Chapter Forty Four
Arkisha's POV
Wala akong imik habang nakasakay ako sa kotse. Ganun din si Adam habang nagmamaneho pauwi. All this time, akala ko kami lang ni Adam ang nagsusuffer. Hindi pala. Mayroon palang isa pang pamilya na until now ay nagdurusa.
Coma for two years?! That's too much!
Dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Wala akong ganang kumain. Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko na lang ang yakap ni Adam mula sa likod ko.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya.
Iling lang ang isinagot ko at humarap ako sa kanya.
"Ngayon naiiintidihan ko na ang mga salitang binitiwan ni Mr. Norberto Chua."
"It was not our fault though. Naghahanap siya ng taong sisihin. Hindi niya masisi ang apo niya kaya tayo ang sinisisi niya.
"I hope he will be okay."
"Yah. Me too."
Kinabukasan, tinagpo namin si Nick hospital kung saan nakaadmit ang pamangkin niya. Magkasama kaming dalawa ni Adam at nang papalapit na kami sa pinto ng kwarto ay may narinig kaming nagtatalo.
"Are you crazy?" boses ng babae. "Bakit mo sila papapuntahin dito? Gusto mo bang makulong ang anak ko? Bakit mo sinabi sa kanila? Hindi ka nag-iisip Nick!"
Nagkatinginan kami ni Adam.
"Ate, it's not what you think. Walang balak magsampa ng kaso sina Arkisha."
That was Nick's voice.
"Paano ka nakakasiguro, ha? You don't' know them. Nawalan sila ng anak. Of course they would seek for revenge."
"Sigurado ako because she is not like you."
Tumahimik ng bahagya.
"Come to think of it, Ate. Si Arkisha, nawalan ng anak pero ikaw hindi. Andito pa si Claude. Wala man siyang malay pero buhay pa siya. May mga ginagawang paraan ang mga doktor para maging okay siya. I want to help him too, Ate. Please, let them talk to him. Sinabi ng doktor na okay naman daw lahat ng vitals niya, pero bakit hindi pa din siya nagigising? Hindi mo ba naisip na baka sinisisi ni Claude ang sarili niya? Hindi mo ba naisip na tayong nagmamahal sa kanya ay patuloy na lumalaban pero baka siya mismo ang ayaw lumaban dahil natatakot siya. Sigurado ako pagod na siya. Pagod na siyang magtago sa kalagyan niya."
Tinitigan ko si Adam at tumango ako.
"You don't know that," sagot ng babae.
"Maybe I was wrong but what if I am right? What if mas pinahihirapan natin siya? Two years, Ate. Two years na siyang lumalaban. Ilang beses kong sinabi sayo na kung may sasabihin kang hindi maganda, huwag dito sa loob ng kwarto dahil maririnig ka niya."
"Hindi yan totoo."
"Totooo ang sinasabi ko. Naniniwala ako na kahit ngayon, naririnig niya tayo."
"Hindi yan totoo! Dahil kung totoo yan, sana matagal na siyang gising dahil araw-araw akong nagmamakaawa sa kanya na sana gumising na siya. Na sana maging okay na siya! Kaya imposible. Hindi niya ako naririnig," sabi ng babae sa gitna ng mga hikbi niya.
Inakbayan ako ni Adam.
"She's in denial and I understand her," bulong ko.
"Because he is scared. Hindi niya alam kung anong mangyayari kapag nagising siya. So please, let them talk to him, okay?"
Nang magbukas ang pinto ay nakita ko kaagad ang kapatid ni Nick. Basang basa ng luha ang mga mata niya.
Ipinakilala kami ni Nick sa kanya. Nag-alangan pa siyang abutin ang palad ko.
Tiningnan ko ang binatang nakahiga sa kama. Hindi nalalayo ang edad niya kay Ian. Dalawang taon na kaagad ang nawala sa buhay niya. Nilapitan ko siya at tiningnan ng mabuti. Kahawig siya ni Nick. I wonder if he has dimples too.
Kung anu-ano ang nakakabit sa katawan niya pati sa bibig niya ay mayroon din. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Hi!" simula ko. "I'm Arkisha. I'm sorry ngayon lang kami nakapunta dito but it's not too late, right? You'll be okay. You have to be okay dahil madaming taong nagmamahal ang naghihintay sayo. Don't be scared. It's not your fault. Stop blaming yourself. Oo may nawala sa akin, sa amin.."
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Adam.
"..pero may dahilan ang Diyos kaya nangyari yon. Napatawad na namin ni Adam ang isa't isa kaya naman sana patawarin mo na din ang sarili mo. You don't' deserve to be in this pain. Bata ka pa. Madami pang mangyayari sa buhay mo. Please Claude, wake up. Mahal na mahal ka ng Mommy mo and you are so lucky to have her. Ina din ako kaya alam ko ang hirap na pinagdadaanan niya."
"Claude," tawag ni Adam. "This is Adam, Arkisha's husband. I'm sorry, hindi ko alam na hindi lang pala kami ang naaksidente ng gabing yon. I'm really sorry. Please wake up and you don't have to worry. We will support you. There is nothing to be afraid of. We just want you to be okay," dagdag niya.
"I'm sorry you're in this pain for so long. If I had known sooner, matagal na kitang nadalaw. But I understand your Tito. Hinintay niya akong maging okay. I'm sorry it took so long for me to be okay. It's your turn now. We will fight this together, okay?" sabi ko.
"Claude?" tawag ni Adam.
Nilingon ko si Nick at lumapit siya kaagad. Nang makita niya ang mukha ni Claude ay agad siyang lumabas para tawagin ang doktor.
"Claude, can you hear me?" tawag ng Mommy niya.
Patuloy lang ang pagdaloy ng luha sa kaliwang mata ni Claude.
"That's a good sign. This is the first time na nagrespond ang katawan niya," sabi ng doktor nang matingnan si Claude. Sinabi niya nakatulong daw ng malaki ang pakikipag-usap namin dito.
Bago kami umalis ay walang tigil ang pasasalamat ng Mommy ni Claude sa amin ni Adam. Sinundan pa niya kami ng makalabas kami sa pinto.
"I hope you will forgive me. I was wrong to think na dapat maging miserable din kayong dalawa. Hindi ako nakinig kay Nick. I just realized that just like me, you were suffering. I was being selfish. I'm sorry kung naging careless ang anak ko."
"Everything will be fine. Balitaan nyo kami kapag nagkamalay na si Claude. Bibisita ulit kami dito, if it's okay?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Anytime. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa."
Nagpaalam na siya at bumalik na sa loob. Kasabay noon ang paglabas naman ni Nick.
"Thank you," sabi niya.
"Kanina pa din walang sawang nagpapasalamat ang Ate mo. Saka ka na mag-thank you kapag nagising na si Claude," nakangiti kong sagot sa kanya.
"No. What you guys did was a lot for us. Narinig ninyo ang sinabi ng doktor, ngayon lang siya nagrespond sa kahit ano mula ng na-coma siya."
"You could've told us sooner," sabi ko.
Umiling siya.
"I can't. Hindi ko kayang dagdagan ang sakit na nararamdaman mo at aaminin ko, natakot din ako. I wasn't sure if I'll receive the same reaction from you if I told you sooner. Ang importante he is somehow close from being okay."
Tumango ako.
"Just call us if you need anything," sabi ni Adam.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.