko sa kanya at binilisan ko ang pagmamaneho.

"Whoaaa!" sigaw niya. "Ang bilis mo magmaneho. Uyy!! Excited!" pang-aasar niya.

Langya naman oh! Sino ba kasi ang nag-utos sa batang to na sumama sa akin pauwi ng Manila? Akala ko pa naman mababawasan ang kakulitan nitong si Ian kapag tumanda na siya pero parang mas lumala eh!

"Alam mo minsan hindi kita mainitindihan. Minsan feeling ko concern ka sa nararamdaman ko pero minsan naman trip na trip mo akong asarin. Kapatid ba talaga kita?"

Hindi ako sinagot ni Ian sa halip binuksan niya ang bag niya.

"Tsk. Naiwan yun," bulong niya.

See? Hindi na naman pinapansin ang sinasabi ko. Pinagtitripan na naman ako. Palingon-lingon ako sa kanya at patuloy pa din siya sa paghahalikwat ng gamit sa bag niya.

"Ano ba kasing hinahanap mo?"

"Yung birth certificate ko Ate. Papatunayan ko sayo na magkapatid talaga tayo!"

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Infairness, nakikinig naman pala siya sa sinasabi ko.

"Ihahatid ba ni Kuya Adam dito ang kambal ngayon?" tanong ni Ian sa akin nang makarating kami sa bahay. Wala pa si Papa nang dumating kami. May meeting daw siya.

"Baka hindi na. Gabi na din kasi," sagot ko.

"Sus, ayaw mo lang makita si Kuya Adam kaya hindi ka pumayag na ihatid dito ngayon," pang-aasar ni Ian.

"Marunong ka namang magdrive diba? Heto ang susi ng kotse. Bumalik ka na sa probinsya," utos ko sa kanya and as usual hindi niya ako sineryoso.

Iginala ni Ian ang paningin niya na para bang ngayon lang siya nakarating dito sa bahay.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon