Thirty Four

40.4K 984 210
                                    

Chapter Thirty Four

(PRESENT DAY)

Arkisha's POV

Makalipas ang isang linggo ay hindi pa din nagkakaroon ng malay si Papa. Napagdesisyunan namin na ilipat na siya sa Manila at iyon din naman ang suggestion ng doktor. Sinabi ko kay Mr. Carbonel na hindi pa ako makakabalik sa pagtatrabaho at naiintindihan naman niya yon. Ipinapadala na lang niya kay Ellaine sa hospital ang mga importanteng papeles na pipirmahan ko.

Nasa loob ako ng kwarto ni Papa at nakita ko si Adam sa labas ng kwarto na may kausap sa cellphone. Bigla kasing pumasok si Ian kaya nagbukas ang pinto. Sigurado ako wala pa din siyang tulog. Kasama namin siya nang ilipat si Papa rito sa Manila. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya naman agad kong inilayo ang tingin ko.

"Ate, umuwi ka na muna. Hindi ka pa natutulog, pati si Kuya Adam," sabi ni Ian.

"Okay lang ako. S-si Adam na lang ang sabihan mo na matulog," utos ko sa kanya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang aking sintido. Medyo sumasakit na nga ang ulo ko. Narinig kong nagsara ang pinto pero hindi ko pa din iminumulat ang mga mata ko.

"Halika na, Arkisha."

Saan ako niyaya ni Adam?

I opened my eyes at nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Huwag ng matigas ang ulo, Ate. Sumama ka na kay Kuya Adam. Matulog kayong dalawa. Ako na ang bahalang magbantay kay Papa at tsaka padating na din naman si Mama. Magagalit yun sayo kapag nalaman niya na hindi ka pa natutulog."

At dahil isa laban sa dalawa, tumayo na ako, nagpaalam kay Papa at mas naunang lumabas ng pinto kesa kay Adam. Nang makalabas kami ng hospital ay hinawakan niya ako sa braso at iginiya papunta kung saan nakaparada ang kotse niya. Hindi na ako lumaban pa dahil sa tingin ko wala na din naman akong lakas para magmaneho at makipagtalo sa kanya.

Akalain mo yun, mapapagod din pala akong makipag-away sa lalaking to?

Binuksan ni Adam ang pinto ng kotse. I was about to get inside when I remembered what happened two years ago. Kakayanin ko bang sumakay sa kotse niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I will never ever do the same mistake again, Arkisha. Alam kong wala ka pang tiwala sa pagmamaneho ko pero ipinapangako ko I will not be careless this time. Iingatan na kita. Mas hindi ako mapapanatag kapag ikaw ang nagmaneho ng kotse mo sa kondisyon mo, so please get inside the car," pakiusap niya.

Sinunod ko siya at pagkaupo ko sa passenger's seat ay ipinikit ko na kaagad ang mata ko. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Narinig kong nagsara ang pinto sa may driver's seat at pagkatapos ay naamoy ko ang pabango ni Adam. Bakit parang ang lapit lapit niya sa akin? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong sinuotan niya ako ng seatbelt.

Nang makarating kami sa bahay ay wala ang kambal. Sina Venice at Paris ang magkatulong na nag-aalaga sa mga bata.

"Gusto mo bang kumain o magdiretso na ng tulog?" tanong ni Adam nang paakyat na ako ng hagdan.

"Matutulog na ako," sagot ko at nagdiretso na ako sa kwarto.

Nagpalit muna ako ng damit at humiga na sa kama. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko. Magkakasakit pa ata ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi lang dahil sa panggigising ni Adam sa akin.

"Arkisha," tawag niya.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahiga sa tabi ko si Adam.

"Umuungol ka kaya ginising kita. Nananaginip ka ata kasi tinatawag mo ang Papa mo," sabi ni Adam.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon