Chapter Eleven
Kitang kita ko silang dalawa mula rito sa taas. Hindi na ako naghintay pa at bumaba ako kaagad. Malilintikan talaga sa akin ang paborito kong kapatid na ito.
"Akala ko ba uuwi ka na?" tanong ko. Nakatalikod sa akin si Adam habang nakaupo sa sofa. Nakaharap naman sa akin si Ian. Lasing na ba sila? Dapat talaga di ko na lang pinayagan si Ian na mag-inom kahit naka eighteen na siya eh. Tss.
Tumayo si Adam mula sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Muntik pa siyang mawalan ng balanse sa pagharap sa akin.
Damn. Lasing na nga. Namumula na ang mukha niya. Inayos ko ang robe ko and crossed my arms.
"Look who's here?" tanong ni Adam with a smirk. Nilingon niya si Ian. "Kilala mo ba siya, Ian?"
Binigyan ko si Ian ng matalim na tingin while his reaction is torn between fear and laughter. Ibinalik ni Adam ang tingin sa akin.
"What brought you here, my dear wife? You're supposed to be upstairs and looking after our kids," sabi niya na para bang natural na natural.
"Adam, lasing ka na. You should go home," sagot ko. Hindi ko siya papatulan. Lasing lang siya. I will let this one pass. "Ian, pakigising si Mang Delfin at sabihin mo ihatid na si Adam pauwi sa kanila."
"Sinong uuwi? Walang uuwi. Honestly, I was about to leave kanina but then I realized that this is my home. I won't go anywhere, Arkisha. You are my home."
"Ian, iuwi mo to ha," singhal ko kay Ian at itinuro ko pa si Adam. Tinalikuran ko na silang dalawa at bumalik na ako sa kwarto ko.
I wasn't prepared for that one. Like seriously? It never crossed my mind na gugustuhin ni Adam na tumira ulit dito. It's not that I want to, pero kalokohan naman kasi. Kung ano man ang alak na iniinom nilang dalawa ngayon, wag na wag na nilang iinumin ulit. Hindi maganda ang mga salitang lumalabas sa bibig nitong si Adam. And the worst part is, every word that came out of his mouth feels like he really meant it.
Hindi siya seryoso roon. I know.
So I woke up the next morning from the sound of my kids. Naglalaro na naman sila. When I checked the time, maaga pa. Naligo ako at nagbihis para sa pagpasok at pagbaba ko, nagulat ako sa nakita ko.
"I'm sorry Ate, he's too drunk to drive," sabi ni Ian. Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko.
"Diba ang sabi ko ihatid mo siya?" I reminded him.
"Eh Ate, nalasing na din ako eh. Sorry na. And besides, madaling araw na kami natapos ayaw niya kasing magpa-awat eh."
Nakatitig pa din ako kay Adam habang nakadapa sa sofa. He looks really wasted. Nakakalat sa sahig ang Tshirt na suot niya kagabi at gulo gulo ang buhok niya.
"Mommy, what happened to Daddy?" tanong ni Madison. Nilingon ko muna siya bago ko nilapitan. Nakaupo ang kambal sa dining table.
"He's drunk, Madi."
Bago ako nakasagot ay sinagot na siya ng Kuya niya. Hinalikan ko silang dalawa sa ulo while eating their breakfast.
"Then why is he sleeping on the couch?" tanong ulit ni Madison.
"Your Daddy is fine, Mads. You don't have to worry," I assured her.
"Okay, but next time I'll tell Daddy to sleep in your room. Baka magkasakit siya kapag sa couch eh," pahabol niya at kumagat sa saging na hawak niya.
Nahuli kong tumingin sa akin si Ian at napailing na lang ako. Nagpaalam na ako sa mga bata. May mga katulong naman na maiiwan sa kanila. Sinabi ko kay Ian na sumunod na lang siya dahil hindi pa siya bihis eh. Hindi ko naman siya maiintay pa. Isa, pa baka maabutan pa ako ni Adam.
One of the disadvantages of having a long vacation is kapag bumalik sa trabaho eh ang dami mong gagawin. Talaga namang tatambak ang trabaho. Kaya naman hindi ko na napansin ang oras. Ala una na pala ng tanghali at hindi pa din ako kumakain. I think I should take a break.
I was about to leave my office when someone knocked on the door. Bumukas ang pinto at inuluwa noon si Adam.
"Eat. I heard hindi ka pa daw nagla-lunch," sabi niya at ipinatong niya sa table ko ang pagkain na tinake out niya sa isang fast food.
Nanatili akong nakatayo and put on my blazer.
"I'm fine Adam. You don't have to. Lalabas na lang ako. Salamat."
Umupo siya sa upuan sa harap ng table ko.
"No. You are not going anywhere. We need to talk."
Nagsalubong ang kilay ko at tinitigan ko siya. Ngumiti naman siya sa reaksyon ko.
"Don't give me that look, Arkisha. You know I don't bite. I just want to say sorry for what happened last night."
Now I look calm. I told you, lasing lang si Adam kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon last night.
"That's fine. As long as hindi na mauulit."
"I- I can't promise you that one."
Tinaasan ko siya ng kilay. The one with the scar. Ewan ko nga ba, dalawa naman ang kilay ko pero roon pa talaga nagkaroon ng pilat sa kilay ko na mas komportable akong itaas.
"I'm just kidding! Bakit ba napakaseryoso mo?" asar niya at tawa pa siya ng tawa. "God Arkisha, mahihirapan ako sayo kapag ganyan ka."
That's the thing about Adam. May mga bibitiwan siyang salita na hindi ko mainitindihan kung seryoso ba siya o hindi.
"It will always be your choice, Adam."
Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Nagsukatan kami ng tingin. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa table ko.
"I'm so tired of choosing anything over anything or anyone over anyone. I just want this to stop but--."
Inilayo ko na ang tingin ko kay Adam.
"Adam, you can go. Kailangan ako ng company ko at ganun ka din sayo diba?" I emphasized.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-tiim ng bagang niya ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Fine, Arkisha. Do whatever you want!"
Then he slammed the door and leave.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.