Twenty Six

39K 1K 103
                                    

Chapter Twenty Six

"Arkisha, Jane, Ella!" bati ng babaeng pumasok sa loob ng kwarto. Nakapony tail ang buhok niya pero medyo gulo gulo na. Wala na nga siguro siyang panahon para sa sarili niya.

"How is she?" tanong ko.

Nilapitan niya ako.

"Ang sabi ng doktor medyo okay na naman daw. Kabilin bilinan niya na huwag na huwag hahayaan na matuyuan ng pawis ang bata. Summer pa naman ngayon kaya sobrang init."

I'm glad na nagiging maayos na ang lagay niya.

"Mabuti naman kung ganoon. Kailan daw siya makakalabas?"

"Tatlong araw raw mula ngayon ay pwede ng lumabas si Grizella. Mabuti na lang at may sweldo na ako bukas, Hindi ko nga lang alam kung magkakasya---"

"Ate Gem, hindi mo naman kailangan pang alalahanin ang pera na pambayad sa hospital. Malaki ang shares ko sa hospital na ito. Alam mo naman na simula ng isilang mo si Baby Grizella ay palagi na akong nasa tabi niya. Alam mo na mahal na mahal ko ang batang ito."

"Maraming maraming salamat, Arkisha. Hindi namin alam ni Harris kung paano ka papasalamatan."

Tiningnan ko si Ate Gem at namumuo na ang luha niya.

"Ate Gem, huwag ka ng umiyak. Magiging okay din si Baby Grizella," sabi ni Jane at niyakap niya ito.

Ilang beses ng naglabas-pasok sa hospital ang bunso ni Ate Gem. Sakitin kasi ito, at ngayon pneumonia ang sakit ng bata. Hindi biro ang sakit na iyon lalo na pagdating sa bata kaya naman palagi kong sinasabi sa kanya na kapag inubo ang bata ay dalhin na agad sa doktor. Prevention is better than cure. Mahigit isang taon na si Grizella. Halos anak na din ang turing ko sa batang ito. Kung nabuhay sana ang bunso ko, hindi nalalayo sa edad niya. Kaya naman malapit ang batang ito sa puso ko.

"Arkisha, tumutunog ang phone mo," sabi ni Ella.

I checked it and it's none other than Adam. Hindi ko na nga sana sasagutin pero alam kong hindi sya titigil sa kakatawag hangga't hindi ko sinasagot.

"He--."

"WHERE ARE YOU?!"

Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Nakaloud speaker ba ito? Bakit ang lakas?

"Saan ka ba nagpunta, Arkisha?! Tell me, susunduin kita ngayon din."

"Excuse me," paalam ko sa kanila at lumabas ako ng kwarto para kausapin si Adam. Baka kasi magising ang bata sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

"Ano bang problema mo, Adam? Hindi ka ba makakatulog na wala ako sa tabi mo, ha? Para kang bata!" I asked sarcastically.

"Susunduin kita. Ngayon din. Nasaan ka ba?"

As if naman magpapasundo ako sa kanya. Wait. Umiiyak ba si Madison? May naririnig akong batang umiiyak.

"Umiiyak ba si Madison?" tanong ko.

"Hinahanap ka niya. Ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Kung saan-saan ka naman kasi pumupunta? Ganito ba noong wala ako? Iniiwan mo na lang sila?" tanong ni Adam.

Mas bumigat ata ang ulo ko sa sinabi niya.

Kalma, Arkisha.

Kalma lang.

No.

I cannot.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?! Wait. No. Don't you dare, Adam Jacob!"

I ended the call.

Hindi ko na kakayanin pa kung maririnig ko pa ulit ang boses niya.

Anong sinasabi ni Jane na balikan? Walang balikan na magaganap. Gera meron.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon