Chapter Five
"Luigi!" bulalas ni Paris at niyakap niya ang batang katabi ni Brent. Hinalikan niya din sa labi si Brent. Oo, kita ko ang mga pangyayari. Mas pipiliin kong ituon ang atensyon ko sa mag-anak na ito. Nang sundan ko ng tingin si Paris, nilapitan niya si Adam at kinuha ang batang buhat nito.
"Did you miss Mommy?" tanong niya sa bata at hinalikan sa pisngi.
"Pumasok na kayo rito sa loob at mainit dyan sa labas," yaya ni Mama.
"Hi!" nakangiting bati sa akin ni Adam at hinalikan niya ako sa pisngi.
His voice. Some things might change but not the way his voice makes my heart tremble.
"H-hi!" sagot ko. May dapat pa ba akong idagdag sa sagot ko?
Pumasok na sila sa loob habang kapit-tuko na naman ang kambal ko sa kanilang ama. Sumunod ako nang makapasok sila sa loob. Tinulungan ko si Mama sa pag-aayos ng tanghalian. Napatigil siya sa ginagawa niya at napansin kong napako ang tingin niya sa may kaliwang bahagi ng kilay ko. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Kapag talaga pumilat na ang isang bagay, hindi na mabubura," sabi niya.
Tama ang hinala ko. Ang maliit na pilat sa may kaliwa at babang bahagi ng kilay ko ang tinutukoy niya. Hindi naman talaga ito halata maliban na lang kung titigan ang kilay ko sa malapitan.
"Wala ka bang balak ipatanggal ang pilat na yan?" tanong ni Mama.
"Hindi naman halata, Ma at tsaka ang liit liit."
I love these scars. They have stories to tell.
"Oo, hindi naman talaga halata. At tsaka tama, huwag mo na ngang ipatanggal. Hayaan mong maging paalala sayo yan. Sana naman may natutunan ka sa mga nangyari noon."
Kapag pinagsasabihan ako ni Mama ng mga ganitong bagay, hindi ako nagagalit o sumasama ang loob. After all alam ko naman na tama siya. These scars will remind me of my impulsiveness and it will also remind me of those changes in my life. In our lives.
"Actually nagulat nga akong nang tawagan ako ni Adam at nagpapasundo sa airport. Hindi ko inasahang ngayon siya uuwi," sabi ni Brent habang sama-sama kaming kumakain ng tanghalian.
Katabi ni Adam ang mga anak niya. Katabi ko naman si Venice.
"Surprised???" tanong ni Adam habang nakangiti.
Tahimik lang ang lahat sa tanong ni Adam, well of course, except my twins.
"Yes Daddy! Super surprised!!" sagot ni Madison habang malapad ang ngiti sa labi.
Tiningnan ni Paris ng masama si Brent.
"Okay. Matagal na naming plano ni Adam ang pag-uwi niya," amin ni Brent.
"So kaya mo pala sinabi sa akin na rito ako magpunta kina Arkisha at nangakong susunduin ako?" singhal ni Paris.
"What's wrong sweetie? Sinundo naman kita diba. I'm here. Tinupad ko ang pangako ko," nakangiting sagot ni Brent.
Nararamdaman kong panay ang sulyap sa akin ni Adam.
Tinapunan ako ng tingin ni Venice.
"Kinasabwat mo si Kuya Brent tapos ako hindi?!"
Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nagmula iyon kay Ian. Tumayo si Adam at yumakap kay Ian.
"Ian? Ang laki mo na!" Hindi makapaniwalang sabi ni Adam.
"OA mo Kuya Adam, halos dalawang taon ka lang nawala!" pagbibiro naman ni Ian.
"Oo nga pero, tingnan mo malapit na tayong maging magkasing taas. Binatang binata ka na!"
Totoo yun. Malaki ang itinangkad ni Ian sa halos dalawang taon na lumipas.
"Me too! I'm taller now!"
Tumayo pa talaga si Landon at tumabi kay Ian para makipagsukatan ng height. Ginulo naman ni Adam ang buhok nito.
**
Pagdating ng hapon nagpaalam na sina Venice, Paris, Brent na uuwi na kasama ang dalawang bata.
"Are you sure hindi ka sasabay, Arkisha?" tanong ni Venice. Isasabay kasi niya sina Adam at ang kambal.
"This Saturday pa ako babalik ng Manila," sagot ko.
Kitang kita sa mata ng kambal ko ang excitement ngayong dumating na ang kanilang ama pero mukhang napalitan ng lungkot sa isinagot ko.
"But Mom!"
Alam natin kung sinong nagmamay-ari ng boses na yon.
"It's fine Madi. Mom will come home this weekend," paalam ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Bigla naman akong sinugod ng yakap ni Landon.
"This weekend, promise?" tanong niya habang nag-aabang ang pinky finger niya.
"Saturday. Promise," and we entwined our little fingers.
Nagpaalam na din sila kina Ian at Mama.
"Saturday then," sabi ni Adam. Nasa likod ko na pala siya ng hindi ko namamalayan. Buhat buhat ng isang kamay niya ang mga gamit ng mga bata.
Are we supposed to meet on Saturday when I get home? I mean, sa mga bata ako nangangako hindi sa kanya.
Our eyes met.
He smiled.
Matagal.
Then his eyes went up to my scar.
Naglaho ang ngiti niya.
Lumapit siya sa akin at bumulong habang nakaalalay ang isa nyang kamay sa may bewang ko.
"We'll wait for you," and once again he kissed me on my cheeks.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.