Thirty Five

32.1K 837 72
                                    

Chapter Thirty Five

Arkisha's POV

Dumiretso kami ni Doc sa kwarto ni Papa. Nadatnan namin sa loob si Mama. May mga ginawang test kay Papa yung kasama niyang nurse. Makalipas ang limang minuto ay umalis na din ang doktor matapos masabi na bumubuti na raw ang kondisyon ni Papa.

Pagkalabas ng nurse at doktor ay dumating naman si Venice kasama ang mga anak ko.

"Mommy!!" salubong sa akin ng mga bata. Niyakap ko naman silang dalawa.

Nagpasalamat ako kay Venice sa paghatid sa mga bata. Limang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa din pumapasok sa kwarto si Adam. Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko at kinamusta ang lagay ni Papa.

Natutuwa ako na bumubuti na ang lagay ni Papa. Kahit papaano nababawasan ang pag-aalala ko.

"Are you okay?" tanong ni Venice. Napansin niya siguro na maputla ako.

"Okay lang ako," sagot ko.

"She's not okay. Magdamag ko siyang binantayan kagabi dahil masama ang pakiramdam niya," sagot ni Adam.

Nilingon ko siya at isinarado niya ang pinto ng kwarto.

"Anak, magpahinga ka na muna. Ako na lang ang magbabantay sa Papa mo," pag-alala ni Mama. Bumaling siya kay Adam. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko, Adam."

"No worries. Ako po ang asawa niya kaya natural lang po na alagaan ko siya."

Nahuli kong ngumiti si Venice. Napailing ako.

"Ma, okay lang po ako. Hindi na masama ang pakiramdam ko. Kaya ko na pong bantayan si Papa," sabi ko.

"Me too. Babantayan ko si Lolo," sabi ni Landon na nakataas pa ang isang kamay.

Ginulo ni Adam ang buhok ng panganay niya. "Nope, hindi ka pwede rito young man. Si Tito Ian muna ang mag-aalaga sa inyo," sabi ni Adam.

"Ako na ang bahala sa kambal."

"Paris!" bulalas ko.

"God, Arkisha! Look at you. Are you sick?"

Ewan ko ba rito kay Paris. Hindi ko mahanap sa tono niya ang pag-aalala. Well, siguro ganun lang talaga siya.

"I'm fine. Ano ba kayo? Wag kayong mag-alala," ulit ko. Bigla namang pumasok si Jam at nakaboots pa ang gaga. Nakaakbay sa kanya ang isang lalaking foreigner. Matangkad, maputi at gwapo.

"Fine?? Are you seriously?!" tanong ni Jam.

Natahimk ang lahat. Yun ba namang pagsamahin niya sa iisang sentence ang "Are you serious?" at "Seriously?" na wala namang kadugtong na –ing verb.

Alam ko na ang gift ko sa kanya this Chirstmas. English dictionary.

"Salamat sa pagbisita friend," basag ko sa katahimikan. Wala pa din atang idea ang bakla kung saan siya nagkamali. "Hi Eyb-ra-ham!" bati ko sa kasama niya. /Ab-ra-ham/ talaga tawag ko noong una sa boyfriend niya kaso hindi raw ganun ang pagpronounce. Hindi raw katulad ng kay Adam na A-dam.

Ipinakilala naman ni Jam sa mga tao sa loob ang boyfriend niya. Nagpaalam sandali ang boyfriend niya na lalabas muna ng kwarto nang tumunog ang cellphone nito. Hinila ko naman si Jam sa isang tabi.

"Kailan pa dumating ang boyfriend mo rito sa bansa?" tanong ko.

"Kahapon lang," sagot niya at panay ang hawak niya sa mahaba at alon-alon niyang kulay dilaw na buhok. Napatitig ako sa kanya.

"O? Bakit?" Napataas ang isang kilay niya. "Huwag ka ng magulat na mas maganda na ako sayo ngayon. Look," sabi niya at itinaas pa niya ng bahagya ang paa niya. "Ang ganda ng shoes ko diba?"

"Mamahalin ba yan? Feel na feel mo ah!" sabi ko.

"Ay day! Di mo kakayanin. Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para mabili yan."

"Bakit? Kumayod ka ng bonnga para mabili yan? Grabe ka."

"Gaga! Nahirapan talaga akong bilhin yan dahil hindi biro ang makipagsiksikan sa divi noh!"

"Pa-boots boots ka pa kasi. Arte arte mo!" singhal ko sa kanya.

"Aba syempre! Para first!" sagot niya at nakapamewang pa.

"First? Saan ka mangunguna?"

"Hindi. Yung para pak na pak, bongga! First!" at um-awra pa siya.

Naningkit ang mga mata ko.

"GAGA! FIERCE! HINDI FIRST!"

Napalakas ata ang boses ko, napatingin sila eh. Habang naninigkit ang mga mata ko, tawa naman ng tawa si Jam.

"Basta friend, yun na yun. Magkakatunog naman sila. Magkakapareha. Keri na yun!"

Jusko. Mahihimatay yata ako dahil sa kaibigan kong ito. Kailangan ko ata magpasaksak ng dextrose.

Nagpaalam na sina Paris. Isinama na niya ang kambal. Naiwan pa rin si Venice.

"Are they go?" bulong ni Jam sa akin.

Tango na lang ang isinagot ko sa kanya. I swear, pag gumaling na si Papa mag-e-English 101 kami ni Jam.

Bago magtanghalian ay nag-paalam na sina Jam at si Eyb-ra-ham. May pupuntahan pa raw kasi silang friend ni Eyb-ra-ham.

"Arkisha, umuwi ka na at magpahinga. Ako na ang magbabantay sa Papa mo," pilit ni Mama.

"Ma, kaya ko naman po. Hindi na nga ako nagbantay kagabi eh. Ako na po ang bahala."

"Sigurado ka ba?"

"Opo."

Nakumbinsi ko din si Mama at umuwi na siya sa bahay.

"Sasamahan kita sa pagbabantay dito, Arkisha," sabi ni Adam.

"Adam, you don't have to. Kaya ko na," sagot ko. "Hindi mo responsibilidad ang alagaan ako o ang pamilya ko."

Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ako sandali at pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.

"Stop pushing him away, Arkisha," sabi ni Venice na nanantiling nakaupo sa sofa.

"That's what I do Venice, I push people away," sagot ko at inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

"You can't always push them away. You'll never know if they will still come back or worst nobody will," sabi ni Venice.

Tumayo si Venice at inilagay niya ang kanang kamay niya sa balikat ko.

"You are the product of your past, Arkisha. Don't hate it. Accept it and be thankful for it. You still have a future. Don't get stuck with you past."

Am I?

"You have to talk to him, Arkisha. As much as I want to explain everything to you, I believe that it will be better kung sa kanya mo mismo maririnig. Please listen to him, and dont ignore what you hear."

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon