Chapter Twenty Nine
After two days, tuluyan ng nakuha ng CGC ang Boomerang Airlines. Bilib din ako sa tyaga ni Adam. Gagawin niya talaga ang lahat para lang manalo siya sa lahat ng bagay. Hinding hindi siya magpapatalo lalong lalo na sa mga Chua. Madalas nga late na siya nakakauwi sa bahay.
"Adam.." tawag ko nang minsan magising ako sa gitna ng gabi. Nilapitan niya ako sa kama at hinalikan ako sa noo.
"Sshh.. Just go back to sleep," utos niya.
"Ano bang oras na?" tanong ko habang kinukusot ko pa ang mga mata ko. Hindi niya binuksan ang ilaw. Nag-aalala siguro siya na baka magising ako pero ang totoo, mababaw lang talaga palagi ang tulog ko dahil hinihintay ko siya kaya konting kaluskos lang, nagigising na kaagad ako.
"Go back to sleep, babe. Makakasama sa baby yan," paalala pa niya.
Hindi ko siya sinunod dahil hindi din naman ako makakatulog agad hangga't hindi siya humihiga sa tabi ko. Umupo ako sa kama at pinanood ko siyang magpalit ng damit pantulog.
"Ilang gabi ka ng madaling araw umuuwi. Adam, baka magkasakit ka niyan," pag-aalala ko.
"I need to focus, Arkisha," sagot niya.
Tumayo ako at tinulungan ko siyang magtanggal ng necktie dahil mukhang nahihirapan siya. He must be really tired.
"I need to be hands on pagdating sa pagpapatakbo ng CGC. Hindi ako papayag na mawala lahat ng pinaghirapan ng Daddy ko at ng Papa mo. Papatunayan ko na hindi nagkamali ang Papa mo na tulungan ang kompanya namin noon." Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tinitigan ako sa mga mata. "Gagawin ko ang lahat, Arkisha. Gagawin ko ang lahat para hindi ito mawala." Then he kissed my lips.
Hanga din talaga ko sa dedication ni Adam pagdating sa trabaho.
"Babe, I just want to remind you na next week na ang Recognition Day sa school ng twins. You need to be there, gusto ko tayong dalawa ang magsabit ng medal sa dalawang bata," paalala ko kay Adam Monday morning. Nakaupo kaming dalawa sa dining table matapos ko siyang maipagluto ng paborito niyang breakfast.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin at humigop sa kape habang nakaharap sa laptop.
"Of course I will be there. Special day yon para sa mga anak natin," sagot niya.
I just nod. Tumayo na ako para gisingin ang mga bata nang biglang tumunog ang phone niya.
"Hello... yah. Hindi ko naman nakakalimutan... I know... 7 pm sharp," sabi ni Adam sa kabilang linya. Hindi na ako nag-abalang itanong pa kung sino ang nasa kabilang linya.
Nang makapasok ang kambal ay inihatid naman ako ni Adam sa Daily Routine. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan nang bigla naming mamataan ang paparating na kotse ni Nick. Nagpark ito malapit sa kotse namin at bumaba.
"Good morning, I'm glad papasok ka ngayon sa office, Arkisha," bati ni Nick habang malapad ang ngiti.
Napansin ko ang pagtiim ng bagang ni Adam. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya.
"Adam," bati niya sa asawa ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Adam.
Oo nga, ano nga bang ginagawa ni Nick dito? Ilang linggo na din siyang hindi pumupunta rito para makipameeting kay Papa simula ng magkasagutan sila ni Adam.
"Business," tipid na sagot ni Nick.
"Nick, kung si Papa--."
"Nicko, call me Nicko," pagtatama niya at pagkatapos ay ngumiti.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.