Thirty Six

31.2K 963 65
                                    

Chapter Thirty Six

Anong ibig sabihin ni Venice? Explain everything? Anong explanation pa ba ang kailangan kong marinig?

I just found myself na lumabas ng kwarto at hinanap si Adam. Hindi ko din mainitindihan ang sarili ko kung bakit ko ba sinusunod ang sinabi ni Venice to think na malinaw na naman sa akin ang mga nangyari noon.

Patuloy ako sa paglalakad sa hallway, at unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Natatakot ba ako sa mga sasabihin ni Adam? Pero wala ng mas nakakatakot pa noong araw na mawala ang anak ko.

Nakarating ako sa labas at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa di-kalayuan. Unti-unti ko siyang nilapitan kahit kinakabahan ako sa di maipaliwanag na rason.

"I messed up, I know," sabi niya nang makaupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"I'm sorry for doing complicated things, Arkisha. I'm doing it for complicated reasons. I'm sorry itinago ko ang tungkol kay Anika. I can't tell you about her because things are complicated."

Umayos siya ng upo at tiningnan niya ako.

"Ako ang unang nakaalam ng lahat. I saw him talking to Dad one morning at the office at nasundan pa yon ng pangalawa, pangatlo hanggang sa hindi na siya ulit nagpakita pa. Pero nararamdaman kong hindi pa roon natatapos yon, kaya isang araw sinundan ko si Daddy at nakita ko na katagpo pala niya si Anika. May iniabot siyang envelope, hindi ko alam kung anong laman. Baka pera. Until one day, ako mismo ang nakipagkita kay Anika pero si Daddy ang nandon. Sinabi niya sa akin ang totoo. Ang sabi niya huwag ko muna raw sasabihin sa kahit na kanino lalong lalo na sa mga kapatid ko. Gusto kong umiyak."

Natigil siya sa pagsasalita at napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa hitsura ni Adam. Pakiramdam ko hirap na hirap siya.

"Hindi ko alam kung magagalit ako o maaawa ako sa kanya. Ang iniisip ko lang noon ay ang mararamdaman ng Mommy ko. Nagalit ako kay Daddy kasi mahina siya, kasi duwag siya. Gusto raw niyang makilala ko si Anika. Galit man ako, pumayag ako. I wanna meet her. I want to meet this woman na pinagkaitan ng ama."

Nang bitiwan ni Adam ang mga salitang yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Naramdaman ko na lang na nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"Yes, Arkisha. Anika is my half-sister. Ilang beses siyang pumunta sa Daddy ko para humingi ng tulong. She is sick. When I found out about her condition, mas naging masikap ako sa pagtatrabaho dahil gusto kong maibigay sa kanya ang mga pagkukulang ng Daddy ko. I want to be the perfect brother she never had. I want her to be okay. I'm sorry for keeping this to you. Sasabihin ko din naman sayo pero sobrang gulo pa noon. I'm sorry kung nawalan ako ng oras sa inyo ng mga bata. I'm sorry for loving you so much. Hiwalay na tayo nang malaman nina Paris at Venice ang tungkol kay Anika. I have always wanted you to meet her because I know she will love you. Noong birthday party ni Luigi, I didn't want to answer her calls because I want to surprise her. I asked you to come with me dahil ipapakilala na kita sa kanya."

Hindi ata ako makahinga. Tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko.

"P-pero n-nagselos ako at naaksidente tayo," sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko. "I'm sorry Adam. It was my fault. Kung hindi ako nagselos.. dapat nagtiwala ako sayo. Dapat--"

Hinawakan ni Adam ang kamay ko at ramdam niya ang panginginig nito.

"Shhh.. No, baby it's not your fault. Aksidente ang lahat. Don't you ever blame yourself and I'm sorry if I made you feel that way."

Hinalikan niya ang kamay ko.

"Halos dalawang taon kang nawala sa akin and no matter how hard I tried, these terrible longing for you won't cease. So I decided to go back here and try everything to win you back. I gave up everything. Sinabi ko lang sayo nan aka-vacation leave ako pero hindi yon totoo. I let Venice took over the company. That is not the life I wanted. My family is my life. You are my home, Arkisha. But every time I tried to step forward, you're taking two steps backward. Kahit anong gawin ko, hindi ko magiba-giba ang pader na itinayo mo. Ikaw lang, Arkisha. You are the only one who can break the wall. So please break it and let me love you again."

"But if I break these walls, then it means I will let you break my heart again."

"I can't promise that I will never break your heart again. Ayoko ng pangakuan ka ng kahit ano. But I will do my best not to break it. I will do my best to be the best husband and father to our kids. Ayoko na ng ganito. I hate feeling nothing. Kaya kahit masaktan ako araw araw kapag itinataboy mo ako, okay lang sa akin. Kahit palagi mo akong sinusupladahan these past few days, okay lang. That feeling is so much better than feeling nothing at all. Aaminin ko na nagkamali ako nang maghiwalay tayo. I shouldn't have let you go. Natakot ako na mas masasaktan kita sa piling ko. Sa sobrang ingat ko na masaktan kita I didn't realize na sa ganoong paraan pala kita nasasaktan. Nawalaan ako ng oras sayo at sa mga bata. I just want to be the perfect husband for you, Arkisha. "

"I dont need a perfect husband, Adam. I just needed you."

"Noong naaksidente tayo, alam kong hindi lang ang bunso natin ang nawala. I knew that moment I already lost you. I can see it in your eyes. Ni hindi kita mahawakan. I was so afraid to touch you. It's like you're a flame and anytime I will be burned if I touch you. Nakuntento ako na tingnan ka na lang sa malayo because I am afraid that if I get any closer I might destroy you."

"You're telling me that you lost me on the accident. Adam I lost you from the time you started hiding things from me. I lost you since the day you're trying hard to be the perfect husband for me. I lost you, Adam. I lost you first before you lost me."

"I lost myself too. When we broke up, wala ng natira sa akin. I lost you then I lost myself. I spent two years trying to find myself but no matter how I tried, I belong with you."

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Sinabi mo noon na ako ang happiness mo. Baby, I dont want to be responsible for your happiness because I am afraid I might disappoint you again, but if you will just give me another chance I will do anything you want to make you happy with or without consequences. I can't promise you tomorrow because it's not ours yet. But we can start today until forever."

He wiped my tears away.

"Please stop running away from me. But if you still do, then let me run away with you."

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon