Twenty Seven

41K 1K 143
                                    

Chapter Twenty Seven

Nagui-guilty lang siya kaya siya ganyan. Nagui-guilty siya sa mga kasalanang ginawa niya sa akin at sa mga anak niya. Hindi ako magpapadala sa mga luha mo Adam Jacob dahil kulang pa ang lahat ng yan sa sakit na naramdaman ko. Kulang pa sa lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin.

Iniwan ko siya at lumabas ako ng kwarto. Hindi ko siya kayang makitang ganun. Ayoko. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya.

"Ate," tawag ni Ian.

Nilingon ko siya at nilapitan niya ako sa terrace. Pinahid ko ang mga luha ko.

"Hanggang ngayon pinapaiyak ka pa din niya."

Hindi ko alam kung tanong ba yon o hindi.

"Ewan ko ba, nagtataka nga ako. Ang tagal tagal na naman naming tapos pero hanggang ngayon nagagawa pa din niya akong saktan. May relasyon o wala nasasaktan niya pa din ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar."

"Nasasaktan ka kasi mahal mo pa din siya."

Tiningnan ko si Ian. Gusto kong umiling pero hindi ko magawa. Hindi din naman kasi siya maniniwala.

"Tingin mo?" tanong ko.

Is it really possible to love and hate him at the same time?

"Honestly, gusto kong magalit kay Kuya Adam dahil pinapaiyak ka niya pero minsan kasi iniisip ko ikaw din naman ang gumagawa niyan sa sarili mo."

So kasalanan ko ang lahat ng ito? Ako na naman ang dapat sisihin?

"Hindi ko maintindihan kung bakit mas kinakampihan mo si Adam kesa sa akin. God Ian, alam mo lahat ng pinagdaanan ko. Nandoon ka noong halos gumuho ang mundo ko."

"Alam ko naman lahat, Ate. Ang problema kasi hindi ka makamove on. Palagi kong sinasabi sayo na aasa ako na magkakabalikan pa din kayo ni Kuya Adam pero sa nakikita ko ngayon parang gusto ko ng sumuko," sabi niya at iniwan na niya akong mag-isa.

Yung wasak kong puso kanina ay parang mas nawasak sa mga salitang binitiwan ni Ian. Pakiramdam ko binubuhusan ng alcohol ang puso kong sugatan.

Sumusuko na si Ian.

Hindi ko naman kailangang magworry diba?

Mas okay nga yon eh.

Mas okay yun.

Kinabukasan, nagpaalam si Ian na uuwi na raw siya ng probinsya next week.

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng breakfast. Tulog pa ang mga bata.

"Diba matagal mo na naman akong pinapaalis, Ate. Dun ka naman magaling diba, ang magtaboy ng tao?"

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Adam na nakatayo. Dala ang mga gamit niya.

"Hindi ko na ginising ang mga bata para magpaalam," sabi ni Adam.

"Saan ka pupunta, Kuya Adam?" tanong ni Ian.

"Sa tingin ko mas masasaktan ko ang Ate mo kapag ipinagpatuloy ko ang pananatili rito."

Nakatingin lang ako sa pagkain ko habang nagsasalita si Adam. Sanay na ako sa ganyan. Aalis, dadating tapos aalis ulit.

"Aayusin ko na din ang annulment naming dalawa at pakisabi sa Ate mo, tatawagan na lang siya ng lawyer ko para pag-usapan ang arrangements namin tungkol sa mga bata."

"Kuya Adam.."

Halos dalawang taon na kaming hiwalay ni Adam. Hindi na dapat bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Ganito rin kaya ang naramdaman niya noong makipaghiwalay ako sa kanya two years ago?

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon