Two

77K 1.4K 183
                                    

Maraming salamat sa lahat ng nag-aabang ng sequel na ito. Hindi na nga ako makapaghintay ng Feb 14 kaya ipinost ko na. Kamusta naman ang Chapter One? Ganito mga reaksyon nyo noh? Haha.

 Kamusta naman ang Chapter One? Ganito mga reaksyon nyo noh? Haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Okay. Here is the second chapter. Enjoy!



Chapter Two

"Ate, ano naman ang akala mo sa akin? Ten years old pa din na pwede nyong mauto ni Kuya Adam?" tanong ni Ian habang nakaupo kami sa may tabing dagat.

Pinapanood namin na magtampisaw ang kambal. Masaya ako na nakikitang nag-eenjoy na si Madison sa bakasyon namin na ito. Mas masaya ako na naovercome na niya ang takot niya sa dagat. Muntik na kasi siyang malunod noon, and that was a total nightmare for me.

"Hindi kita inuuto noon noh? Siya lang ang nang-uuto sayo!" depensa ko.

Totoo naman diba? Sila ang palaging magkasama kahit noong ipinagbubuntis ko pa lang ang kambal. Remember that?

Huminga siya ng malalim.

"Anyway, tinawagan niya ako kagabi."

Hindi ako sumagot, sa halip inalis ko sa mukha ko ang aking buhok na hinahampas ng hangin.

"Kausap niya rin si Madison kaninang umaga."

"Ikaw? Kelan mo siya huling nakausap?"

"I don't know. Last week siguro. Matagal na din."

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng kapatid ko.

"Ibig mong sabihin, hindi kayo araw-araw nag-uusap?!"

"No, why should we?" nakataas ang kilay kong tanong.

Did you feel any bitterness in my voice?

None?

Good. Kasi hindi naman talaga.

"Ate, may anak kayo. Dalawa pa! Ngayon sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit hindi kayo dapat mag-usap araw-araw?"

"Kasi matagal na kaming hiwalay. Kasi we already realized na mas ikabubuti yon ng bawat isa," smooth kong sagot.

Iiling-iling si Ian.

"Gaano na nga ulit kayo katagal na hiwalay?"

"Almost 2 years," sagot ko.

That was after the twins celebrated their 7th birthday. We already knew that from that moment, something was wrong.

"Matagal na din. How about the kids? That must be really hard for them."

Hindi ko nasagot agad ang tanong ni Ian nang biglang lumapit sa akin si Madison.

"Look Mommy! Kuya found a jellyfish!" tuwang tuwang sabi ni Madison habang ipinapakita sa akin ang plastic cup na may laman na jellyfish.

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon