Thirty One

39.6K 1K 110
                                    

Chapter Thirty One

(PRESENT DAY)

Anika.

I will never forget that name. Who is Anika, anyway? Is she the same Anika two years ago?

Nakatitig pa din ako sa pinto kung saan pumasok ang babaeng tinawag na Anika ni Ellaine. Hanggang sa nakabalik na kami ni Ellaine sa Daily Routine ay ang babaeng iyon pa din ang laman ng isip ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalang "Anika".

Minsan nga kahit nasa supermarket ako at biglang may tatawag sa pangalang Anika ay napapalingon ako. Naging habit ko na din siguro. At aaminin ko palagi akong nakakaramdam ng inis sa tuwing maririnig ko ang pangalang iyon.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang pumasok sa loob ng opisina ko ang habol-hiningang si Ian.

"ATE!" sigaw niya.

Napatayo naman ako sa itsura niya. Pawis na pawis siya at daig pa niya ang lumaban sa track and field. Hindi ba siya nag-elevator paakyat dito? Bakit ganito ang hitsura niya?

"A-ate..." ulit niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa dalawang balikat ng mahigpit. Mukha kasing mawawalan siya ng balanse at kailangan niya ng suporta.

"Ian, anong problema? Tumakbo ka ba?"

"Ate, si P-papa.."

Halos wala ng boses si Ian habang nagsasalita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong si Papa? Anong nangyari kay Papa?" nag-alala kong tanong.

Yung stress sa mukha ni Ian ay mukhang nalipat na sa akin.

"Kailangan nating umuwi sa probinsya, Ate. Si Papa.. naaksidente."

Unti unti kong nabitawan si Ian at napaupo ako sa couch na mabuti na lang ay nasa likod ko. May mga sinabi pa si Ian at hindi na nakuha ng utak ko.

Tinawagan ko kaagad si Adam para ibilin ang mga bata pero hindi ko siya makontak. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatawagan ko si Venice. Ibinilin ko sa kanya ang mga bata at sinabi ang nangyari sa Papa ko. Agad naman niyang ipinacancel lahat ng meetings niya para kunin ang dalawang bata. Samantalang ibinilin ko naman kay Mr. Carbonel ang Daily Routine.

Nagpahatid kami ni Ian sa company driver namin pauwi sa probinsya. Sa lagay naming dalawa ay wala kami sa ayos parehas para magdrive. Halos takbuhin namin ni Ian ang emergency room ng makarating kami sa hospital. Nadatnan namin si Mama na iyak ng iyak at agad ko naman siyang niyakap pagkakita ko sa kanya.

"Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa Papa mo, Arkisha. Ayoko na ng ganitong pakiramdam. Hindi ko pa rin nakakalimutan noong ikaw ang nandyan. Hindi ko kakayanin."

Panay pa rin ang iyak ni Mama sa gitna ng mga salita niya. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong tumutsok sa puso ko. Bumalik sa alaala ko ang aksidente noon. Tama si Mama, she doesn't deserve this. Baka hindi na niya kayanin.

"Ilang beses ko na kayong pinagsasabihan na mag-iingat sa pagmamaneho. Hindi ko maintindihan dyan sa Papa mo, may driver naman siya pero nagpilit pa din na hindi hintayin ang driver," dagdag pa ni Mama.

Nang matapos ang operasyon ay inilipat na sa ICU si Papa. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ni Mama noong ako ang nasa sitwasyon ni Papa. Masakit sa dibdib. Nakakaiyak tingnan na ang daming tubo na nakakabit sa katawan ni Papa.

Ang hirap maghintay kung anong mangyayari? Kung magiging okay ba si Papa? Sana. Inutusan ko si Ian na iuwi na muna si Mama para makapagpahinga pero hindi pumayag si Mama. Hindi raw siya aalis sa hospital hangga't hindi niya nalalaman kung ligtas na ba ang Papa ko.

Hindi pa nga ba sapat ang isang aksidente? Noong ako ang nasa kalagayan ni Papa, hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Pero sigurado akong ganito din si Mama noon. Ilang araw nga ba akong walang malay? Isa? Dalawa? Lima? Isang linggo?

Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Alam mong mahal na mahal kita, Arkisha," sabi ni Mama habang magkausap kami sa labas ng ICU. "Hindi ko mainitindihan kung bakit kailangan pang ulitin ng Diyos ang lahat. Gusto ba niyang ipakita sayo kung paano kami nag-alala noong ikaw ang nandyan? Hindi ko na alam kung bakit."

Halos wala ng boses si Mama habang nagsasalita. Sa kakaiyak na din siguro.

"Alam mo bang noong ikaw ang nandyan, halos mabaliw si Adam dahil hindi niya alam kung magigising ka pa ba o hindi na. Ang sabi ng doktor kailangan din niyang magpahinga pero hindi siya nakikinig dahil hinihintay niya na magising ka. Hindi niya matanggap na siya nagkaroon na ng malay pero ikaw hindi pa. Paulit-ulit niyang sinasabi na sana siya na lang at hindi ikaw. Sana siya na lang."

"Awang awa ako sa kanya. Hindi siya nakikinig kahit kanino. Magulong magulo ang utak niya noon. Halos maubusan na nga ako ng sasabihin sa batang iyon para lang makumbinsi ko siya na magiging okay ka din. Saka lang daw siya makakapante kapag nagising ka na. Matigas ang ulo ng batang iyon, Arkisha. Gagawin niya ang lahat maging okay ka lang."

"Ma... Magiging okay din si Papa," sabi ko sa kanya. "Kung si Adam, hindi nawalan ng pag-asa na magigising ako noon, alam kong ikaw din. Alam nating dalawa na magigising din si Papa."

Tumango siya.

Tumayo si Mama at nagpaalam na bibili siya sandali ng tubig. Pagkaalis niya, hindi ko napigilan ang umiyak. Paano ko ba nagawang kumbinsihin si Mama na magiging okay din samantalang ako, hindi ko alam kung ano bang mangyayari. Pinipigilan kong lumikha ng tunog habang humahagulhol kaya tumungo na lang ako.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may dumating. Mas lalong dumaloy ang mga luha ko sa aking pisngi nang makita ko siya. Niyakap agad ako ni Adam at sa balikat na niya ako tuluyang umiyak ng todo.

"Adam, ayoko na ng ganito. One accident is enough," sabi ko sa kanya.

I felt his lips on my hair and he whispered, "Sssshhh.. Everything will be alright."

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon