Chapter Forty One
Arkisha's POV
Tulog na tulog pa si Adam nang umalis ako sa bahay. Hindi ko na siya ginising dahil mukhang pagod na pagod pa siya kagabi. Inayos ko pa ang gulo niyang buhok at hinalikan sa kaliwang pisngi bago ako lumabas ng kwarto. Tumawag kasi si Mama at sinabing ngayon na lalabas ng hospital si Papa.
Ibinilin ko kay Ian ang mga bata. Malapit na nga pala ang pasukan kaya babalik na din siya sa probinsya.
Pagdating ko sa hospital ay nakita ko sina Jane at Ella. Tinabihan ko sila sa couch matapos kong kamustahin si Papa.
"Pasensya ka na, Arkisha. Ngayon lang kami nakadalaw sa Papa mo. Naging busy kasi ako eh," sabi ni Ella. "Inaayos ko na kasi ang papers ko kasi balak akong kunin ni Tita sa Canada."
"Naiintindihan ko. Mabuti naman kung ganon. Masaya ako para sayo at magandang opportunity yan para madala mo roon ang pamilya mo," sabi ko.
"Ako naman naghahanda din kasi babalik na ulit ako sa Singapore," sabi ni Jane.
Ngumiti ako.
"Ibang klase na talaga ang mga kaibigan ko. Bigatin!"
Tumawa silang dalawa.
"Si Ate Gem kamusta kaya?" tanong ni Ella.
"Okay naman sila. Nakausap ko ang doktor ng baby niya at okay na raw ito," sagot ko.
"Eh ikaw? Kamusta ka naman?" tanong ni Jane.
"Okay na ako," sagot at hindi ko maitago ang aking ngiti.
"Nga pala, Arkisha eto yung relo na naiwan ni Adam noong natulog kayong dalawa rito," singit ni Mama. Hindi nga siya tumingin sa akin habang sinasabi niya yun. Naglilinis lang siya ng mga gamit sa lamesa. Kinukuha ang mga gamit na iuuwi na.
Agad namang bumaling sina Jane at Ella sa akin at nagbigay ng makahulugang tingin.
"May sinasabi Mama mo. Itatanong ba namin sa kanya o magkukwento ka?!" tanong ni Jane habang nakataas ang isang kilay.
"Okay, okay," sagot habang pinipigilan ko ang tawa ko. "Yes. Okay na kami ni Adam. Magkasama na ulit kami sa bahay."
Ipinulupot ni Ella ang dalawang braso niya sa katawan ko.
"Friend! Sobrang happy kami for you! You deserve to be happy and be loved. Mabuti naman pinatawad mo na si Adam."
Tumango ako.
"Pinatawad niya din ako. Malaki din ang kasalanan ko sa kanya. Dalawang taon ang sinayang naming dalawa."
"And you have the rest of your lives para punuan ang mga taong hindi kayo nagkasama."
Makalipas ang halos isang oras nagpaalam na din sina Jane at Ella. Inimbita pa nga ako ni Ella sa despedida niya. Aba ang gaga, wala pa nga atang visa eh despedida na nasa isip.
Nagpunta ako sa office matapos kong dalawin si Papa. Sinalubong kaagad ako ng secretary ko bago ako makapasok sa loob ng kwarto.
"Ma'am, nasa loob po si Mr. Chua," sabi niya.
Tumango ako.
Ano na naman ba ang kailangan ni Nick ngayon?
Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.
"Mr. Chua?!"
Nagulat ako. Hindi si Nick ang kaharap ko ngayon.
"So kamusta na ang Papa mo?" tanong ni Mr. Norberto Chua.
BINABASA MO ANG
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.