Chapter Fifteen
Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Tulog na tulog pa si Adam nang umalis ako. Sinilip ko lang ang kambal sa kwarto nila bago ako umalis at ibinilin ko sila sa katulong. Ibinilin ko din kay Ian na sabihin kay Adam na hindi siya pwedeng manatili sa bahay. Ang sabi ni Ian, hindi raw niya kayang sabihin kay Adam yon. Kung gusto ko raw, ako na lang ang magsabi kaya ayun hindi ko ulit siya isinabay papasok ng office.
Ngayon ang araw na aalis si Daddy pauwi ng probinsya. Dapat kasi talaga ipinasabay ko na si Ian eh. Alas onse na pero hindi pa din ako natatapos sa ginagawa ko. Ang dami ko pang kailangang pirmahan. Kaliwa't kanan pa ang mga meetings ko.
"Where is Adam?" tanong ni Paris. Dire-diretso lang siyang pumasok sa opisina ko.
"Iniwanan ko pa siyang natutulog kanina sa bahay. Paris, may problema ba sa bahay ninyo? Bakit ba ipinagsisiksikan ni Adam ang sarili niya sa bahay namin?" tanong ko habang pumipirma sa mga papel na nasa harapan ko.
Nang hindi kaagad sumagot si Paris ay tiningnan ko siya at nakita ko siyang nakangiti. Nang makita niyang nahuli ko siyang nakangiti ay pinawi niya iyon.
"Actually, I don't know. Maybe he just wants to spend some time with you.. err I mean with the kids."
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga papel sa harapan ko.
"He can still spend time with the kids kahit hindi siya sa bahay nakatira diba?"
"Ahmm oo, pero diba mas okay kapag nasa iisang bubong sila ng mga bata?"
Ibinalik ko ang tingin ko kay Paris.
"Is there something I didn't know that you want to tell me? I mean, am I missing something?"
"Praning ka lang, Arkisha. Actually, kayong dalawa ni Adam. Praning kayong dalawa," sagot niya. "Pahiwalay hiwalay pa kasi," bulong niya.
Napailing na lang ako. Hindi pa rin talaga siya makamove on sa paghihiwalay namin ni Adam.
"Paris, Adam and I know that it will be better for the both of us. Kung hindi kami naghiwalay noon, mas masasaktan namin ang isa't isa."
Sumimangot si Paris. "Fine. Wala na naman akong magagawa eh. Buhay ninyong dalawa yan. I have to go. Sinigurado ko lang na sa bahay mo nga tumutuloy ang kapatid ko."
Tumayo na siya at akmang papalabas ng ng pinto.
"Bakit? May iba pa ba siyang mapupuntahan?" tanong ko.
Napatigil siya sa tanong ko.
"Why would you like to know?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
The bitchy side of Paris awakens.
"I would like to know because if there is anyone or anywhere na pwede niyang puntahan eh mas mabuti pa na roon na lang siya. Nagiging masikip ang bahay kapag nandoon si Adam."
Napalitan ng lungkot ang mga mata ni Paris.
"Oh Arkisha, if you only knew how much he had sacrificed," sabi niya then she left my office.
"If you only knew how much I've suffered," bulong ko nang makaalis na siya.
Wala akong pakialam kahit anong pang sakripisyo ang ginawa ni Adam dahil hindi lang naman siya ang nagsakripisyo and up until now, nagsasakripisyo pa din ako. Hindi lang siya ang nawalan, ako din. Hindi nila alam ang pakiramdam na halos araw araw, sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari.
Bumalik ang pag-iisip ko sa kasalukuyan nang may marinig akong katok sa pinto. Pinapasok ko naman kung sino man yon.
"Ellaine, may kailangan ka ba?"
Naka-uniform si Ellaine habang nakaponytail ang buhok niya. Maganda pa din siya kahit hindi nakalugay ang buhok niya.
"Itatanong ko lang po sana kung dadating po ba si Ian? Oras na po kasi ng training namin at twenty minutes na po siyang late. Kung hindi po siya dadating ay sisimulan ko na lang po yung iniuutos sa akin ni Daddy."
Ngayon ko lang napansin na wala pa nga si Ian sa office.
"Ganun ba? Sige, tatawag ako sa bahay at ipapaalam ko kaagad sayo kung papasok siya o hindi. Pagpasensyahan mo na lang muna ang kapatid ko at may pagkapasaway talaga yon. Pero mabait naman yon. Suplado lang talaga minsan. Pero mabait. Mabait talaga. Tsaka sweet yon. Maalaalahanin pa."
Napansin kong pinipigilan ni Ellaine ang tawa niya.
"Please don't mind me asking pero may boyfriend ka na ba?"
Umiling siya. Ngumiti ako.
"Mabait yung kapatid ko. Sweet pa. Suplado pero gwapo," ulit ko. Bakit ba, wala naman dito si Ian. Hindi niya ako mapipigilan.
Panay ang ngiti ni Ellaine at pinipigilan niya pa din ang pagtawa niya.
"Sige po Miss Aragon, mauna na po ako," paalam niya at binuksan na niya ang pinto.
"Sige Ellaine, ako bahala sa kapatid ko. I mean, tatawagan ko na siya."
PARIS' POV
"It's official, Arkisha's heart has frozen," sabi ko kay Venice nang makarating ako sa Castrences Group of Companies pagkagaling ko sa Daily Routine. Hindi siya sumagot. "Confirmed. Nasa bahay nina Arkisha si Adam," dagdag ko.
Nakaharap si Venice sa laptop niya at inayos ang kanyang eyeglasses.
"I know. When Adam told us na sa ibang bahay muna siya tutuloy, sigurado ako na kina Arkisha yon," sagot ni Venice.
"What made you sure eh hindi naman tumutol si Adam noong maghiwalay sila? I mean, sure ka ba na may gusto pa din si Adam kay Arkisha?"
"No," sagot niya.
Sumimangot ang mukha ko.
"See? Gosh! What if may iba ng gusto si Adam? Or worst may iba ng gusto si Arkisha?" pag-aalala ko.
Nag-angat ng tingin sa akin si Paris.
"Paris, what I am sure is mahal pa din ni Adam si Arkisha, okay? Stop worrying too much."
"What made you sure then?"
"I just know."
"Kung ganon, anong ginagawa mo? Do something para magkabalikan sila!"
"Nah," tipid niyang sagot.
"Then I will do something!"
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.