Chapter Thirty Eight
Magkasama kaming natulog ni Adam sa hospital at nang dumating ang umaga ay nauna akong magising sa kanya. Pagkagising ko ay nasa loob na ng kwarto si Mama. Nagpaalam ako kay Mama at iniwan ko si Adam sa hospital. Hindi ko na siya nagawang gisingin dahil mukhang himbing na himbing siya sa pagtulog. Bago ako umalis ay bakas na bakas pa sa mukha ni Mama ang pagkagulat sa pwesto namin ni Adam.
Paano ba naman kasi magdamag kaming magkayakap at sigurado kung wala lang kami sa loob ng hospital eh baka kung ano na ang nangyari. Hindi naman na nagtanong si Mama. Nakangiti lang siya nung umalis ako. Sigurado magwawala si Adam kapag nagising siya at wala na ako sa tabi niya. Buti nga hindi siya nagising nung tanggalin ko ang pagkakapulupot ng braso niya sa katawan ko.
Nang makadating ako sa bahay ay naligo agad ako at nagbihis. Pumunta ako sa bahay nina Paris para kunin ang kambal. Nadatnan ko sila na kumakain ng breakfast. Bigla namang bumaba si Paris buhat ang kanyang baby.
"Ang aga mo naman ata? Where is Adam?" tanong niya. "Kumain ka na ba?"
I just nod. Hindi naman iyon ang ipinunta ko rito. Naupo kami sa couch sa may sala.
"I know everything," sabi ko.
Sa halip na magulat ay tumawa siya.
Like seriously? Tatawanan niya lang ako? Kahit kailan she's a total biatch.
"Dapat hindi mo na lang nalaman ang lahat noh? Para forever kang nagdusa," sabi niya habang nakangiti.
Hindi naman ako makagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ako talaga ang may kasalanan ng lahat.
"Hey, I was just kidding! Ano ka ba?! If you only knew how much I want to tell you everything para lang magkabalikan kayo ni Adam, pero hindi ko magawa dahil ayaw din namin ni Venice na makialam sa inyong dalawa. Sinabi din ni Adam na siya na raw ang bahala because eventually babalik at babalik ka din daw sa kanya. Ang lakas ng self-confidence, diba?"
Napangiti ako. That's my Adam Jacob!
"Pero hindi ba magfa-file na ng annulment si Adam?" nag-aalala kong tanong.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Venice.
"And he was right," bungad ni Venice. "Check your phone, Arkisha," utos niya.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at nakita ko ang napakadaming missed calls at text messages ni Adam. Naka-silent nga pala ang phone ko. I put it on a silent mode last night para walang istorbo sa pagtulog namin ni Adam. Hindi din ako nagtext kay Adam kung nasaan ako dahil siguro nasanay na din ako na sa loob ng dalawang taon eh hindi na ako nagpapaalam sa kanya.
"Papunta na siya rito," sabi ni Venice.
Tumango lang ako.
"Venice, may tinatanong sa akin si Arkisha. I think it would be better kung ikaw ang sasagot sa tanong niya. Gusto niyang malaman ang progress ng annulment nila ni Adam," sabi ni Paris.
Umupo si Venice sa tabi ko.
"Gusto mo bang ituloy, Arkisha?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Why do I have this feeling na pinagkakaisahan talaga ako ng magkapatid na 'to.
"Do you really think Adam will file an annulment? Do you really think he will let you go? Over his dead body."
"Pero pinatawag mo ako noon--."
"Yes, I did. I just want to see your reaction. I already told you that day, na ikaw lang ang gusto kong maging sister-in-law. Solid Arkisha ako, ayan si Paris hindi," sabi niya at itinuro pa si Paris.
Tiningnan ko si Paris at nanlaki ang mga mata niya.
"Ako? Bakit naman sa akin napunta ang usapan? And who are you talking about? Scarlett? Can we all just move on?!"
Tumayo si Paris at ibinigay kay Brent ang umiiyak na baby.
"I'm sorry, Arkisha kung wala akong nagawa para magkabalikan kayo ni Adam because Adam was right. You need time to heal. You need some space at ayokong ipagkait yon sa'yo. Pero kita mo naman, I always make sure na nasa mabuti ang lagay ng mga bata. Nangako ako kay Adam na habang wala siya sa tabi mo ay ako ang mag-aalaga sa kambal."
Tumango ako. Adam is so lucky to have a sister like her.
"Until one day, he decided na ipaubaya na sa akin ang pagpapatakbo ng CGC na siyang ikinagulat ko talaga. Nakita ko kung paano pagsikapan ni Adam na maitayo ulit ang CGC and you also know that, right?"
Tumango ulit ako.
"He told me that it was not the life he wanted. Sinabi niya din sa akin na huwag ko raw papabayaan si Anika. By the time na nagbitiw siya sa CGC, alam na namin ang tungkol kay Anika. Please do not think that you are just an option. You will always be her priority, Arkisha. You and your kids."
I know. Now I know.
I wiped my tears away.
"Venice! Bakit mo pinapaiyak ang baby ko?" singhal ni Adam. Bigla na lang siyang sumulpot.
Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Bakit mo ako iniwan?" tanong niya.
"I'm sorry. Hindi na ulit kita iiwan," sagot ko at niyakap ko siya. Wala na akong pakialam kahit nasa harap pa namin si Venice. After all, this is what she wanted, right?
"I'm so glad okay na kayong dalawa," sabi niya habang nakapulupot pa din ang braso ni Adam sa katawan ko. "Huwag na huwag na kayong maghihiwalay na dalawa ha. Mag-aasawa na ako so baka hindi ko na maintindi ang mga issues nyo sa buhay, okay?"
Tumango ako.
"Hindi naman kami naghiwalay ah," sabi ni Adam na may halong biro. "Naghiwalay ba tayo, baby? Hindi naman diba?" baling ni Adam sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
"DADDY!!" sigaw ni Madison.
Tumakbo ito papalapit kay Adam at she kissed him on his cheeks.
"Uuwi ka na ba sa bahay, Daddy?"
"Yup, and Daddy won't go anywhere without you, Kuya and Mommy!"
Napansin ko na kanina pa nakatitig sa amin si Brent habang hawak ang baby nila ni Paris. Nakangiti ito. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Ikaw! May kasalanan ka sa'ken ha!"
"Ouch!" sigaw niya. Piningot ko kasi siya sa tenga.
Nang dumating ang hapon, habang inaayos namin ang mga gamit ni Adam sa bahay biglang tumawag si Mama at sinabing nagkamalay na si Papa.
Agad kaming sumugod sa hospital ni Adam kasama ang mga bata. Masayang masaya kami kasi nakakausap na si Papa at nang inihatid ko palabas ng kwarto ang doctor ni Papa ay nakita ko si Anika. She is wearing a black top na long sleeves at jeans. Isinara ko ang pinto ng kwarto at sinundan ko siya.
I called her name.
Twice.
"Anika!"
Lumingon siya at ngumiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko ang mga mata niya. Kaparehas ng kulay ng mga mata ni Adam.
"Can we talk?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.