Chapter Forty Five
Arkisha's POV
Makalipas ang dalawang araw na matapos naming mabisita si Claude sa hospital ay umuwi kami sa probinsya. Ipinayo din kasi ng doktor na mas makakabuti kung makakapagpahinga ng maayos si Papa.
Magkakasama sa isang sasakyan sina Papa, Mama at kambal. May kasama pa ngang private nurse si Papa eh at itago natin sa pangalang "Ian". Samantalang kami namang dalawa naman ni Adam ang magkasama sa kotse niya. Nabrain wash kasi ni Ian ang kambal na kailangan daw namin ni Adam ng time na magsolo para raw magkaroon na sila ng kapatid. Paano? Ngayon? Dito sa kotse? Sabagay, nagawa na naman namin yon dito.
And speaking of kapatid, kailan ba ako huling nagkaperiod?
"Shit."
Nilingon agad ako ni Adam.
"Hey babe, what's wrong?"
"Nothing," sagot ko.
Ayokong sabihin sa kanya ang iniisip ko. Mamaya niyan wala lang pala ito. Baka madisappoint lang siya.
Naunang makarating sina Ian sa bahay. Ang bagal kasi magmaneho ni Adam. Nag-iingat daw siya at masaya ako roon. But if I know gusto niya lang talaga akong masolo at ganun din naman ako.
Bumaba na ako sa kotse at napansin kong hindi lumalabas ng sasakyan si Adam habang naglalakad ako papasok. Tumigil ako malapit sa hagdan ng terrace at nilingon si Adam. Bumaba siya sa sasakyan.
"Stay right there, baby. Wag kang gagalaw," utos niya.
What?
I crossed my arms.
"Prank ba to? Ano bang binabalak mo?"
"Wait. Dyan ka lang," sabi niya nang bigla akong gumalaw at nagtangkang umikot.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko. There is something about his hug. Mahigpit. Pakiramdam ko makakalas ang mga buto ko.
"God! I miss you so much! I miss your voice, your face, your hair. The way you call my name. I miss everything about you."
Mas lalong humigpit ang yakap niya. May ihihigpit pa pala yung kanina dahil nahihirapan na akong huminga. Tumingala ako and I saw his face with his eyes closed.
"Adam, are you okay? What are you doing?"
"Shhhh," sagot niya.
Binuksan niya ang mga mata niya and then he kissed my cheeks.
I smiled kahit sobrang weird niya ngayon.
He kissed my lips at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Seriously Adam. What are you doing?"
"This is exactly what I want to do the moment I stepped out of the car that day," sagot niya.
Now I get it. That was the day na dumating siya rito at sinundo siya ni Brent.
Ngumiti ako.
"Would you like to know exactly what I want to do with you that day?" tanong ko.
"Nope. Not interested," sagot niya at mas isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.
Tumawa ako. He knows how much I hate him back then.
"But do you want to know exactly what I want to do with you right now."
He cupped my face and then he smirked.
"What?" tanong niya.
Tumiad ako at hinalikan siya sa labi.
"And more," sabi ko matapos ko siyang halikan.
Hinawakan niya ang kamay ko at nanguna siyang pumasok sa loob.
"I want to know more about your "more"--."
Tumigil siya sa paglalakad kaya naman nauntog ako sa likod niya.
"More? More pala?"
Boses ni Ian yun ah. Sumilip ako sa harap ni Adam. Nakaharang pa rin kasi sa harap ko ang likod niya.
And he was there. Nakasandal sa pader na parang kanina pa kami pinapanood. Ano na naman ang problema ng kapatid kong ito?
Pumalakpak siya at umupo sa upuan.
"Magaling. Magaling! Ang haharot! Alam ba ng mga magulang nyo ang ginagawa nyo? Sa labas pa talaga ng bahay ha!"
Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko si Adam at pinipigilan niya ang tawa niya. Magsasalita na sana ako pero mabilis ang bibig ng kapatid ko.
"Ikaw lalaki, seryoso ka ba talaga sa kapatid ko?"
Tumawa si Adam pero tumindig ng diretso at sinagot ang kapatid kong from makulit to terror real quick.
"Yes sir," sagot ni Adam.
"Ab--!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Adam sa pamamagitan ng paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko.
"Gusto mo ba siya?"
"Hindi lang basta gusto," sagot ni Adam. "Itanong mo sa akin kung sinong aking mahal," utos niya.
"Sino?" tanong ni Ian.
"Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal."
Grabeng mantrip tong kapatid ko ah.
Wait.
I heard this before.
"Sino?" tanong ulit ni Ian.
Humarap si Adam sa akin at...
"Oh please!" sabi ko. I rolled my eyes at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
No.
No.
Nawala ang mga tinig. Great. Akala ko talaga kakanta na naman siya. Unti-unti kong tinanggal ang dalawa kong kamay sa mukh--.
"IKAW LANG ANG KANYANG MAHAL! ANG PAG-IBIG MO'Y KANYANG KAILANGAN!!"
Bwisit! Mukha ni Ian ang bumungad sa akin. Mas nakakainis kasi habang kumakanta may action pa. Tinuturo si Adam habang ang magaling kong asawa ay masakit na ata ang tiyan sa kakatawa.
"Nag-expect ka noh??!" pang-aasar ni Ian habang itinuturo ang mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama.
"Nadisappoint ka ba baby kasi hindi ako yung kumanta?"
Nilapitan ako ni Adam at hinapit ang bewang ko. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay Ian.
"HUMANDA KA SA AKING BATA KA! WALA KANG ALLOWANCE TALAGA!"
Napupuno ng halakhak nilang dalawa ang terrace.
"HINDI. MALI. TUMIGIL KA NA SA PAG-AARAL HA!"
"Ate! Hahahahaha! Ang epic ng mukha mo! Hahahaha!"
Kumawala ako kay Adam.
"Teka, nasan ba si Ellaine? Sigurado nandito na din sa atin yon kasi patapos na ang bakasyon."
Tumigil sa pagtawa si Ian.
"Teka. Ate naman, joke lang naman yun. Joke. Hindi dapat seryosohin. Wag ka namang ganyan."
"Wala ako pakialam. Dapat talaga hindi kayo nagsasamang dalawa eh." Lumingon ako kay Adam tapos nag walk out ako.
Humabol naman sa akin si Adam.
"Babe, wait lang. May utang ka pang more. Huwag ka ng magtampo. Kakantahan na kita. Heto na. Uy!"

BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.