Chapter Fourteen
I am too tired to deal with Adam. Pagbibigyan ko siya ng isang gabi, just one night. Bukas na bukas mag-uusap kaming dalawa. Hindi pwede ang ganito. He's starting to make things complicated. Matapos kong magshower ay nagpalit na ako ng damit na pantulog. Sinabi ko kay Ian na hindi na lang ako magdidinner tutal busog naman ako, pero hindi yon totoo. Ayoko lang talaga makasabay sa pagkain si Adam. Mamaya na lang ako magiinit ng pagkain kapag tulog na silang lahat. Kung saan matutulog si Adam, I don't know and I don't care. Madami namang kwarto ang bahay na ito, makakapili siya kahit saan niya gusto. He can even sleep in twin's room. I don't mind... for tonight.
Nahiga na ako sa kama ko at iniwan kong bukas ang lamp shade para may kaunting liwanag. Bigla akong dinalaw ng antok. Hindi na ata ako makakakain nito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Did I forget to lock the door?
"Oh shit."
Bumangon ako at binuksan ko ang ilaw. I saw Adam standing in my room holding a tray of food.
"Sorry, did I wake you up? Muntik na kasing matapon yung tubig. Kumain ka na, Arkisha. Bakit ba hindi ka sumabay sa amin kumain?"
Isinuot ko ang robe ko at hinarap ko siya.
"Adam, what the hell is this? What are you doing?"
"Dinalhan kita ng pagkain kasi hindi ka pa kumakain, diba? Kahit thank you lang, Arkisha okay na. Kumain ka na," utos niya at ipinatong niya ang tray sa table.
"Hindi ako nagugutom at tsaka Adam, hiwalay na tayo--."
"Eh ano naman ngayon? Alam ko na hiwalay na tayo, hindi ko naman nakakalimutan yon. Bakit ba paulit-ulit ka? Tabi dyan," sabi niya at kumuha siya ng comforter at inilatag sa sahig.
"Teka, teka. Anong ginagawa mo? Bakit ka naglalatag jan? Hindi ka pwedeng magpicnic dyan, uy!" sita ko sa kanya.
"Gusto mo ng picnic? Sa weekend, magpipicnic tayo. Naglalatag ako kasi rito ako matutulog, tabi dyan."
Tinapik pa niya ang paa ko na nagiging hadlang sa paglalatag niya.
"Aba aba sandali naman," sabi ko sa kanya habang nakapamewang pa. "Payag na ako na rito ka matulog pero isang gabi lang. Isang gabi lang. At tsaka diba sabi mo, hindi ako dapat mag-alala kasi hindi ka naman dito tutulog?" paalala ko sa kanya. Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi niyang iyon kanina. Hinding hindi ako pwedeng magkamali.
Isinunod niyang kuhanin ay ang mga unan.
"Ang sabi ko sayo hindi ako sa kama mo matutulog, pero wala akong sinabi na hindi ako sa kwarto mo matutulog."
Napanganga ako sa sinabi niya. This guy is really imposible! Napatulala ako nang magsimula siyang maghubad sa harapan ko.
"At ano naman ang ginagawa mo ngayon, aber?"
"Obvious ba? Naghuhubad kasi maliligo ako. Napagod ako sa pakikipaglaro sa mga bata," sagot niya at inihagis pa niya sa akin ang Tshirt na hinubad niya. And God, I will never ever forgot his smell. Kahit nahaluan na ng pawis, ang bango bango pa rin. Hmmm.. Lalaking lalaki pa din ang amoy.
"Inaamoy mo ba ang damit ko?" tanong niya. Bigla na lang siyang sumilip mula sa banyo rito sa loob ng kwarto.
Shucks! Kanina pa ba siya sa banyo? Kanina pa ba ako sa posisyon kong 'to? Tsaka bakit ba nasa kamay ko pa din 'tong Tshirt niya?
"Kapal mo ha!" sabi ko sabay tapon ko sa Tshirt niya sa isang basket.
Kinain ko na din ang dinalang pagkain ni Adam. Sayang naman kasi.
"Hindi ka nga nagugutom noh?" sabi niya nang makalabas siya sa banyo. Nahuli niya kasi akong kinakain ang pagkain na dinala niya. Basang basa pa din ang buhok niya habang nakataklob ng puting towel ang babang parte ng katawan niya.
"Mahal ang bilihin ngayon, tsaka sayang ang pagkain kung hindi ko kakainin," sagot ko na lang sa kanya ng malunok ko ang kinakain ko. Di bale, paubos na naman. Mga dalawang subo na lang to. Itinuon ko ang pansin ko sa pagkain. Kulang na nga bilangin ko yung mga butil ng kanin eh. Eh kesa naman tingnan ko si Adam habang nagbibihis, diba?
"Maganda ka pa din."
Halos maibuga ko yung huling subo ng pagkain. Saan nanggaling yon?
Tiningnan ko si Adam na ngayon ay tapos ng magbihis.
"Alam ko," sagot ko.
Akala niya ha. Wag niya akong mabola bola.
"Sexy ka pa din," dagdag pa niya.
"Alam ko din," sagot ko ulit. "Ikaw din naman, gwapo ka pa din," sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi and I believe hindi naman mababawasan ang pagkatao ko kung bibigyan ko siya ng compliment diba? Kung magbobolahan kami ng kaunti, diba?
Lumungkot ang mukha niya. Sinabihan na nga ng gwapo, nalungkot pa din? Ah baka sanay na siya.
"Nasa akin na nga daw lahat eh, sabi nila. Pero hindi yon totoo, may kulang eh," sagot ni Adam.
Naghalumbaba ako and asked him, "Ano?"
"Ikaw."
I can feel the blood rushing up my face. Nagpakawala si Adam ng isang malakas na tawa.
"Gotcha! Joke lang, Arkisha. I'm just trying if it will still work for you."
I burst out laughing. "Nice try, Adam but no. It doesn't work on me, anymore."
Shit! Nahalata kaya niya na namula ang mukha ko? Nabigla ako dun ah.
I excused myself at ibinaba ko na ang tray. Pagbalik ko ay nakahiga na si Adam pero mukhang may kausap siya sa phone.
"Okay, Ashley. I'll just call you back tomorrow. Bye."
Humiga na ako sa kama ko at binalot ko ang katawan ko ng kumot. Nasa kaliwang bahagi ako ng kama samantalang si Adam ay nasa sahig kapiling ng comforter niya sa kanang bahagi.
"Ano ang gagawin mo kapag may bago na si Kuya Adam?"
"Should I even do something?"
"Wala. Wala nga. Kasi kapag nangyari yon, wala ka ng magagawa Ate. Kapag nangyari yon, tapos na tapos na talaga kayong dalawa."
"Pwede ba Ian, akala ko pa naman magaling at matalino ka. Matagal na kaming tapos, okay. Paulit ulit lang tayo eh. Wala ka na bang ibang alam?"
Tapos na kaming dalawa ni Adam. It's been two years since we decided to end our relationship. I shouldn't be feeling this way. Hindi dapat lumalakas ang tibok ng puso ko kahit isang libong pangalan pa ng babae ang banggitin ni Adam. Hindi dapat.
"Arkisha, gising ka pa ba?" tanong niya.
Magpapanggap na lang akong tulog. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ako sasagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Goodnight, Mrs. Castrences."
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.